Chapter 1: Door Number 1

4 2 0
                                    

Isang gabi, may dalawang magasawa ang naglalakad sa isang eskenita, balisa, pawis na pawis at ang misis ay nangingilid ang luha at may hinahanap sila na isang Bar. Madaming pasikot sikot at madilim ang eskinita pero nakita padin nila ito.

Isang bakal na pinto na pumapagitna sa malalaking kahon at sa itaas ay isang sign board na may ilaw na dilaw na nakasulat na "The Bar".

Kumatok sila sa pinto at pinagbukasan sila ng isang lalaki na matangkad, malaki ang katawan, kalbo at may balbas na itim at maitim na complexion, at naka T-shirt na may nakasulat sa harap na "Bouncer". At sinabi ng lalaki sa magasawa na

"Mr and Mrs Tagam, welcome, go to the bar counter"

Pumasok na ang magasawa sa loob ng bar at hinanap ang bar counter. Madilim ang loob ng bar, tanging mga maliliit na lamp na nakapatong sa mga bilog na wooden table lamang ang matatanaw sa pagpasok. Masyadong mahina ang ilaw mula sa mga lamp na halos hindi mo makikita kung may nakaupo ba sa mga upuan. At sa dulo ng madilim na lugar ay may isang maliwag na ilaw at doon ang bar counter. Naglakad ang magasawa papalapit sa bar counter, at habang lumalapit sila dito ay natanaw nila ang pinaka itsura nga bar counter, isang mahabang counter na may limang stool, at sa kabila ay isang malaking cabinet ng mga inumin, inumin na mga walang tatak, mga bote lamang na may laman na liquid, at isang lalaki na pinupunasan ang mga baso may reading glasses ito at nakapusod na itim na buhok, at naka itim na T-shirt na may nakasulat na "Bartender".

Napansin ng Bartender ang magasawa at sinenyasan nya ito na umupo sa stool. Binaba ng Bartender ang hawak nyang baso at nilapitan ang magasawa na balisang balisa at sinabi nya na

"Relax"

napakalamig ng boses ng Bartender na halos kumalma ang magasawa. Tumalikod saglit ang Bartender at kumiha ng isang bote na may laman na orange liquid at inabot sa magasawa, at isang tissue paper mula sa bulsa nito na may nakasulat na 'Seat 6'. At pinatayo na sila ng Bartender at sinabing pumunta sa Seat 6.

Tumayo ang magasawa sa stool dala ang bote ng orange liquid at tumalikod sa bar counter, at iniisip nila kung nasaan ang Seat 6, hindi nagtagal ay may isang lamp na bumukas sa isa sa mga table at natanaw nila sa ibabaw ng lamp ay may nakasulat na number 6. Lumapit sila dito at nakita nila ang tatlong upuan, dalawang magkatabi at isang nakahiwalay sa kabilang side. Umupo ang magasawa sa magkatabing upuan at hindi nagtagal ay may lumapit na lalaki sa table nila na nakadenim jacket, blue backpak, black pants at boots, at may dala itong tatlong baso Umupo ito sa harap nila, at nakita ng magasawa na mukhang bata pa ang lalaki, naka barbers cut at may mga kakaiba sa mga mata nito, warm dark eyes, nag smirk ito sakanila at sinabing

"Pass me the juice" malalim ang boses nya.

Inabot ni Mr Tagam ang bote at kinuha ito ng lalaki. Binuksan ng lalaki ang bote at sinalin ito sa tatlong baso, at inabot ang dalawang baso sa magasawa at iniwan ang isa sakanya. At sinabi ng lalaki na

"Drink up, it is juice...orange juice. oh you can call me Red by the way, so tell me who is missing?"

Nagulat ang magasawa, at naiyak si Mrs Tagam at sinabing

"Our son, he was kidnapped two days ago in front of Tapaz sa Cubao, no ransom call, nothing"

Niyakap ni Mr Tagam ang asawa nya at pinatahan nya ito. Tinitignan lamang sila ni Red. Tumingin si Mr Tagam kay Red at sinabing.

"Please help us"

Tumayo si Red at sinabi sakanila na.

"Finish your drink and go home. wait for my call"

Iniwan na ni Red ang magasawa at pumunta sya sa bar counter at kinausap ang Bartender

"I need transpo to Cubao" Sabi ni Red

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon