PLEASE VOTE AND COMMENT
THANK YOU VERY MUCH
MUAH MUAH TSUP TSUP
I ♥ LUKE SANDOVAL
A SHORT STORY
SCENE 1
Mag- iisang oras na siyang nakaupo at naghihintay na lumipad ang kanyang sinasakyang eroplano. Gustong gusto na niyang umuwi sa Pilipinas at makasamang muli ang pamilya niya. At hindi nga nagtagal, lumipad na ang eroplano. Mula sa pagkakatanaw sa bintana ay napagmasdan niya ang mga ulap na malayang nakalutang sa himpapawid at katulad ng mga ito, lumutang din ang utak niya sa napakaraming bagay. Mga nakaraang hinding hindi niya malilimutan. Mga nakaraang babaunin niya hanggang sa kanyang hukay.
Habang ang utak niya ay kung saan-saan napapadpad, hindi niya namalayan na nkatulog na pala siya. Mula sa pagkakahimbing, ay may bigla na lamng bumagsak sa balikat niya na siya namang nagpagising sa tulog niyang isipan. Isang mukha ng babae ang kanyang nasilayan. Hindi maikakaila na napakaganda nito. Ito na marahil ang matagal niya ng hinihintay na anghel ng buhay niya. Kanina pa pala niya ito katabi. Napahimbing ata ang tulog niya kaya hindi niya na ito namalayan. Napangiti siya.
Para siyang binatilyong babago pa lamang nakaramdam ng paghanga. Gumalaw ang babae, na para bang inayos nito ang pagkakaunan sa kanyang balikat. Lalo lamang nalantad sa kanya ang kagandahang taglay nito at syempre dahil normal lamang naman siyang lalaki ay sinamantala niya ang pagkakataong pakatitigan ang at sauluhin an gang bawat angulo ng mukha nito. Mahaba ang pilik- mata, maliit ang noo, mamulamula ang pisngi, matangos ang ilong at may mga labing parang nagaanyang halikan. Muling gumalaw ang babae at sa pagkakataong iyon, ay nagmulat na ito ng mga mata. Napapilig siya ng ulo. Inilipat niya ang kanyang tingin sa mga ulap sa labas at saka pumikit at nagkunwaring tulog.
Nagising ang dalaga dahil alam niya na may nanood sa kanyang pagtilog. Agad siyang napatingin sa mamang katabi niya. Nakapikit ang mga mata nito at nakahilig ang ulo sa bintana. Agad niyang napansin ang stubbles nito. Mukhang tatlong araw na itong hindi nag-aahit. Matangos ang ilong na may kaunting lubak sa gitna at maging ang baba nito ay may lubak din. Guwapo ito, at sigurado siyang hindi angkop na tawagin itong mama, lalo na siguro kapag nag- ahit ito. May hawig ito sa crush ng mommy niya na si Gregory Peck. Bigla siyang naasiwa sa giangawa niyang pagkilatis dito. Lalo na ang mapansing gusot na ang damit nito at basa pa! agad niyang kinapa ang gikid ng kanyang bibig.
“Shocks! Nagusot ko nga ang damit niya, tulo pa laway ko! Nakakahiya!”, ang agad na sinabi ni Maggie.
Mula sa pagkakapikit ay pigil na pigil ng binata ang sariling mapangiti. Tulo laway pala matulog ang dalaga na hindi niya naman agad napansin kanina. Dahil mukha lamang nito ang pinagtuunan niya ng pansin. Ngunit ang lalong nagpangiti sa kanya ay ang katotohanang tinitigan din siya ng dalaga na gaya ng ginawa niyang pagtitig dito kanina. Hindi na niya napigil ang kanyang pagmulat lalo na ng maramdaman niya ang pagpunas nito sa kanyang damit. Pagbaling niya dito ay abala ito sa pagpunas ng kanyang damit.