Prologue

23 14 8
                                    

Framed. That was the word. Ako'y inaakusahan sa kasalanang hindi ko ginawa. I would never betray anybody. I would never throw up the company for any fucking's sake. Hindi ko magagawa iyon. Never.

Keniki Kuruizawa, Chief Executive Officer of Rosvelt Corp.

Mahirap paniwalaan but at my very young age, I've made it this far. We've made it this far. Parang kailan lang iyong mga maliligayang araw namin.

Monday morning, nagising ako sa tunog ng alarm ko. Bumangon na agad ako at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. I really love coffee. I love its smell. I can't remember a morning na hindi ako nakapagkape.

Lumabas ako sa terrace na may bitbit na mug. Mabilis lang natimpla dahil may coffee maker naman ako dito sa condo. And guess what, coffee beans from Batangas. It was my favorite.

I put down the mug on the table before I sit on one of its chairs. Dumadampi sa aking mukha ang liwanag ng pasikat na araw. Maganda din ang view dito sa itaas. Tanaw na tanaw ang syudad. Tanaw na tanaw kung paano sinisimulan ng mga tao ang kanilang mga buhay sa araw na ito.

I opened my phone and read some emails while sipping on my mug. I also checked my schedule for this day. Hindi naman masikip ang schedule ko ngayong araw. May mga papeles lang na kailangang pirmahan.

Tumayo na din ako nang maubos ang iniinom at naghanda na para sa trabaho. Tumungo ako sa banyo para maligo at magsipilyo. After that, I just wore my working attire. A black suit with a navy blue tie. I also wore my wrist watch and black shoes before getting my car keys.

Bumaba na ako ng condo pagkatapos. Sumakay ako ng elevator papuntang lobby bago tinungo ang sasakyan sa may parking. Agad na akong sumakay at nagdrive papunta ng kompanya.

I am already 25 years of age. Some says I am too young to be a CEO, I didn't fit the position, I don't have an experience. Dahil lang daw anak ako ng namayapang may-ari ng kompanya kaya ako naluklok sa puwesto. Kung tutuosin marami daw sa mga kamag-anak ko ang karapat-dapat na maging CEO ng Rosvelt Corporation pero ako ang pinili. Madami pa akong naririnig na usap-usapan patungkol sa akin pero nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi ko nalang sila pinansin.

I am alone in life. My parents passed away a year ago due to a car accident. It almost ruined my life, no, it ruined my life. Ilang araw akong nagkulong sa kuwarto at hindi kumain. Sa mismong burol pa nila ay hindi ako nakapunta. But there was this girl na tumulong sa aking bumangon. Her name was Vivi.

Pero dati pa 'yon. Wala na kami ngayon. We broke up about a couple of months ago. It was a mutual one. Sinabi kong okay lang sa akin kung ako ang ikakaligaya niya pero ang totoo hindi ko iyon gusto. And hello cruel world! Mag-isa na naman ulit ako.

Nakarating ako sa kompanya around 8 AM na. The traffic is quite heavy. I parked my car bago sumakay ng elevator paakyat sa floor ng office ko.

May nakasabay pa akong empleyado ng kompanya when it reached the third floor. She was a petite girl in a bun. Wearing a white dress shirt and a black skirt. Nagulat siya bigla nang mapansin ang presensiya ko.

"G-good morning, Sir!" Ani nito sa akin na medyo nautal pa.

"A pleasant morning, Ms. Fernandez." She was the one who presented on our board meeting last time. Kaya naaalala ko pa ang pangalan niya.

Nabalot na agad kami ng katahimikan sa loob ng elevator. It already reached the tenth floor nang magsalita siya ulit.

"How are you, Sir?" Mahinahong tanong niya sa akin.

I gave her a glimpse. "I'm fine, and you are?"

"Totoo po ba ang mga paratang nila sa 'yo, Sir?" Hindi manlang niya sinagot ang tanong ko. "You have my respect, Sir, as my boss. Mataas po ang tingin ko sa inyo. At alam kong hindi mo iyon magagawa but-"

Mr. Kuruizawa, Guilty.Where stories live. Discover now