1

12 5 3
                                    

Mr. Kuruizawa, Guilty: Rosvelt Corp. Series #1(on-going)

Disclamer: This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, events or incidents are creation of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, and actual events is purely coincidental.

Contains words and scenes that are not suitable for very young audiences. Please read at your own risk.

This may contain grammatical and typographical errors ahead. Please be more considerate.

Plagiarism is punishable by law. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form without any prior permission from the author.

This is my very first work. I will accept any criticisms. Please bare with me.

Enjoy.

𖣔

"Bro, tingin mo sisiputin kaya tayo ng prof natin sa Marketing?"

Nakatambay kami ngayon dito sa mga nakahilerang bench nina Leon at Yael habang naghihintay sa susunod na subject. Alas tres na ng hapon kaya hindi na masyadong mainit. May kagat-kagat na ice pop na nabibili sa tapat ng campus sa halagang limang piso.

"Kahapon hindi naman nagpakita e, siguro hindi din ngayon," sagot ko kay Leon.

We are a Bachelor of Science in Business Administration students, kaming tatlo. Nasa second year na kami ng four year program. Malakas naman ang kapit namin sa mga instructors kaya nagagawan ng paraang pataasin ang grades pero sa totoo lang nag-aaral naman talaga kami ng maigi.

"Lapit na magfour! Tara na!" Yael was the youngest on our group kaso months lang naman ang pagitan naming tatlo. Leon was the eldest.

"Hindi na yun sisipot, uwi nalang tayo!" Pangungumbinsi ni Leon sa amin habang sinisipsip ang hawak-hawak na ice pop.

Sa aming tatlo si Leon ang pinakamatalino. Girl magnet din siya kung maituturing. Bukod sa may itsura na at magaling pumorma, malawak din ang kaniyang katalinuhan at pag-iisip.

"We should check him out. Wala pa akong absent," tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagsimula nang maglakad papasok ng building. Padabog namang sumunod sa akin si Leon na siya namang inaasar ni Yael.

Pagkarating namin sa room ay tsaka din pumasok ang prof namin sa Entrep. "Sabi ko sa 'yo papasok e," sabi ni Yael habang sinisiko si Leon.

After class ay lumabas na kami ng building at naglakad sa main hallway ng campus. Nakakasabay namin ang iba pang estudyante na kakatapos lang din ang klase. May iba namang papasok palang dahil magsisimula pa ang next subject nila.

"Kain muna tayo bago umuwi, dinner na natin." Pag-aya ni Leon sa amin.

"Hindi ba masarap ang luto ni Tita?" Tanong ni Yael bago niya inakbayan si Leon.

"Mas masarap pa nga magluto si Mama kaysa sa mama mo."

"Oh really? Why don't we settle this with a cooking competition of mothers?"

"Stop it kids," pagpigil ko sa kanila nang magsimula na naman silang magbangayan.

Nang makalabas ng campus ay napagdesisyonan naming kumain nalang muna sa labas. May malapit na Japanese restaurant sa campus kaya doon nalang namin napagpasyahang pumunta. Since malapit lang ay naglakad nalang kami papunta doon at iniwan ang mga sasakyan sa parking ng campus.

Pagkarating sa restaurant ay kakaunti lang ang tao. May group lang ng magkakaibigan sa isang table at sa kabila naman ay mag-asawa siguro. The place is good. Maganda yung interior design na parang modern Japanese style. The ambiance is good.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Kuruizawa, Guilty.Where stories live. Discover now