Prologue

7 0 0
                                    

"Oy!" Biglang tawag sakin ng isang asungot sa harap ko. "Hindi ka ba nagsasawa sa buhay, ha? Eh puro lamon at nuod lang ng T.V ginagawa mo buong maghapon!"


"Ano bang pake mo, ha, Steve?" Tanong ko sabay dampot sa chips at nachos sa bowl na yakap-yakap ko. "Eh di kumain ka rin kung naiinggit ka!"


"Bwiset. Kaya nauubos stock natin ng pagkain eh. Tsaka kung maka-Steve ka diyan, hoy! Mas matanda ako sayo ng 1 taon! Konting galang naman." Bulyaw niya.


"Marami ka namang pera eh. Wag ka ngang kuripot. By the way, hindi ka kagalang-galang. Psh." Nakatuon lang ako sa T.V ng bigla siyang tumabi sakin at kinuha ang bowl. "Hoy! Akin na nga yan!"


"Ayoko. Ako naman bumili at gumastos dito." Sabi niya sabay kuha ng nachos at kinain ito. "Antakaw mo. Kaya walang nangliligaw sayo eh- Aray! Ano ba?!" Kinurot ko siya sa braso niya sabay kuha ng bowl.


"Panget mo." Binelatan ko siya at binalik ang tuon ko sa T.V.


"Anubayan! Ang corny ng palabas. Tss." Sambit niya tsaka dumakot sa bowl.

Matagal na katahimikan ang namuo samin. Wala ni-isa ang nagsalita at parehong natuon ang pansin namin sa harap. Nasa climax na yung movie nang bigla siyang nagsalita. "Hey."


"Oh?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya. Busy akong nanunuod ng palabas sa T.V. Bigla naman akong tumawa ng malakas ng nadapa yung bida.


"Jusko naman, Jerylle! Punung-puno bibig mo tas bigla kang tatawa! Natalsikan pa ko ng laway mo. Kadiri ka!" Irita niyang sinabi habang pinupunasan ang mukha. "Kababaeng tao. Tss."


Kita niyo oh. Napaka-arte. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagtawa nang bigla siyang nagsalita. "You sure you already get over him?"

Unti-unting napawi ang ngiti ko at tumingin sa kanya. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa T.V screen.


Letse. Pina-alala pa.


Hindi ko siya sinagot at mabilis akong dumakot sa bowl at pinuno ang bibig ko.


Bwiset.


Bigla siyang lumingon sakin at nandidiring tumitig sakin. "Kung nade-depress ka, wag mo namang idaan sa pagkain! May blade naman ako diyan eh! Maglaslas ka na lang. Oh di kaya yung lubid sa storage room! Mas effective kung magbibigti ka. Mas makakatipid pa sa pagkain. Talaga naman!"


Sinamaan ko siya ng tingin. Napakabait talaga ng lalaking to. Err.

Ambang susuntukin ko siya ng hinarangan niya agad ang kamay ko ng braso niya atsaka tumawa ng malakas. "Chill." Nakangisi niyang sabi.


"Nakamove-on na ko sa kanya. Wala na kong ni-katiting na feelings para sa kanya. Kaya tigilan mo na ko." Paliwanag ko sa kanya. Umayos ako ng upo at humalukipkip sa sobrang inis. Patuloy naman siya sa pagtawa niya. Nakakairita siya!


"Hay nako." Unti-unti siyang kumalma sa higit limang minutong 'tawa session' niya. "Eh bakit puro picture niya ang nasa phone mo? Meron ka ring poster ang chuchu sa room mo. Yun ba ang nakapag-move on?"

The Two Lost HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon