KABANATA 11

32 2 0
                                    

Hawak-hawak ni Calvin ang kanang kamay ni Faionah at pinipisil-pisil iyon.Nakaramdam naman ng kilig si Faionah pero pilit niya iyong tinatago.Ayaw niyang ipahalata sa amo na may kakaiba siyang nararamdaman doon.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Calvin na nakapatong sa mini table nila na hindi kalayuan sa kinauupuan nilang dalawa..

"Sasagutin ko muna ang tawag."Paalam nito.

"Okay po."

Nakikita ni Faionah ang pagkunot ng noo ni Calvin habang may kinakausap.Hindi niya alam kung bakit.
Hindi rin naman niya rinig ang usapan ng mga ito dahil hindi naka-loud speaker iyon.

"No,mom.Please,huwag mo siyang isama ngayon papunta dito.Ayaw kong makita ang pagmumukha niya!"Nagitla si Faionah sa biglaang pagsigaw ni Calvin.
Napatingin rin sa gawi niya ang amo at nang makitang nagulat si Faionah ay agad nitong pinatay ang tawag at dali-daling lumapit sa kaniya at humingi ng
paumanhin.

"I'm sorry.Hindi ko intensyon na gulatin ka.Hindi ako
nakapagtimpi."

"Okay lang po,sir.Ah sir,uuwi na po ako."

"Faionah,I'm sorry.Hindi ko sinasadyang gawin iyon."

"Ah sir,wala po kayong dapat ipagpaumanhin.Hindi po ako galit at wala po akong dapat ikagalit.Wala po kayong ginawang mali."

"Sumigaw ako kasi hindi ko gustong pumunta 'yong taong 'yon dito.Ayaw ko siyang makita sa pamamahay na ito kahit pinipilit sa akin ni mommy na pumayag ako kahit ngayon lang."

"Anong pong isinagot mo?"

"Of course,no."

Galit na galit ito ngayon.Madilim ang mga matang nakatingin sa harap na para bang naroon ang kaaway.

"Sir,baka naman po gusto lang kayong makasama ng taong iyon.Huwag na po kayong magalit."

"Hayss.Ayoko nalang magsalita."

"Sir,pwede na po ba akong umuwi?"

"Nope.Gabi na,dito ka nalang matulog.Delikado kapag umuwi ka pa nang ganitong oras."

"Pero sir,kaya ko naman po—"

"Still no.Please,Faionah.Bukas nalang,please."

"Pero sir,may trabaho pa po ako bukas."

"Huwag ka munang magtrabaho bukas.Tutal sinamahan mo naman ako sa pag-aayos ng mga iyon."

"Pero si—"

Gusto sanang sabihin ni Faionah na baka magalit ang pamilya nito na nasa pamamahay siya nila.Baka magulat ito kapag nakita nilang may buntis na kasama ang anak nila.Ayaw niyang mangyari iyon.Baka kamuhian siya ng mga ito kapag nalamang nabuntis lang siya ng matandang lalaki.

"Huwag kang mag-alala,hindi ko kakaltasan ang sahod mo.Okay?"

"Salamat po."Sumang-ayon nalang ito.Sa tingin niya ay hindi talaga siya papayagan nitong umuwi.

Naiwang mag-isa sa sofa si Faionah dahil nagpaalam sa kaniya ang amo na lilinisin muna nito ang kwarto na pagtutulogan niya.Umalis rin siya doon dahil ihing-ihi na siya kanina pa.Hinanap niya ang kubeta at nakita naman niya agad iyon.Nasa pinakadulo iyon.

Kasabay ng pagpasok niya sa loob ng comfort room ay ang pagtunog ng doorbell mula sa labas ng bahay.Rinig na rinig kasi iyon hanggang doon.Sa tingin niya ay iyon  na ang mga magulang ni Calvin.

May mga naririnig narin siyang yabag ng mga paa papunta sa sala.Hindi muna siya lumabas ng cr kahit tapos na siyang umuhi dahil takot siyang makita ng mga ito.

Saglit pa ay naisipan na niyang lumabas mula doon.
Pagpihit niya ng doorknob sa cr ay ang paghagip naman niya sa mukha ng lalaking dumaan sa harap ng cr.Bumibilis na naman ang tibok ng kaniyang puso.

'Hindi!Hindi maaari!Bakit siya narito?Hindi pwede!Kailangan ko nang makaalis dito agad.Ayoko siyang makita,baka kung anong magawa ko sa kaniya.Oo,
tama,tama!kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis dito agad!' Sigaw iyon ng isip ni Faionah.

Hindi na siya magkaundagaga sa pag-isip ng paraan kung paano makaalis sa pwesto.Lakad pakaliwa't kanan siya,naghahanap ng madadaanan palabas.

Buti nalang may isa pang pinto bago makapasok dito paloob.Nakasara iyon pero hindi siya siguradong naka-lock iyon kaya dahan-dahan muna siyang lumapit doon at ini-lock iyon nang walang binibitawang ingay.

"Where is she?"Si Calvin.Hindi rin ito magkaundagaga sa paghahanap kay Faionah.

"Sinong hinahanap mo,son?"

"May nakita po ba kayong babae dito?"

"Nothing.Sino ba iyon?"

"My future wife,mom."

"Really?"Masayang tugon ng ina.

"Yeah.Wait mom,I will find her."

Pero kahit anong hanap ni Calvin ay wala siyang nakikitang Faionah sa loob man at labas ng bahay.
Nag-aalala na siya.

"Mom,I can't find her."

"Baka naman nag-cr lang,son.Masyado ka naman kung mag-alala."

Tumakbo agad ito paparoon."Wait.Naka-lock ang cr.
Faionah.Faionah,are you there?Faionah,please answer me!Faionah!"

Mapapaos na si Calvin sa kakatawag sa pangalan nito pero wala paring lumalabas na Faionah mula sa loob ng comfort room.





Please vote and comment po! :)

Nasa Single Mom Ang True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon