Chapter 31

3.3K 161 7
                                    

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Tinulungan ko na siya sa pagpipintura, wala kaming imikan na dalawa hanggang sa natapos namin pinturahan ang sala at kusina, pero may second floor pa.

"Tama na Seya, bukas na lang ulit. Isa pa hindi safe ang matulog kapag bagong pintura ang bahay. Kaya hayaan mo muna ang mga kwarto sa taas para makatulog ka roon."

"Okay."sagot niya. Itinabi muna namin ang mga gamit pang-pintura. Ang hirap niyang suyuin. Hindi ko akalain na magiging ganito kahirap. Dumidilim na kaya nagpunta ako sa main switch para buksan ang ilaw pero ilang beses kong ni-switch on at off pero hindi bumubukas ang ilaw.

"Pundido ba ang mga ilaw mo?"

"Hindi ko alam, pero naputulan ako ng kuryente."sagot niya saka siya kumuha ng kandila.

"Ganon ba."

Pagsindi niya sa kandila ay para akong nagbalik tanaw sa nakaraan. Kitang-kita ko kung paano ako magtirik ng kandila sa puntod ni Laura. Ang pangalan niya sa lapida ay napakalinaw. Nagkalat ang mga bulaklak sa paligid. Ang mga tao ay nakasuot ng itim na kasuotan habang isa-isa nang umaalis.

Tama na Laura!

Itigil mo na ito paki-usap. Lubayan mo na ang isip ko!

Tama na!

"Amber!------Reign!"

Naghabol ako ng hininga, hinihingal ako.

"Anong nangyari sayo?"

Napakurap-kurap ako.

"Ha?" Napatingin ako sa paligid ko. Saglit pala akong dinala ng isip ko sa nakaraan. Napakahirap ng may photographic memory, hanggang ngayon malinaw pa rin ang mga eksenang iyon kahit ilang taon na ang lumipas.

"Bigla kang natulala at hindi kumilos sa kinatatayuan mo."

Hinawakan ko ang sintido ko.

"Pasensya na, minsan nangyayari sa akin 'to. Bigla akong dinadala ng isip ko sa nakaraan at paulit-ulit kong nakikita ang mga masasamang eksena na nangyari noon. Para akong binabangungot habang gising."

"Magpahinga ka muna."

Tumango ako. Nakakamiss rin pala ang maalalahaning Seya, at yong makulit na pagkatao niya.

"Pwede ba akong makiligo?"

"Sige lang."

"Salamat. Kukuha lang ako ng damit sa sasakyan."

Lumabas ako ng bahay at nagpunta rito sa sasakyan. Tumigil ako at nanatiling nakatayo rito sa tabi ng pintuan ng sasakyan ko. Napasandal ako, parang pagod na pagod ang isip ko. Hindi ko pa rin maiwaglit sa isip ko ang mga eksena na iyon. Pero pilit ko itong binalewala saka kinuha ang bag ko.

Nakiligo ako saglit dito sa bahay niya at nagbihis ng damit. Pati siya ay naligo na rin.

Madalas siyang tahimik. Ang tibay niya, ah.

Bumalik ako rito sa sasakyan at nilagay ang mga marumi kong damit at ibinalik ko ang bag na kinuha ko kanina. Siya naman ay lumabas, nagpunta ng veranda at umupo. May dala siyang kandila at beer. Umiinom siyang mag isa. Ni hindi siya nagyaya. Pinapanood ko siya mula rito. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Kung may kasalanan ako, bakit hindi niya ako komprontahin, bakit nananahimik lang siya?

Naglakad ako palapit sa kanya.

"Seya..." Tumingala siya, at sinalubong ang mga tingin ko. "...kung ano man ang kasalanan ko I'm sorry. Humihingi ako ng tawad."

Tumango siya saka itinuloy ang paginom ng beer.

Napabuntong hininga ako. Mas okay pa pala ang madaldal na Seya kesa ganito, hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isip niya. Umupo muna ako dito sa gilid ng veranda at nag-iisip nang gagawin. Ayoko namang iwanan siya ng ganito.

AGENT REIGN - She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon