1

63 1 0
                                    

Opposite Of Happy Valentines Day

This is it. Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Excited kasi ako sa tingin kong mangyayari ang mga plano ko nitong nakakaraan ay alam kong mangyayari na.

"Oh," sagot ng kaibigan ko sa tawag. She's sad kasi may klase siya ngayon. Honestly ako rin naman late na nga ako. "May quiz mamaya nakapag review ka ba?"

"Ang bitter talaga nung professor na yon." Malungkot na sambit ko. Pero anong magagawa ko fourth year na ako at marami na akong responsibilities.

Running for Magna Cumlaude pa naman ako sayang.

"Do you have plans today?" Tanong ko sa bestfriend ko. Huminga siya ng malalim. "Bakit? Wala kang plano?"

"Yeah, sana meron?" Pabalik niyang sagot sa akin. "Ikaw malamang meron."

"Malamang may boyfriend ako eh."

Inasar ako nito na para akong tanga pero hindi ko siya pinansin. Basta excited akong makita boyfriend ko mamaya lalo na noong nakita ko yung singsing sa bag niya noong nakaraan.

I don't know if ano, promise ring lang yon or he's planning to propose to me?

Alam kong ngayon niya iyon ibibigay kung sakaling promise ring lang iyon. But still kahit naman ano yon ay tatanggapin ko. That's how I love him.

"Hello," sagot ko ng boyfriend ko sa tawag. "Papunta na ako. I bought your favorite coffee from Starbucks."

"Yay! Thank you so much, love chat me kapag nandito ka na." Narinig ko ang ngisi niya at pinatay ang tawag.

Nakarating siya rito. He's holding a sunflower, chocolate and coffee. Hindi ko maintindihan na parang nawala ako sa mood dahil sa bulaklak na nakita ko.

I know it's so mababa pero he knows that my favorite is red roses.

Nakita ko sa kotse niya sa likod ang cake na binigay niya lang din sa akin. Sa pagpasok ko sa bahay at inaayos ang mga binigay niya sa akin ay niyakap niya ako sa likod.

"Love," tawag ko sa kaniya at hinarap siya. "May pasok ako."

"You're 1 hour early..." he whispered to my ear. "Just a quick, I promise."

Napahinga ako ng malalim at tumango nalang sa kaniya. I know what he meant, it's Valentine's day at wala namang mawawala kung gagawin namin ang matagal na naming ginagawa.

-

"Ang aga mo nagising at tumawag sa akin." My friend said, "pero late ka parin."

Tiningnan ko lang siya at tumawa. Her jaw dropped and unti-unting napailing sa reaksyon ko. What? We've been dating for almost 3 years hindi na nakakagulat kung gagawin namin iyon.

Tsaka, we're not teenagers anymore.

"You know what?" Tanong sa akin ni Penny. "Kapag talaga niloko ka niyan."

Dalawa lang silang kaibigan ko na totoo ngayong college. Marami pa akong kaibigan pero hindi ko masiyado nakakausap at hindi matawag na totoo.

"Hay, naku! Ang bitter talaga buti pa tong si Thalia kaninang umaga lang bitter." Tahimik lang si Thalia at napailing sa akin.

Thalia is kind a girl na mas gusto niyang mag aral kaysa sa lalaki. Si Penny naman ay iyong babae na iniwan ng boyfriend for I don't know reason.

"Hi, Shakira." Sabi nung isang lalaki na nahihiya pa. "Alam kong may boyfriend ka na pero sana tanggapin mo parin ito."

Nagulat ako ng abutan niya ako ng red roses. Mabuti pa siya alam niya ang favorite ko samantalang yung boyfriend ko hindi alam na favorite ko ang red Roses.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Tale Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon