The Encounter

10 1 0
                                    


Kayo may naisip na ba kayong kulay ng damit na susuotin para sa araw ng mga puso? Ano ba yung mga kulay na alam mo na nagre-represent ng status mo at ng puso mo?

...

Ito na araw na ng mga puso lahat makikita mo na nakapula. May dalang mga panregalo mapa-teddy bear man yan, heart na balloon, cake, at kung anu-ano pa. Malamang excited ang lahat sa araw na ito lalong-lalo na ang mga may ka-date. Eh ako... ako... syempre excited akong pumasok sa school! Wala naman akong ka-date eh. Nasa byahe na ako at hinihintay na makarating sa school na pinapasukan ko, isa akong college student na walang ka-valentine's date sa araw na ito. Oo alam ko makaka-relate ang iba sa akin pero yung iba alam ko happy hearts sila. 'Ayieee.' Pero alam nyo ba na merong isang partikular na tao na nagpapasaya at nagpapa-excite sa akin upang pumasok ngayong araw at iyon ay si Carl Sebastian, miyembro ng banda sa school namin na Kumpas. Siya ay vocalist ng banda at kung minsan ay naggigitara rin. Naalala ko pa nga noon na kapag may event sa school at alam ko na tutugtog ang banda nila ay lagi akong present at nasa unahan pa. Doon nasisilayan ko ang mukha nya. Curious ba kayo malaman kung ano itsura nya? Well, he really got the looks, cute pag naka-harap at manly naman ang mukha nya kapag naka-sideview, medyo matangos ang ilong at manipis ang mga labi at ang isa pa pang Leonardo DiCaprio ang hawi lagi ng kanyang buhok. Pag kumanta na sya palaging nakakamangha ang galing ng boses nya at ang tindigan nya, ang karisma nya at ang way kung paano sya makipag-interact sa audience nya napakagaling kaya naman lalo akong napo-fall sa kanya.
Ngayon ay naglalakad na ako papunta sa gate ng school namin at di ko inaakala na makikita ko sya pagpasok pa lang ng gate. "Ala, si Carl maayos lang kaya ang itsura ko ang buhok ko wala kayang naka-tirik, naku bakit naman ang aga nating nagkita Carl kung kaylan di pa ready ang sarili ko mukha pa akong galing sa gira," sambit ko sa sarili ko pagkalampas ko sa kanya. In fairness, stunning pa rin looks nya. Habang naglalakad na ako sa field papunta sa classroom ay bumungad sa akin ang iba't-ibang booth para sa Valentine's Day program. Merong wedding booth, jail booth, photo booth, face paint booth at marami pang iba.

Habang naglalakad ako ay humampas sa akin ang malakas at malamig na hangin. "Ano ba yan Oo tanggap ko naman na wala akong ka-valentine's date pero wag naman sana sa akin pang muli humampas ang malakas at malamig na hangin na iyun para namang lalo nitong pinaparamdam sa akin na single pa rin ako." Nang makarating na ako sa classroom namin ay nakita ko dun mga kaibigan ko na naghihintay sa akin at niyakag nila ako sa labas para manood ng magsisimulang performance ng bandang Kumpas. Pumayag naman ako at excited pa akong lumabas ng classroom. Tinugtog ng banda ang kantang Pasilyo by SunKissed Lola, Ikaw Pa rin ni Mrld at Jopay ng Mayonnaise.
Oo, totoo nakaka-inlove ang moments na yun lalo pa't si Carl ang kumakanta para ba akong hinaharana. Lahat nakiki-jamming nakikikanta at may nagchi-cheer din. Basta masaya sobra. Mabilis lang na lumipas ang mga oras at dumating na ang hapon. Oo maraming booth pero di ko masyadong pinuntahan kasi baka mamaya maipit pa ako sa dami ng tao lalong-lalo na baka matulak pa ako ng hindi sinasadya ng mga taong naghihilahan para sa jail booth at wedding booth. Nung hapon na may pa performance ulit sila. Actually kahit nung tanghali ay kumakanta pa rin ang banda nila kaya nga nakapikit lang ako nasa baba ko ang palad ko at nakikinig lang sa boses ni Carl. Sobrang soft ng boses nya. Nung hapon na bumaba ulit kami para manood sa Kumpas. Pumwesto kami sa gilid para mapanood sila. Nang mag drop na ng beat ang guitarist at drummer ng banda ay nagwild ang mga estudyante sa field kasi kanta ito na Babalik Sa'yo ni Moira Dela Torre. Lahat nakiki-sing along at nagulat ako sa sunod na ginawa ni Carl. Bumaba sya sa hagdanan kung saan sila nagpe-perform at unti-unting lumapit sa grupo ng mga babaeng estudyante na naka-upo. Naghiyawan lahat sila at kinikilig. Napalaki na lamang ako ng mata ng hawakan ni Carl yung kamay ng isang babae. "Ahhhhhh, bakit!" sabi ko sa aking sarili. Alam mo yung feeling na nandun kana sa right moment kung saan nakakakilig na dahil ng kanta, ng boses nya at ng apperance nya pero masisira lang lahat yun dahil sa gesture nilang yun. "Ano ba yan Ate pwede po ba lumipad na lang ako sa tayo mo, tabi na lang po tayo," sambit ko sa sarili ko. Para tuloy akong na-heart broken nun. Sabi nga dun sa kanta 'Handa kong gawin ang lahat makapiling ka lang' probably 'YES' pero siguro hindi lahat-lahat lalo na kung alam ko naman na di nya ako gusto baka pag nagpapansin ako lalo nya akong iwasan kuntito na lang ako sa pagtitig sa kanya dahil alam ko na hanggang dun lang kaya ko. After nun masaya pa rin naman ako kasi puro happy songs and love songs kinanta nila pero di talaga ako maka-get over sa ganap na hawakan nila ng kamay, "Ate how to be you po?" sambit ko ulit sa sarili ko. Huling song na ang tutugtugin nila at yun ay When I Met You by APO Hiking Society. Pumunta muna akong comfort room nung time na yun kasi di ko na talaga kaya. Nung natapos na ako ay pumunta muna ako sa old building ng campus namin since nandun classroom ko at babalik na lang ako mamaya sa field since nandun pa mga kaibigan ko at may performance pa din naman. Habang nahakbang ako sa hagdanan ay may nakita akong pusa medyo malaki na sya kulay orange na may puti ang cute ng kulay nya lalo na ang mukha nya kaya nilapitan ko sya. Sya nga pala mahilig din ako sa pusa sobra, hehe. Hinawakan ko sya sa ulo. "Hello miming naliligaw kaba? Nasaan amo mo uhmm?" Gusto mo ba sumama ka muna sa akin?"

"Kimmy." Narinig ko na lang sa likod ko kaya napalingon ako sa likod ko. Napalaki ang mata ko dahil ito ay si Carl. Napa tingin ako sa field at tumingin muli sa kanya. Akala ko nagpe-perform pa sila eh bakit nandito sya. 'Kimmy, pusa mo sya?' tanong ko. "Oo at bakit mo si Kimmy isasama sayo?" 'Sh* lagot ako, sya may pusa paano?' Magkaharap kami ng matagal dahil sobrang nagulat ako ng sakto naman ng patugtugin sa isang classroom ang kantang Ikaw Pa rin by Mrld.

Ano itong feelings na ito...? Im slowly falling into his eyes and I feel like I want to touch his hands which I always dreamed of.

(Naku keri pa humabol para sa Valentine's Day- Author)*

....

2023 - ongoing

Valentine's SpecialWhere stories live. Discover now