Cupida Yllara Abad
Shit, very nervous talaga ako.
Hinanap ko talaga ang pinaka magandang damit sa wardrobe ko. Hindi naman ako talaga natatagalan pumili ng damit, pero dahil si Leo ang kikitain ko, kanina pa ako rito namimili. Gusto ko nang magwala.
"Okay, ito na lang. Simple but... cute," I said and took the pink off-shoulder dress.
Nagbihis agad ako at nag-ayos. I tied my hair into a ponytail and let my side bangs down. I looked at the mirror for the nth time. Huminga muna ako nang malalim bago ako lumabas ng kwarto.
Yllara, it was just a business meet up, okay? Hindi 'yon date, okay?
"Mama, may pupuntahan lang po ako. Business matters," sabi ko na lang saka sinukbit ang sling bag ko.
"Okay. Mag-text ka kung gagabihin ka," sabi na lang niya habang nagbabasa ng book.
Ang lakas ng kabog ng dibidb ko habang papunta sa campus. Dito namin napagdesisyunan magkita ni Leo. Nanlalamig pa ang kamay ko habang papunta, kahit alam kong hindi naman date 'yon.
I love you, Palmer Leovanni... pero sana bastedin ka talaga ni Eve.
Natigilan ako pagbaba ko ng tricycle. Natanaw ko kaagad si Leo mula sa di kalayuan. Nakatayo siya at nakasandal ang likod sa kotse niya. Parang sinampal na naman ako ng katotohanan na rich kid itong crush ko... pero hindi naman siya mayabang gaya ng ibang mayayamang estudyante ng UDM.
Nasa tamang crush talaga ako, kaso hindi niya 'ko crush.
Napatingin si Leo sa direksyon ko nang lumapit ako sa kaniya. Agad siyang napatayo nang tuwid at inayos ang damit niya. Inipit ko na lang ang side bangs ko sa ilalim ng tainga ko saka ngumiti sa kaniya. Napangiti naman siya saka tumitig sa'kin.
"Yllara, sobrang ganda mo," agad na bungad niya sa'kin.
Napakurap ako, nag-init pa ang buong mukha ko. "H-huh?"
"I-I mean... sobrang ganda mo, at ng suot mo," bulong niya saka napaiwas ng tingin sa'kin. Bahagya pang namula ang tainga niya.
Napakurap ako... Ganito ba talaga siya sa girls? Pero wala naman akong nababalitaan na naging girlfriend niya. Baka gentleman lang talaga siya at considerate.
Grabe, sakin ka na lang kasi, Leo.
"Uhm.... thank you po, Leo. I-ikaw po, sobrang gwapo mo..." nahihiya pang sabi ko.
Ang gwapo niya sa suot niyang black button up shirt na nakatupi hanggang siko. Ang ayos ng buhok niya at ang linis tingnan. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya at halatang bagong ligo siya.
Ngumiti si Leo saka humawak sa batok niya. "Uhm, t-thank you, Yllara."
Hinawakan ko nang mahigpit ang isang kamay ko. Pilit kong pinipigilan na lundagin siya ngayon at yakapin.
"So, uhm..." Napahawak ako sa braso ko.
Shit na malagkit. Kering keri ko naman ang ganito palagi, pero ngayong si Leo ang kliyente ko, para na 'kong dalagang Pilipina sa hiya. Kung nakikita lang ako ng mga kaibigan ko, baka pinagtatawanan na 'ko.
"Kain muna tayo ng lunch?" tanong niya.
Kumain na talaga ako, pero tumango ako sa kaniya at ngumiti... Sino ba naman ako para tumanggi roon?
Dumiretso kami sa restau na malapit lapit din sa campus. Nahiya pa 'ko dahil mukhang mamahalin 'yung restau na pinuntahan namin.
Lumapit sa amin ang waiter pagdating namin sa table namin. Italian spaghetti na lang ang in-order ko at tubig. Gumaya naman sa'kin si Leo ng order.
"And two orders of tiramisu, please," sabi ni Leo sa waiter.
Natigilan ako sa sinabi niya. "Gusto mo rin po ng tiramisu?"
"It's for you," sabi naman niya saka tipid na ngumiti sa'kin.
Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko. "Uhm, mahal po 'yung tiramisu rito, e," bulong ko sa kaniya.
"What do you mean? I don't mind... I can buy tiramisu for you everyday," sabi niya pa habang nakatitig sa akin.
Napakurap ako sa sinabi niya. Halatang natigilan din siya nang mapagtanto ang sinabi niya. Tumikhim siya saka napahawak sa batok.
"I mean... if we will be friends... I-I will," bulong niya saka napaiwas ng tingin sa akin.
"Sana girlfriend na lang," bulong ko.
Napatingin sa'kin si Leo. "Huh? Girlfriend?"
"Ah, I mean... sa girlfriend mo na lang po ikaw manlibre," sabi ko saka awkward na tumawa. "Si Eve, kapag naging girlfriend mo po siya."
Hindi ko alam kung imagination ko lang ba 'yon, pero napansin ko na parang napangiwi siya sa sinabi ko... Hindi na ba siya makapaghintay na maging girlfriend si Eve?
Nang dumating ang order namin, nagsimula na rin kaming kumain. Pasimple akong napapatingin sa kaniya dahil gusto ko siyang panoorin. Pangarap ko lang ang makasabay siya kumain ng ganito. Dream come true talaga. Sana hindi panaginip.
Napatingin din sa'kin si Leo. Napansin kong napatingin siya sa labi ko. Napalunok pa siya bago kinuha ang panyo niya saka marahang pinahid ang gilid ng labi ko. Agad na nag-init ang mukha ko sa ginawa niya... May kalat ba sa labi ko? Nakakahiya, huhu. Baka ma-turn off na siya sa akin.
"Uhm, t-tama po 'yan. Ganiyan po dapat ang moves mo para kiligin po sa'yo si Eve," sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko. "Uhm... A-ano po palang gusto mong mangyari about kay Eve? Malapit na po ang Valentine's Day, wala pa rin po tayong nasisimulan," sabi ko na lang. "Sorry po, medyo wala akong idea about kay Eve kaya po wala ako masyadong maisip."
Ang totoo niyan, marami talaga akong ideas... pero ewan ko ba. I want to be professional, pero nagseselos talaga ako. Mag-back out na lang kaya ako rito? Ayoko rin naman magkaroon ng bad record sa ginagawa kong 'to.
"Uhm, how about this..."
Napatingin ako kay Leo. Seryoso siyang nakatingin sa'kin... gwapo niya talaga.
"Uhm, let's... act like uhm, you know..." tila hindi niya matuloy ang sasabihin. "Let's try to act like a couple. B-baka lang makatulong. My classmate told me that you're also doing that with some of your past clients," sabi niya. Napakunot pa ang noo niya sa huling sinabi.
Napasinghap ako sa sinabi niya... Sa totoo lang ginagawa ko ang method na 'yon sa ibang naging kliyente ko... Pero wala namang effect sa'kin 'yon. Si Palmer Leovanni ang kliyente ko ngayon. Baka lalo lang ako ma-fall sa kaniya.
"Uhm... K-kung makakatulong para sa task... O-okay lang naman sa'kin," sabi ko na lang... dahil marupok ako.
BINABASA MO ANG
Call Me Cupid
Romance(COMPLETED) Cupida Yllara Abad was named after Cupid by her parents just because she was born on Valentines day. She was called Cupid by everyone around her as she can easily pair people up with their crushes. She never failed in pairing up people i...