"Yapak"

105 0 0
                                    


Napahikab ako dahil sa naramdaman kong antok at pagod dahil sa paghahanda sa nalalapit naming pagsusulit. Habang nililigpit ko ang aking mga gamit napatingin ako sa paligid at napansing ako na lang pala ang nag iisang estudyante na natira sa aming silid-aklatan. Napatingin ako sa may bintana at napansin kong madilim na ang paligid. Naabutan na pala ako ng gabi. Nang natapos kong ayusin ang mga gamit ko'y agad-agad naman akong tumayo at lumabas sa silid aklatan.
 
Habang ako'y naglalakad, naalala ko na may usap-usapan na kapag alas siete na ng gabi'y may nagpaparamdam na multo rito sa aming paaralan. Agad naman akong napatingin sa aking orasan at napasinghap na lamang ako ng makitang alas siete na ng gabi. Binilisan ko naman ang aking paghakbang sapagkat ako'y nakakaramdam na ng takot. Nang makababa na ako't nakarating sa may koridor mas nakaramdam ako ng takot dahil nakita ko na patay sindi ang ilaw. Kaya mas binilisan ko naman ang aking paghakbang, muntik pa nga akong madulas dahil basa ang daanan. Agad naman akong napatigil sa paglalakad nang mahulog ang aking isang kwaderno. Halos di na ako huminga at dahan-dahan kong pinulot ito, Pero halos di na ako makahinga dahil sa takot nang mapansin ko na tuyo na ang dinaanan ko at di na makita ang aking mga yapak. Nanginig ako sa takot ngunit mas nagulat ako na may nagsalita sa aking likuran at dahan dahan ko naman itong nilingon.
"Ineng ginabi ka yata ngayon" sambit nang dyanitor nang aming paaralan.

"Yapak"Where stories live. Discover now