ASHLEY'S POV
"Michael, kelan mo ba balak sabihin sa kanila?" tanong ko kay Michael. Pero sana hindi ko nalang tinanong. Mukhang nabadtrip nanaman sya.
"Ano ba Ash? Sasabihin ko naman sa kanila diba? Maghintay ka lang."
Maghintay?
Hanggang kelan pa?
Pero, Sige. Maghihintay nalang ako. Sanay na naman akong maghintay eh.
Ang hirap pala ng ganitong set up. Yung tipong, kelangan mong magtago sa backstage tuwing may concert sila, yung palagi kang dinedeny ng mahal mo tuwing may interview sila, yung hindi ka pwedeng magpakita sa iba pwera nalang sa kanya at sa bandmates nya kasi baka may makaalam ng sikreto nyo..
Pero kahit ganyan ang sitwasyon ko...
Hindi ko yan isinumbat kay Michael...
Kasi... Mahal ko sya. Mahal na mahal..
Sabi nga nila, 'love is all about taking risk'.
Ay basta! Maghihintay nalang ako. Dami ko pang drama eh!
"Dude, we need to go. The show will start in 5 minutes." -Calum
"Sige. Sunod nalang ako." Sagot ni Michael sa kanya. Agad namang tumayo si Michael sa kinauupuan naming sofa para ayusin yung sarili nya.
"Dito ka lang ha? I'll be back. Take care of yourself." kiniss nya ako sa noo at pati narin ang ngayong lumolobo ko nang tiyan bago sya lumabas ng dressing room.
"Maghintay lang tayo baby, Promise ko sayo na bago ka lumabas dyan ay magiging maayos ang lahat, maipakikilala din tayo ng daddy mo sa lahat. Hindi na tayo magtatago."
-
"Ashton! Nasaan si Michael? Bakit di nyo kasamang umuwi?" Asan nanaman kaya yung lalaking yun? Nako! Kung di lang talaga mabait yung driver ng tourbus nila baka matagal na syang naiwan eh.
"May binili lang yun Ashley.. Pero matatagalan din siguro yon."
"Ikaw ba kausap ko Calum? Hah?! Ikaw ba?! Diba si Ashton?!" wala talagang manners tong Calum na to! Bwisit.
"Woah. Chill lang Ley, hahaha. Baka mapaanak ka ng maaga eh. M-may bi-binili lang si M-michael. Bumili ata n-ng d-diaper." Tsk.
"Ano?! Diaper? Sino namang magdadiaper? Ha? Di pa naman ako nanganganak ah!"
"S-si... Uhhh.. Si LUKE! Oo. Sya yung magdadiaper... May LBM kasi sya. Barado pa naman yung CR sa tourbus ngayon."
"What the hell Ashton?!" nakita kong pinandilatan ng mata ni Ashton si Luke. At halata din kay Luke na gusto nya ng patayin ngayon si Ashton.
Tss. Obvious naman na pinagtatakpan nanaman nila ang magaling kong boyfriend.
"Fine! Di nyo naman kelangang magsinungaling eh! Sanay na naman ako.." paiyak na talaga ako.. Nagiging emosyonal talaga ako pag ganito yung topic eh. "Sanay na ako guys, sige.. Matutulog na ako. Paki sabi kay Michael may check up ako bukas."
Mukhang naguilty sila kaya niyakap nila ako. At sino ang pasimuno? Edi si Ashton! Tsk. Napaka ewan talaga nya.
"Okay lang ako guys.. Matutulog nalang ako." agad akong humiwalay sa pagkakayakap nila para makapunta na ako sa bunk ko.
"You sure Ashley? Kumain ka kaya muna. Baka gutom na yung baby mo hehe."
"Hindi na. Busog pa ako. Thank you nalang Luke."
Hindi ko na hinintay na makasagot sila at nagdirediretso nalang ako sa bunk ko.
2 A.M
Ugh! Eto talaga yung pinaka ayaw kong feeling eh! Tuwing madaling araw nagigising ako para lang kumain. Masyadong patay gutom tong baby ko. Manang mana sa ama. Tsk.