Kabanata 15

69 5 0
                                    

Elmento Academy: School of Magic

Kabanata 15 - Plaza de Elmentians

"Maraming salamat sainyo at nakumpleto na ang stone of deris," sabi ni HM sa aming lahat.

"Wala yun HM madali lang makuha ang air, fire at earth stone, diba?" sabi ko sa kanila.

Parang kinilabutan sila nang sabihin ko iyon, tinignan ako ni Solene, Zaira, Sophia, at Jasmine na sinasabing muntik na kaming mamatay.

"Oo nga, Ang dali lang namin nakuha HM," madiing sabi ni Lawrence habang nakatingin sa akin.

"Sa ngayon, magpahinga muna kayo dahil alam kong pagod kayo sa inyong paglalakbay," sabi ni HM sa amin.

Lumabas na kami ng HM office, pumunta kami sa Plaza de Elmentians dahil dito kami kakain ng hapunan at para mamasyal narin.

Pagdating namin sa Plaza de Elmentians sobrang daming tao, maganda dito dahil buhay na buhay ang lugar na ito. Bawat tindahan meron silang magagarbong mga disenyo upang mahikayat ang mga tao na bumili dito.

"Wow ang ganda naman dito, Zandreya punta tayo dun!" sabi ni Solene sa akin.

"K"

Sinabihan ko silang pumunta sila sa kanilang gustong puntahan. Pero sinabihan ko din sila na magkita-kita nalang kami sa Elments Restaurant para dito kami kakain.

Kasama ko si Solene na naglilibot dito sa plaza, bawat madaan naming mga tindahan ay pinapasok namin dahil iyon ang gusto ng kasama ko.

Pumasok kami sa isang magic shop dahil bibili daw si Solene ng Wand para mapadali ang paggamit niya ng kanyang kapangyarihan. Narito na kami sa tindahan at nag tanong-tanong si Solene kung ano ang nababagay sakanyang wand.

"Iha, itong wand nato ang bagay sayo dahil kasing ganda nito ng iyong matang kulay asul," sabi ng nagtitinda kay Solene at ipinakita ang isang kulay asul na wand kay Solene.

"Iha, itong wand nato ang bagay sayo dahil kasing ganda nito ng iyong matang kulay asul," sabi ng nagtitinda kay Solene at ipinakita ang isang kulay asul na wand kay Solene

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ang ganda po, bibilhin ko po ito," sabi ni Solene sa nagtitinda.

"Magkano po ba?" tanong ulit ni Solene.

Habang pinagmamasdan ko ang nagtitinda parang familliar sa akin ang mukha nito, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.

"Iha, Huwag mo nang bayaran para saiyo talaga iyan matagal na ito dito at hinihintay talaga nito ang bagong pagsisilbihan niya," sabi ng nagtitinda.

Ah! natatandaan ko na siya iyong matanda sa mundo ng mga tao iyong nagbigay sa akin ng whip.

"Maraming salama-" hindi na natuloy ni Solene ang sasabihin nito dahil bigla nalang itong naglaho kagaya nung ibigay niya sa akin ang whip.

"Ang weir naman nun, pero ang ganda ng wand nato Zandreya," sabi ni Solene sa akin.

"Siya din ang nagbigay ng sandatang ginagamit ko ngayon iyong purple whip ko," sabi ko naman kay Solene.

"Sino ba siya Zandreya bakit niya tayo binigyan ng mga sandata?" tanong nito sa akin.

"Hindi ko alam pero balang araw malalaman ko rin kung sino siya," sabi ko kay solene.

Matapos naming maglibot-libot ni Solene ay napagpasiyahan na naming pumunta sa Elments Restaurant para kumain.

Nang makarating kami sa restaurant ay siya din ang pagdating mga kasama ko. Kaya pumasok na kami dahil gutom na gutom na ako.

Nag order lang ako ng isang rice and porkchop dahil iyon lang ang pamilyar na pagkain dito sa menu nila.
Pagkatapos namin magorder nagkwentuhan sila tungkol sa mga nabili nila.

"Alam niyo ba meron akong bagong sanda--" hindi na natapos ni Solene ang sasabihin niya dahil bigla ko itong kinausap gamit ang isip sinabi ko kase sakanya na huwag munang sabihin sa mga kasama namin ang mga natanggap naming mga sandata.

"Ah! Wala na pala" sabi ni Solene

Hindi na nagtanong ang mga kasama ko dahil dumating narin ang mga pagkain namin. Habang kumakain kami bigla nalang kaming nakarinig ng isang ingay malapit sa restaurant na pinagkakainan namin. Dali-dali kaming lumabas ng restaurant para tignan kung ano ang nangyayari.

Paglabas namin merong isang higanteng Agila na nanggugulo sa mga tindahan.

"Zandreya kami na ang bahala dito," sabi ng grupo nila Lawrence.

"Sige, pero isasama ko sainyo si Zyrus dahil magagamit niyo ang kapangyarihan niya para mapahina ang agila," sabi ko sakanya.

Tumanga naman si Lawrence kaya sinabi ko kay Zyrus na sumama siya sa kanila at gamitin niya ang Snow para mahirapan ang agila na makaplipad.

Gumawa ng air tornado si Devin, pagkatapos gumawa naman si David ng isang magic circle at nagpalabas ito ng madaming fire arrow. Habang si Vince ay gumawa ng malaking bato para pataman ang agila. Si Zyrus ay nagpapaulan nang madaming snow para mahirapan ang agila na makalipad habang si Sophia ay gumawa ng water shuriken para ipatama sa agila.

Sabay-sabay na pinatama ang ginawang mga kapangyarihan ng golden cloak kaya gumawa ito ng napakalas na pagsabog. Gumawa ng napalaking shield si Lawrence para walang madamay sa pagsabog.

Nawala na parang bula ang agila kaya bumalik narin kami sa restaurant para kumain.

"Ang gagaling niyo!" puri nina Solene, Jasmine at Zaira sa mga golden cloak.

"Basic!" sabay nilang sabe maliban kay Zyrus.

Matapos naming kumain naglibot-libot pa kami ng kunti dito sa Plaza de Elmentians dahil ngayon lang kami nakapunta dito.

Pagkauwi namin sa aming dorm ay pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig bago umakyat sa taas.

"Goodnight Solene, Goodnight Jasmine," sabi ko bago ako umakyat.

Pagdating ko sa kwarto ginawa ko na ang night routine ko bago ako natulog. Pagtulog ko nagising ako sa Treonardo Garden.

"Bakit ako naparito?" tanong sa mga gods and goddess.

"Zandreya malapit na, malapit na ang panganib," sabi ng mga gods and goddess sa akin.

"Kinakailangan niyo nang magsanay dahil parami sila ng parami," tuloy ng mga gods and goddess.

"Paano?"

"Pumunta kayo sa bundok ng Cresta, Sa tulong ni Celestia alam kung magiging malakas pa kayo,"

"Kaming lahat kasama ang golden cloak?" tanong ko.

"Oo, dahil sa maikling oras na pagsasanay niyo magiging malakas kayo," sabi ng gods and goddess sa akin.

"Kung ganon bukas na bukas maglalakbay kami patungo sa bundok ng Cresta at magsasanay para maging malakas upang matalo ang hari ng kasamaam." sabi ko.

Matapos ang pag-uusap namin ng mga gods and goddess ay nagising na ako dahil umaga na pala.

Tinawag ko silang lahat dito sa aming dorm dahil ngayong araw maglalakbay kami patungo sa bundol ng Cresta.

"Masusunod Zamdreya," sabi nilang lahat at sinimula na nilang magimpake.

Maghanda kayo dahil sa pagbabalik namin ibang Zandreya at Solene na ang makikita ninyo.

To be continued...

Elmento Academy: School of Magic [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon