"Jopay, 'di ka ba sasama sa amin?" Tanong ng isang kaibigan kong si Heidi.
Umiling ako. "Hindi muna, may dadaanan pa ako eh,"
"Ah, sige. Kita na lang tayo sa next subject." Tinanguan ko na lang sila bago ako humiwalay.
Sa library ang punta ko ngayon dahil kailangan kong mag-advance reading para naman madali na lang akong makasunod sa discussions.
Pagkarating ko sa library ay nag-log in muna ako bago tuluyang makapasok. At pagkatapos ay dumiretso na ako sa favorite spot ko. Sa tapat ng aircon.
Ibaba ko na ang gamit ko nang may makita akong libro sa ibabaw ng table.
"Sean Tristan Mejia." Mahinang basa ko sa pangalan nito. Wow, he's from Engineering.
Ibabalik ko ba or siya na bahala ang kumuha rito?
"Hays, bahala na nga." Kinuha ko 'yong libro at saka tinago na sa bag ko. Mamayang lunch ko na lang siguro ibibigay.
Nang makuha ko na 'yong librong kailangan ko ay bumalik na ako sa upuan ko at nag-alarm para hindi ko malimutan ang oras. Baka kasi ma-late na naman ako katulad dati. Terror pa naman 'yong professor namin mamaya.
At nang tumunog ang alarm ko, inayos ko muna 'yong gamit ko bago ibalik 'yong librong hiniram ko.
Paglabas ko ay saktong nasalubong ko si Amaris.
"Aris!" Tawag ko rito. "Wait mo 'ko, sabay na tayo." Sabi ko nang lumingon siya sa gawi ko.
"Galing ka na naman ng library, 'no?" Nginitian ko naman siya saka tumango. "Ga-graduate na tayo puro aral pa rin ang inaatupag mo, lumandi ka nga rin paminsan-minsan. Magba-valentine's na oh,"
"Hay naku, saka na iyang landi na 'yan. By the way, samahan niyo ako mamaya sa building ng Engineering ah?" Nagtataka siyang tumingin sa akin at ilang saglit pa ay napalitan ng nang-aasar na tingin.
"Sinong pupuntahan mo doon? Ikaw ha, may pasabi-sabi ka pang saka na 'yang landi." Pang-aasar niya sa akin.
Pinalo ko naman ang braso niya. "May ibabalik lang akong libro!"
"Kanino?"
"Sean Tristan ang pangalan noong may-ari ng libro," tumili naman siya sa sinagot ko. Inasar pa niya ako ngunit hindi ko na lang pinansin.
Fifteen minutes na lang mag-uumpisa na ang klase kaya naman hinila ko na patakbo si Amaris. Kaya hingal na hingal kami nang makarating kami sa room.
"Loka loka ka talaga! Kapag ako hinika ah," reklamo niya. Tinawanan ko siya.
~~~
Matapos ang dalawang subject namin ay hinila ko na sila Heidi at Amaris papuntang Engineering building.
Inulan naman ako ng tanong ni Heidi pero ni isa roon ay wala akong sinagot. Hinayaan ko na lang na si Aris ang magsabi.
Inasar din ako ni Heidi matapos niyang malaman ang dahilan ng pagpunta namin sa building ng iyon. Pero dinedma ko lang.
Nasa tapat na kami ng room L204 kaya naman wala na akong sinayang na oras. Kumatok ako sa pintuan at bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki.
"Yes, Miss? Anong kailangan nila?" Tanong nito habang isa-isa kaming tinignan.
"Nandito ba si Sean Tristan?" Nagulat siya sa tanong ko. Anong nakakagulat doon?
"Bakit mo hinahanap tropa ko? Girlfriend ka niya 'no?" Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling.
"Hindi po. Isasauli ko lang 'yong book niya... naiwan niya kasi sa library."
"Ahh... akala ko Girlfriend ka niya eh. Wala siya rito eh, nasa canteen."
"Paki-bigay na lang po sa kaniya," inabot sa kaniya 'yong libro.
"Sige, sige. Salamat." Nginitian ko siya saka hinila na paalis sina Heidi.
~~~
Kinabukasan, habang naglalakad ako ay may biglang tumawag sa akin. Paglingon ko, nanlaki ang mata ko nang makitang may poging papalapit sa akin. Pero, teka... paano niya nalaman pangalan ko?
"Yes po?"
"I'm Sean, 'yong may-ari ng book na binalik mo. Thanks, by the way."
"You're welcome." Nginitian ko siya.
Sabay kaming naglakad papunta sa building namin. Pero nagtaka ako nang makitang nakasunod pa rin siya sa akin. I asked him why and ang sabi niya ay ihahatid niya raw ako sa room ko.
Pagkarating namin sa room ko ay nandoon na sina Heidi kaya naman inaasar na naman nila ako kay Sean. Hiyang-hiya ako sa inasal nila pero nagawa ko pa rin namang mag-thank you.
~~~
At dahil nga sa ginawang paghatid sa akin ni Sean ay parati na kaming inaasar ng mga kaibigan namin. Pero kahit na ganoon ay naging magkaibigan naman kaming dalawa.
He's so sweet, caring and gentlemen. Kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit nagsisimula na akong magustuhan siya.
Nang sabihin ko iyon sa mga kaibigan ko ay kulang na lang magpa-party sila sa tuwa.
Last day ng January, I decided na mag-confess sa kaniya. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na takot sa rejection kaya malakas ang loob kong umamin.
Nasa rooftop kaming dalawa ngayon habang magkaharap sa isa't-isa. Huminga muna ako nang malalim bago sabihin ang katagang 'gusto kita'.
Nagulat siya sa ginawa ko. Pero mas nagulat ako nang umamin din siya sa akin.
And after naming mag-confess sa isa't-isa, we decided to know each other more. Palagi kaming lumabas tuwing weekends.
I'm so happy na nakilala ko ang isang katulad niya. I thought wala nang lalaking katulad but I was wrong. Nasa Engineering lang pala.
Tomorrow is valentine's day, nasabi ko na rin kina Heidi ang balak kong pagsagot kay Sean.
"Omg! Stay strong agad!" Tili ni Heidi.
~~~
And now, today is the day. I can't wait to see his reaction.
"Happy valentine's day." Inabot niya sa akin 'yong bouquet ng tulip flower na may kasamang tatlong Toblerone.
"Thank you, Sean. Happy valentine's day rin."
"Where's my gift?" Biro niya.
"Wala, but I just want you to remember this day." Nagtaka siya. "Because... in February 14, 2024 we were celebrate our first anniversary."
Saglit pa siyang natigilan at parang pina-process pa ng utak niya ang sinabi ko.
"Totoo ba?" He asked. Nakangiti naman akong tumango. "Yes! I love you, babe." Mahigpit naming niyakap ang isa't-isa.
Thanks to God at sa libro dahil nahanap ko siya. Nahanap ko na ang lalaking magmamahal at mamahalin ko buong buhay.
—end—
YOU ARE READING
I Found You
Teen Fiction[An entry for write-a-thon challenge 3.0 February] Date started: Feb. 14, 2023 Date finished: Feb. 15, 2023