6 months later after graduation...
"Happy 5th anniversary, hon." bulong niya sakin sabay alis ng piring sa mga mata ko.
Nagulat ako sa nakita ko. Punong puno ng roses at kandila yung buong kwarto. May mga pictures pa namin na nakalagay sa bawat lamesa. Pati yung 1st letter ko sakanya nung 1st monthsary namin ay nakalagay rin at nakaframe pa. Kumpleto lahat ng mga masasayang memories namin, yung pagpapakilala ko sakanya sa pamilya ko, yung 1st anniversary. Lahat, lahat andito sa kwarto. Akala ko sa movies at teleserye lang nangyayare to, sa real life rin pala.
"Hon," i tried to say something, but I was so overwhelmed with happiness. Kaya tinignan ko nalang siya at sabay yakap ng mahigpit.
Hindi ko alam kung gano kami katagal na magkayakap, basta masaya lang ako na kasama ko siya.
"Thank you, hon." bulong ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"Nagustuhan mo ba?" tanung niya sakin. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Maya maya ay hinampas ko siya at kinurot sa tagiliran.
"Aray! Aray!"
"Kaya pala pinagleave mo ko ng isang linggo ah! At yung boss ko pa mismo yung nagtulak sakin na magleave ng 1 week! Magkakuntsaba kayo!" sigaw ko sa kanya habang hinihigpitan ang kurot ko sa kanya. Kelan ko lang kasi nalaman na best friend pala niya yung boss ko nasi Toni Guiterez nung nasa high school pa sila.
"Aray! Oo na! Kinausap ko nga yung si Toni. Pumayag naman siya eh. Kala ko ba gusto mo tong surprise ko sayo?" he answered in a small voice, siguro kasi sobrang sakit na ng pagkakakurot ko kaya binitawan ko siya at pumunta sa terrace.
Kaharap ng terrace ng bahay ay yung mismong beach, kaya sobrang ganda ng view at sobrang lamig rin. Hindi ko akalain na ganito ka-grand yung gift niya para sakin. Tapos ang bibigay ko lang yung isang pares ng sing sing na 92.5 na silver dahil hindi kaya ng budget ko yung branded. Pano ko to ibibigay ngayon? Parang dating naman nun eh cheap ako!
"Oh? Bat ka nakasimangot? Kala ko pa naman magiging masaya tayo eh." tumabi siya sakin sa terrace at tumingin sa direction ng dagat.
"masaya ako! Kaso naaasar ako!" sagot ko sa kanya, habang hawak hawak yung mga singsing sa bulsa ng pants ko.
"baket ka naman naaasar?"
"Kasi ang grand ng regalo mo sakin. Sobrang ganda. Sobrang mahal!" diniin ko yung word na "mahal" para magets niya yung point ko."Ni hindi nga kita mabigyan ng ganitong gift eh. Puro gift ko sayo mumurahin, ang chi-cheap." humina na yung boses ko dahil pinipigilan ko ng umiyak. God, ang babaw talaga ng luha ko.
Dahil sa hindi siya sumagot sa mga sinabi ko, tinignan ko siya, and he was smiling. Tapos bigla siyang tumawa ng tumulo na yung luha ko.
Joke lang siguro lahat to. Ngayon narealize niya na hindi ko mabibigay sakanya yung mga mamahaling bagay na kinalakihan niya.
Minura ko yung sarili ko at tsaka pumasok ulit sa kwarto para kunin yung mga gamet ko at umalis nalang. Kinuha ko yung pouch ko sa may drawer na katabi ng kama, at nagdasal na sana dala ko yung atm ko or cash man lang para makauwe.
"Mag-magkano yung pamasahe pabalik ng manila?" kinontrol ko yung boses ko dahil pag hindi ko ginawa yun, magbabaha ng luha dito sa cottage na to.
"Ha? Baket mo tinatanong?" tumabi siya sakin sa may drawer. I glared at him, since nakangiti pa siya. Hindi tumagal ay naging seryoso na siya nung magets niya kung baket ako nagtatanong."Aalis ka?" pabulong niyang tanong, na para bang may halong takot.
"Wala rin naman akong gagawin dito eh. Ang tanga tanga ko lang kasi naniwala ako na parang fairy tale yung relasyon natin. Hindi pala. Fiction lang pala talaga." pagkasagot ko, hinanap ko na yung dala dala kong bag sa kwarto.
"Vie, wag ka ngang engot." hinawakan niya ako sa braso pero umiwas ako at nagpatuloy parin sa paghahanap ng bag ko.
"Vie. Makinig ka nga. Ano bang pinagsasabi mo?" hinawakan niya ulit ako pero pumiglas ako.
Ng makita ko na yung bag sa may cabinet, kinuha ko to at tumingin sa salamin. Hindi naman siguro mahahalata nila mama na umiyak ako pag uwe ko.
Ng handa na ako lumabas ng cottage, hinawakan niya ako ng mahigpit sa dalawa kong braso at bigla siyang nagsalita in a cold voice.
"Alam mo tama ka. Ang tanga tanga mo."
BINABASA MO ANG
Reunited...
RomanceBinigay ni Alvia Santos lahat para sa kanyang boyfriend na so Demitri Villareal kahit na marami itong sikreto at ayaw ng pamilya ng lalaki sa kanya dahil sa mahirap lang siya. Pero hindi niya aakalain na lolokohin siya nito, kaya naglaho siya ng par...