Lakad nang lakad, ikot nang ikot ako sa lugar kung saan hindi ko alam kung bakit ako napunta rito. Kanina lang ay nasa harap ako ng salamin pero heto ako ngayon. Nasa madilim na lugar.
Walang bintana, walang ilaw, at higit sa lahat wala akong maaninag na kahit anong liwanag. Tanging ang naamoy ko ay isang malansa at masansang na amoy. Hindi ko mawari kung anong klaseng amoy iyon, basta parang pinaghalong nabubulok na hayop.
Ang sahig ay malagkit. Parang may ginagawang hindi makatarungan dito. Nauubo na ako dahil sa naamoy kong hindi kaaya-aya. Kaya pilit akong naghahanap ng puwede kong labasan. Kapa ako nang kapa sa paligid pero walang pinto. Ilang beses ko na rin paulit-ulit na inikot ito pero wala talagang marka ng kahit na ano.
"Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko paitaas pero tanging echo lang ng boses ko ang naririnig ko.
Isang lugar na apat na sulok ayun sa diskripsyon ko dito. Maluwag at mataas. Walang kahit na ano akong nakakapa sa paligid nito. Ang hindi ko maintindihan kung bakit ak9 napadpad dito. Wala akong maalala kahit ano. Nanghihina na ako dahil hindi ko na kaya amg amoy ng paligid.
Naupo ako sa sahig na malagkit at unti-unti nang napapapikit.
Naimulat ko ang mata ko dahil sa kuliglig na aking naririnig. May liwanag na! Agad sana ako babangon pero hindi ako makagalaw. Nang tumingin ako sa paligid ay doon ko napagtantong nakatali ang kamay at paa ko. Sa kanang bahagi ko may isang lalaki na nakasuot ng puting laboratory gown. Nag-uumpisa na itong magsout ng gloves pero bigla itong humarap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Ikaw?" Hindi ako makapaniwala na siya ang nagdala sa akin dito.
"Yes, my dear. Ako nga." Nakangisi ito ng nakakaloko at namumula pa ang mata.
"Bakit mo ako tinali dito? Anong kailangan mo?" Nagpalinga-linga ako sa paligid habng nagsasalita sa kanya. Napagtanto ko na ang malagkit at malapot sa sahig ay nagkalat na dugo. At ang nangangamoy na malansa at masasang ay mga pira-pirasong katawan ng tao. Lalo pa ako kinilabutan nang makita ko si Alexi. Tangin ulo na lang nito na nakalapag sa isang garapon at may tubig. Dilat pa ang mga mata dahil sa pagkasindak.
"I'm Felix John Carlos, ang natatanging lalaking sana nagmamahal ng lubos sa iyo," panimula nito dahila para mabalik sa kanya ang atensyon ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal at galit.
"Alam mo ba lahat ng mga bully sa iyo pinatay ko? Lahat sila inalis ko sa buhay mo dahil mahal na mahal kita at ayaw kong may humahadlang. Si Philips na panay ang panunuyo sa iyo, ayan! Tigok na. Si Melissa na binubully ka at pinapalayo kay Phillips ayan din. Naging collection ko sila at nais ko sana ialay sa iyo pagnagkatuluyan tayo. Pero anong ginagawa mo? Iniwasan at tinalikuran mo ako. Ang saya na sana natin dati kasi naging malapit tayo sa isa't-isa, pero pilit ka nilang nilalayo sa akin. Lalo na iyang best friend mong si Alexi. Kaya ayan sinama ko na rin siya sa mga regalo ko sa iyo—"
"Ang sama mo! Paano mo nagawa ang karumal dumal na gawain na tulad nito? Hindi pagmamahal iyan kun'di kabaliwan mo! Baliw ka, Felix!"
"Manahimik ka! Dahil sa iyo ang lahat nang iyan! Ikaw ang nagtulak na gawin ko sa kanila ang mga bagay na iyan. Naalala mo noong nasa burol ka at umiiyak? Hiniling mo lahat ng ito! Kaya huwag mong isumbat sa akin. I just make your wish come true myloves." Isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa kanya. Doon bumalik sa akin ang lahat bago mangyari lahat nang ito. Kasalanan ko ba talaga? Naroon pala siya sa lugar na iyon.
Pero dala lang iyon ng inis ko dahil pakiramdam ko lahat ng nakapaligid sa akin ay masama. Tanging si Felix lang ang naging kakampi ko noon at inalagaan niya ako. Kung hindi ko siguro nilayuan si Felix, hindi sana nangyari ito. Mga kaibigan ko lahat sila nawala na—pinatay ko sila.
Nangilid ang luha ko sa naisip ko. Wala na yata akong laban dito. Kung dati natakasan ko siya ngayon... wala na akong kawala.
"Isa lang naman ang Hiniling ko sa iyo, Jea. Ang hindi ako layuan. Pero anong ginawa mo?" isang nakakabinging sigaw niya mismo sa mukha ko na nagpasindak sa akin. Wala na akong nakikitang awa sa kanya.
"Paano mo gustong mamatay, Jea?" Kinuha niya ang isang box ng tools at nilabas doon ang isang matulis na bagay. Hinalikan pa niya ito bago itusok sa leeg ko. Napapikit ako ng mata sa pag-aakalang tutuluyan niya na ako, pero hindi niya ginawa.
Nang imulat ko ang mata ko ay nakaupo siya sa sahig at pinpalo ang ulo niya. Kaya nag-isip ako ng paraan para makatakas sa kanya. Inikot-ikot ko ang kamay ko dahilan para maalis ang tali. Dahan-dahan akong bumangon at hinubad ang tali nasa dalawang paa ko. Nang tuluyan na akong makawala sa tali. Kinuha ko ang matulis na bagay na nilapag niya sa tabi ko. Tumayo ako at tinungo ang pinto pero bago pa man ako makalabas ay nahila niya na ako sa buhok pabalik sa loob. Pakiramdam ko mabubunot lahat ng buhok ko dahil sa lakas ng pagkakahawak niya.
"At sa tingin mo saan ka pupunta? Tatakas ka na naman! Hindi mo na magagawa iyan ngayon!" Tinadyakan niya ako sa tiyan nang malakas. Halos mawalan ako ng malay.
"Hayop ka, Felix!" Bumuga ako ng dugo. Pinilit kong makipagmalakasan sa kanya. Hinila ko ang paa niya dahilan para matumba siya. Dali akong gumapang pero nahila niya ako sa paa. Sinipa ko siya sa mukha pero parang wala siyang pakiramdam.
"Gusto nang laro mo, Jea. Nag-eenjoy ako." Ngumisi uli ito nag nakakaloko kahit hindi na rin makatayo.
"Papatayin kita, hayop ka!"
"Sabihin mo iyan sa sarili mo, Jea, dahil katapusan mo na!"
Hindi ko namalayan na katayo na pala siya at may hawak na kutsilyo. Sasaksakin na sana niya ako pero nakaiwas ako. Gumulong ako at nahagip ko ang kaninang matulis na bagay. Kinuha ko iyon at tinago sa likod ko.
Papalapit na siya sa akin at nanlilisik ang mga mata. Astang tutusukin na niya ako nang itarak ko sa kanya ang hawak ko. Natamaan siya sa tiyan. Nagulat pa siya sa ginawa ko bago humandusay sa sahig. Bumuga siya ng dugo. Mas nilaliman ko pa ang tusok ko hanggang sa lumampas sa likod niya. Nanlaki ang mata niya lalo dahil siguro sa sakit.
Tumayo ako kahit ang isang paa ko ay hindi ko mailakad. Tinungo ko ang pinto at tuluyang binuksan. Laging gulat ko na mga nagpapalakpakang tao ang nakita ko. Sa itaas may malaking Screen at nakikita ang lahat ng nangyari sa ng silid na iyon. Ngayon ko napagtanto na nasa isang oval gym ako. At laro ito ng sabungan. Ang pinagkaiba lang dito ay mga tao at hindi manok.
Naalala ko na ang lahat ngayon. Kaya ako nasa harap ng salamin dahil kinabukasan noon ay ito na ang mangyayari. Lahat kami sa school na ito ay walang kalayaan. Fight for your life or you will die! Malinaw na sa isip ko kung bakit ganoon ang mga panyayari.
Lumapit sa akin ang isang professor at tinaas ang kamay ko.
"Siya na ngayon ang bagong manok natin!"
Nagpalakpakan ang mga tao. Habang ako unti-unting nawalan ng malay.
The story is to be continue...
mention a user
BINABASA MO ANG
FIGHT OR DIE
Mystery / ThrillerYou're never know what's next! So better be ready and save yourself! The hunger is coming on our way! -Jea Martin Jea Martin was a new student in Cliff Hunger University. She was froce by her best friend Alexi to enrolled there so that they won't be...