Chapter 18- Who is he?

113 6 2
                                    

Elijah's P.O.V

Di ko napansin na nakasunod pala ang mga kupal na to at ang masaklap narinig pa nilang tinawag kong mahal si Nath. Tangina magisip ka EJ ng magandang palusot!

"Mahal....m-mahal ng gas ngayon ma'am kaya hingi sana ako pang extra sayo hehe, nakalimutan ko magsabi sa daddy mo e" tangina napaka bulok naman nito pero sana kagatin ng mga hayup nato!

"Ahhh" at nagsitanguan ang mga tanga. Naku buti nalang talaga kundi patay talaga sa mahal na prinsesa.

"Ah Nath, sensya kana ha. I know na kakagaling lang ni EJ sa sakit pero kasi di ko sya mapigil e. Makulit din kasi tong isang to" paumanhin ni Pinuno kay Nath. Ang bait talaga ni pinuno e no?

"It's ok, I know how hard headed this human is but would you mind if I ask you to let her be out early on your group's practice today? I need to go somewhere and I need her to be there as well" turan nito at nakatingin lang sakin ng poker face. Galit ba sya lord? Huhu and san kami pupunta? Wala naman kami naging usapan kanina na may lakad sya ah? Hmmm di kaya kakatayin nya na ko kasi muntik na kami mahuli? O_O

"Sure Nath para makapag pahinga na din si EJ" sagot naman ni Pinuno

"Aba tangina EJ lupet mo ah? Pinuno unfair!" Reklamo ni Drake. Napapagod na kasi ito kanina pa at nagaaya nalang magwalwal

"Tumigil ka Drake ha, akala mo ba di ko napapansin na di mo sineseryoso ang practice?" sabi ni pinuno rito na ikina pout ni Drake. Sagwa ng pota, kadiri e

"Hoy Drake tigilan mo yang pout mo ha, kadiri ka pre ano ka isda?!" Pangaalaska ni Alfred rito

"Ano kinalaman ng isda don ha Alfred? Suntukan nalang o ano?!" At nagsimula na nga nilang sugudin ang isa't isa na pilit namang inawat nina Harri, Jaden, Jordan and Allen. Mga hayup talaga e hahaha.

"EJ and Nath sige na umalis na kayo bago pa kayo madamay sa katarantaduhan ng mga to haha" sabi ni Pinuno

"Salamat pinuno haha, ikaw na bahala sakanila" paalam ko kay pinuno at tumingin na kay Nath.

Habang paalis na kami sa lugar na iyon ay nagpalinga linga ako ulit.

Mahirap na no -_- baka mamaya nakasunod na naman pala mga tukmol

"Mahal galit ka ba? Sorry muntik na tayo mahuli" paumanhin ko rito

Di ito sumagot at tuloy tuloy lang na naglakad patungo sa parking lot.

Naku po patay na T_T. Mukhang badtrip nga.

Ng makalapit na sa parking lot ay dali dali akong nauna sakanya para mapagbuksan sya ng pinto

Sumakay na ito at sumunod naman ako

"Mahal sorry na :(" paumanhin ko ulit rito

Tumingin lang ito sakin ng cold at maya maya pa ay parang may kinuha sa kanyang bag, isang panyo and tissues
Pinunasan nito ang pawis ko gamit ang tissue at nilagay sa likod ko ang panyo nito

Sa totoo lang ay nagulat talaga ako sa naging gesture nito at di ko akalain na ganito sya ka sweet. Gusto ko na talaga ang babaeng to

Napangiti ako rito ng pagka tamis tamis

"Are you hungry? What do you want to eat hmm?" Malambing na tanong nito. Shemay hihimatayin na ko sa ganito nya.
Ang caring!

"Gusto ko lang ng street foods mahal, namiss ko na kasi kumain ng fishball, kikiam, kwekwek etc." Sabi ko rito, papayag ka sya? Feeling ko nga di nya alam mga binanggit ko e

Pero to my surprise,

"Ok let's go" sabay ngiti nito sakin. Iba talagang version ni Nath ang nakikita ko ngayon at nagugustuhan ko talaga ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Manong limang piraso pa nitong kwek kwek then 10 pcs. Ng fishballs" grabe kumain tong babaeng to kumain ng streetfoods, parang ayaw na paawat!

Di ko din akalain na nakain pala sya ng ganito kasi diba mayaman e, malay ko ba. Sorry na judger

"Mahal hinay hinay lang sa pag kain nyan ok?, Nakakarami kana e" sabi ko rito.

"Minsan lang naman to e, namiss ko kumain ng ganito dahil walang ganito before sa states" sabi nito kaya hinayaan ko nalamang.

After namin kumain ay nagdecide kami na pumunta sa seaside and naupo lang kami.

Nakitingin lang kami both sa dagat at sya naman ay maya maya hiniga ang ulo sa balikat ko.

"Alam mo mahal? Di ko talaga akalain na magiging tayo kasi di naman kita type e" biro ko rito, let's see kung magagalit

"You're not my type either" Sheesh nakabawi ah hahaha

Natawa naman ako sa sagot nito.

"Tignan mo ngayon,Ikaw na nagpapaganda ng mundo ko, hays ano ba ginawa kong mabuti at pinagpala ako ng husto?" turan ko rito na ikinangiti naman nya

"Wouldn't be fair if I'll be the one to ask that? I know I never done anything right to you before but still feeling bless to have you by my side right now" Pota kinikilig ako!!

Di ko na talaga maitatago na mahal ko na talaga ang babaeng to.

"I love you" malambing kong turan rito, ayan na bumigay nako

"And I love you too, don't you dare break my heart or else" banta nito sakin.

"I won't mahal" ngiti ko rito

Nagkatitigan kami hanggang sa napadako ang mata ko sa labi nito na parang iniimbitahan ako na tikman ito.

And there, hinalikan ko na ito na taos puso naman din akong hinalikan pabalik.

Gusto ko nalang tumigil ang mga oras ng mga sandaling kasama ko ito dahil alam kong madami pa kaming mga pagsubok na pagdadaanang pareho.
.
.
.
.
.
.
Nakauwi na kami ni Nath at di namin inaasahan pareho na nakaabang ang ama nito samin.

Pinagbuksan ko na ng pinto si Nath at binati ko naman ang ama nitong si Sir Arturo

"Where were you both been?" Tanong nito samin pareho na medyo kinabahala ko. Baka kasi mapagalitan itong si Nath

"Sir Arturo, galing lang po kami sa may seaside to clear our minds lang po from stress sa mga school works po. Ako po nag-aya kay Ma'am Nath, pasensya na po" sagot ko rito

"Dad are you mad? You hired Kamelot to be my personal bodyguard/driver. Diba you shouldn't be that strict no more since someone's watching me, I won't do anything stupid ok?" Turan naman ni Nath

"Why do I feel like you both hiding something from me" bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding kaba sa tinuran nito

"And what would that be dad? You're thinking too much. Can we just go inside? I'm exhausted already" buti nalang at pumayag na ito.

Pagkapasok namin ay may isang lalaki kaming nakita na di pamilyar samin.

"By the way I forgot to tell you that Mr. Dawson's son is here. He wants to meet you Nath. I want you to meet Sebastian Keith Dawson, Keith my daughter, Nathalia"

"Hi Nath, I'm Keith, it's nice to finally meet you" At ngumiti ito ng matamis sa babaeng mahal ko


Eto na nga ba ang kinakatakot ko.....
.
.
.
.
.
.
.
A/N: sorry ang lame ng update. I'm trying to finish this story for you all na matyagang nagaabang ng update ko. Maraming salamat po 🙏


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Driver, Sweet Lover (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon