"Mimi...We need to talk"
"Uhmm.. sweety, tara kain na muna tayo. Pinagluto kita ng menudo. diba paborito mo to?"
"Mimi..."
Sa totoo lang, alam ko naman na ang sasabihin niya sa akin. Alam kong makikipagbreak na siya. Ramdam ko naman eh. Kasi bigla nalang siyang nanlamig sa akin. Hindi na siya sweet gaya noon. Minsan na nga lang din kami magkita tapos kung magkikita pa kami, sandali lang kasi busy daw siya. Dati naman kahit busy siya, naghahanap siya ng way para makasama or makausap niya ako. Bigla namang siyang nagbago.
Ayokong marinig ang sasabihin niya kaya kung maaari, umiiwas ako.
Nagmamadali akong kuhanin yung plato para makakain na kami.
"Makinig ka naman sakin" Hinawakan niya ko sa magkabilang braso tapos iniharap sa kanya. "I think we should break up." Nabitawan ko ang baso at nahulog ito sa sahig dahilan ng pagkakabasag nito. Ngayon, tuluyan na talagang tumulo ang mga luha ko. Napaupo nalang ako sa sahig at humagulgol ng iyak. Niyakap naman niya ako.
"H-hindi mo na ba ako mahal?"
"Mahal kita. Pero hindi na gaya noon. May iba na akong mahal. Mas lalo lang kita masasaktan kung papatagalin pa natin to. Gusto kitang maging masaya, mimi."
"P-pero sayo lang ako masaya"
"Trust me mimi, makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo. Please... pakawalan mo na ako"
"NO! please Alec.. wag mo naman akong iwan! Mahal na mahal kita. Parang awa mo na... W-wag mo kong iiwan."
"Hindi kita iiwan. Nandito pa rin naman ako para sayo bilang kaibigan."
"Pero ayokong maging KAIBIGAN mo lang!"
"Damn it mimi! Please don't make this hard for both of us!" Mas lalo akong napaiyak. Gusto kong makalayo dito. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Mahal na mahal ko siya! Bakit ba kasi kung sino pa yung nagmamahal ng sobra, siya yung pinaka-nasasaktan? This is so unfair!
Tumayo ako tumakbo palabas ng condo niya. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko yung pinansin.
Sumakay ako ng taxi at uuwi nalang ako sa bahay.
Pagpasok ko palang ng bahay, nakaabang na agad sa akin sila mommy.
"Where the hell did you go? Hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag nam-------"
"Mom, not now please. Pagod ako" Nagpatuloy na akong maglakad paakyat sa kwarto ko.
"Don't you ever turn your back on me! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"
"Sweetheart, hayaan na muna natin si mikaela. Mamaya na natin siya kausapin. And besides, may bisita pa tayo mamaya."
Papasok na sana ako sa room ko pero nakita kong nakabukas yung door ni ate Megan. Pumasok ako tapos nakita ko siyang nakaayos. Yun bang parang pupunta ng party. Tumingin siya sakin kaya lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at tsaka umiyak ng umiyak.
"What's wrong?" Imbis na sagutin ko siya, umiyak lang ako ng umiyak. Sa tuwing may problema ako, siya lang lagi ang nagpapagaan ng loob ko. Close na close kami niyan ni ate. Lagi nga niya ako pinagtatanggol kila mommy kapag napapagalitan ako or kinukumpara nila ako sa kanya. Never niyang pinaramdam sa akin na magkaiba kami. "I may not know your problem, pero sige... iiyak mo lang yan para mabawasan ang sakit ng nararamdaman mo. Kung kailangan mo ng kausap, alam mo namang nandito ako para sayo"
"A-ate... Break n-na kami"
"WHAT?????? WHY????"
"M-may iba *huk* na daw k-kasi *huk* siyang mahal"
"Tsk. yan na nga bang sinasabi ko eh. Hayaan mo na yun. Madami pa namang iba diyan. I'm sure, madaming magkakandarapa sayo. Sa ganda ba naman ng bunso namin? haha"
"Ate naman..." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Ayieeeh... ngumiti siya. Wag ka ng umiiyak. Alam mo kasi, hindi dapat iniiyakan yung mga taong walang kwenta. Wag mong ipakita na mahina ka! kailangan mo ipakita sa kanya na ok ka lang. Malay mo baka magsisi pa yun na hiniwalayan ka."
"Salamat ate ah? Ay, nga pala... Anong okasyon at ganyan ang suot mo?"
"Ahh.. kasi pupunta dito boyfriend ko mamaya kasama yung parents niya" Tapos namula siya.
"MAMAMANHIKAN??? Ang bilis naman ate. ni hindi pa nga namin nakikilala yun eh."
"Ano ka ba mimi, business partner nila mommy yung parents ng boyfriend ko tsaka kilala na nila sila."
Buti pa si ate, may lovelife. Ako... FOREVER ALONE na ata T____T Tapos siya pwedeng mag-boyfriend... ako hindi! Napaka-unfair talaga! Eh 17 naman na ako.
ah! Nga pala, si ate lang nakakaalam na may boyfriend ako. Pero hindi niya alam yung name tsaka hitsura nung boyfriend ko... este, EX pala. Haaaaay.. TT_____TT
"Hey! Malungkot ka nanaman. Ganito nalang, magbihis ka tapos ipapakilala din kita sa kanila. Dali! Tapos me-make-up-an kita para mas lalo kang gumanda." Kaya ayun, pumunta ako sa room ko tapos naghanap ng masusuot. May nakita akong pink dress na backless. Sinuot ko yun tapos pumunta na ulit sa kwarto ni ate. Minake-up-an niya naman ako.
Maya-maya lang, narinig na namin na nagring ang bell.
Agad agad naman akong hinila ni ate palabas ng kwarto tapos bumaba ng hagdan.
Nakita kong nakikipagshake hands sila mommy at daddy dun sa 'parents' nung boyfriend ni ate.Tumakbo naman si ate dun sa boyfriend niya.
Lumapit ako sa kanila pero laking gulat ko nalang nung nakita ko yung boyfriend ni ate.
"Alec?"