KABANATA 9

149 13 2
                                    

Jamaica's POV

Pareho kaming tahimik habang bumibehaye nakatuon ng pansin ko sa labas ng bintana ng pick-up truck kaya nagpatugtog na lang si Lucca ng radyo para siguro hindi masyadong nakakailang.

May kadiliman na ng makarating kami ng Wanda's Resort binati kami ng ilang staff. Tinanguan namin ang mga ito bitbit naman ni Lucca ang backpack bag ko dumeretso kami sa pinagdaungan ng Speedboat niya, inalalayan akong makasakay doon ni Lucca bago siya sumampa ng tuluyan inayos niya ang bag ko saka kami pumalaot papuntang Isla.

Nayakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin.

"Nakalimutan kong sabihin na malamig nga pala dito kapag madilim na."  wika niya napansin ata niyabg nanginginig ako.

"A-ayos lang ako. Salamat nga pala."

"Wala yon bukas ng tanghali luluwas na akong Maynila."  agad nitong sagot.

"Ah. M-maiiwan ba ako sa Isla? Pwede kong alagaan ang mga alaga mong Baboy at Manok pati mga Gulay habang wala ka."

Nilingon ako ni Lucca.  "Isasama kita Jamaica kaso malapit ng matapos ang School year alanganin kung magta-transfer ka."

Para akong nabuhayan sa sinagot niya sa akin dahil isasama daw niya ako!

"Ayos lang naman sakin kung uulit na lang ako next year eh walang problema doon."  wala naman kasi talagang problema sakin yon ang mahalaga makakasama ko si Lucca!

"Okay." sagot nito.

Dumaong kami sa Isla, inalalayan uli ako ni Lucca saka nito binitbit ang Bag ko. May ilaw ang mga poste sa Isla automatic yon na nagliwanag kapag madilim dahil solar yon at kusa din itong namamatay kapag umaga na lalo lamang akong napahanga kay Lucca dahil sa sarili niyang bulsa lahat galing ang pera na ginastos para ma-improve ang Isla na minana niga. Natatandaan ko pa noong mga bata pa kami hindi pa ganito kaganda ang Islang ito tanging si Lucca ang nagsikap para makasabay ito sa pagbabago ng panahon pero nananatili pa rin itong malinis at presko hindi gaya sa Siyudad.

Namalayan ko na lamang na nasa tapat na kami ng bahay ng tumunog ang lock ng pinto sinyales na bukas na ito.

"Pasok ka na."  pormal na wika ni Lucca habang hawak nito ang doorknob.

Pumasok ako at bahagyang naglakad para makapasok din ito sa loob. Masaya ako dahil simula sa araw na ito dito na ako titira sa Isla kasama ang Lalaking hinangaan ko simula bata pa kami.

"Halika sumunod ka sa akin."  bitbit pa din niya ang bag ko ng maglakad patungo sa pinto na nasa bandang kaliwa habang nasa gitna naman ang pinto ng banyo at ang kanang pinto ay kwarto ni Lucca. "Ito ang magsisilbing kwarto mo saka itanong mo sa School mo kung pwedeng Online class ka na lang muna sayang ang isang taon kung babalikan mo pa diba."

Tumango ako.  "Okay. K-kaso wala akong pambayad ng Online class e kaya ang plano ko next year uulit na lang ako—."

"Bakit?"  tanong sa akin ni Lucca habang titig na titig sa mga mata ko.

Bahagya akong nakaramdam nang hiya at kagat-labing napayuko ako.  "E kasi w-wala akong pera pambayad e saka plano kong maghanap ng trabaho pagdating natin sa Maynila—."

"Trabaho?"  ulit nito bago humakbang papasok ng kuwartong gagamitin ko at nilapag sa ibabaw ng may kalakihan na kama ang bitbit nitong bag.

"O-oo."

Bumuntong-hininga siya saka binuksan ang mga Bintana.  "Kumuha ka ng Online class ayokong masayang ang isang taon dahil sumama ka sa akin saka isa pa nasa poder na kita kaya lahat ng gagastusin mo sagot ko."   speechless ako hindi ko inaasahan ang isinagot nito akala ko ay ida-down niya ako.  "Sige na magpahinga ka na muna dito, maluluto lang ako ng hapunan."  saka siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Nasundan ko na lamang ng tingin si Lucca mukhang lalo akong nahuhulog sa pagiging independent niya gustong-gusto ko talaga si Lucca hangga't maaari ayokong may umaaligid sa kanyang mga Babae hindi ko kasi maiwasan ang magselos ng sobra.

Saglit lang ako humiga malambot na kama bigla kasing kumalam ang sikmura ko ng maamoy ko ang mabangong luto ni Lucca. Tumayo ako at lumabas ng kwarto saktong naabutan ko itong may kausap sa cellphone.

"Yes, Dad. Uuwi na po ako bukas. No, hindi naman ho nagkagulo. Ah yon po ba? Okay na po kinuha ko si Jamaica. Opo iuuwe ko po siya sa Bahay ko. Ah okay naman po kami Dad. Ikukuha ko na lang siya ng Online class. No may pera naman ho akong pambayad ng Online class niya. Okay sige po Dad nagluluto po ako e para makakain na kami ni Jai. Love you both ni Mommy. Bye."

Kinansela nito ang tawag para naman akong napahiya ng bigla siyang umikot paharap sa direksyon ko nagkatitigan kami pero hindi gumana ang utak ko kaya tulala lang ako. 

"Kanina ka pa ba diyan?". tanong nito saka nilapag sa ibabaw ng maliit na mesa ang cellphone.  "Tumawag si Dad nangungumusta by the way doon tayo sa bahay ko titira ha."

"M-may sarili kang Bahay?"  hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo."  tango nito.  "Bungalow lang parang ganito lang ang kaibahan lang e tatlo ang kwarto non at bawat kwarto may sariling banyo bukod sa service bathroom sa kusina. Okay ka lang ba kung doon kita ititira?"

Agad akong tumango grabeh ibabahay ako ni Lucca! Thank you Lord! Parang mag-asawa pala ang set-up naming dalawa pagdating sa Maynila!

"Jai, natulala ka na diyan. Umupo ka na kaya kanina pa ako nakahain eh may tatlong minuto ka nang naka-nga-nga lang diyan. May problema ka ba?"  malamig na tanong nito sa akin na wala halos ka-emo-emosyon.

"Ah. S-sorry."  agad akong umupo para iwas pahiya.

Tumayo mula sa kina-uupuan si Lucca at pinagsandok ako nang mainit na kanin at masarap na Pakbet! Alam kong masarap 'yon kahit hindi ko pa natitikman kasi Bata pa lang kami talagang may talent na siya sa pagluluto madalas niya akong ipagluto lalo na kapag may sakit ako.

"Salamat, Lucca."

Tumaas lamang ang gilid ng labi nito saka nagsandok para sa sarili nito. Kapwa kami tahimik habang nakain wala naman kasi akong maisip na topic para mapag-uusapan.

Natapos ang pagkain namin na walang kaming imikan tinulungan ko ito sa pagliligpit ako na din ang nagprisentang maghugas ng pinagkainan namin. Ako ang taga-banlaw habang siya naman ang taga-sabon ang tangkad talaga ni Lucca hanggang dibdib lang niya ako saka maganda ang hubog ng katawan niya hindi gaanong kalakihan pero meron siyang ipagmamalaking abs.

"Maaga kang matulog dahil bukas luluwas na tayo."  paalala pa niya.

"Okay."  sagot ko pagkatapos kong magto-tootbrush.

ako si... LuccaWhere stories live. Discover now