6: Left Alone

29 8 22
                                    

6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

6.

PABAGSAK akong humilata sa kama at niyakap ang napakalambot kong unan. Nakakapagod ang gabing ito, kakauwi ko lang galing sa peryahan. Inihatid ako ni Wax pauwi rito sa tinutuluyan kong dorm dahil gabi na rin at baka mapahamak pa raw ako.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa bulsa ng suot kong bestida. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at nagpagulong sa kama para makaayos ng higa. Agad kong binuksan ang power ng phone at nakita ko ang ilang mensahe galing kay Spade.

Spade

6:00 PM

Spade:

Nasaan ka?

May date kayo ni Wax? ツ

Nasaan kayo?

8:31 PM

Spade:

Nagtatampo ako. (︺︹︺)

Kasama mo silang tatlo samantalang ako iniwan nʼyong mag-isa. (╥﹏╥)

11:03 PM

Spade:

Anong oras na, Sapphy.

Saan ba talaga kayo nagpunta?

Pinatay ko na lang ang phone at ipinikit ang mga mata ko. Hindi na ako nag-reply pa dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin.

"PARTNER tayo, okay?" natutuwang aya sa akin ni Wylan. Tumango lang ako at ngumiti bilang tugon, bumungisngis naman siya dahil sa pagsang-ayon ko. Ang kulit talaga ng babaeng ito, nakakatuwa siya.

Kaniya-kaniya kami ng tayo dahil tapos na ang klase at ilang oras nalang rin at mag-uuwian na. Inayos at ibinalik ko na sa loob ng bag ang mga gamit ko at tumayo na rin para umalis. Hindi na ako nagpunta sa kung saan at dumiretso na ako para makauwi nang maaga.

"MATUTULOG na ako, ikaw na ang bahala riyan at pagod na kasi talaga ako." Bumusangot ako sa sinabi ni Athena.

Tumawa si Athena nang mahina at nahiga na sa kanyang higaan. Wala akong choice kundi ang linisin na lang ang mga kalat ng pinagkainan naming dalawa, hindi ko na rin siya inabala dahil nga pagod raw siya.

Matapos maglinis ay humiga na rin ako at inabot ang phone ko na nakapatong sa night stand. Saktong pagbukas ko niyon ay biglang nag-phone call si Spade. Hindi na ako nagdalawang isip at agad nang sinagot ang tawag.

["Hello Sapp!" ] Kahit nasa kabilang linya ay halata sa boses niya na masaya siya.

"Hi?" sagot ko gamit ang malambing na tono.

["Busy ka ba ngayong gabi? Puwede mo ba akong samahang kumain? Libre ko."]

Saglit akong nag-isip. "Sure, saan mo ba gustong kumain?" Sumang-ayon na rin ako kahit busog pa ako dahil baka kapag humindi ako ay tuluyan na siyang magtampo. Hindi kasi namin siya naisama noong huling gabi kaming nagkita-kita.

"SALAMAT nga pala sa pagsama mo sa aking kumain dito," nakangiti niyang pasasalamat. Nag-iwas ako ng tingin saka ngumiti.

"Wala iyon, nagugutom rin kasi talaga ako." Kahit na ang totoo ay hindi. Ni hindi ko nga ginagalaw ang binili kong instant noodles.

"Kumusta pala ang araw mo? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" panguna niya.

Umakto akong nag-iisip. "Gaya pa rin naman nang dati, okay lang pero ngayon ay may kaunting pagbabago."

"Ano namang pagbabago?" curious niyang tanong.

"Simula nang nagkagusto kayo sa akin dahil nga ginayu---" naputol ko ang sinasabi ko at humigop ng sabaw sa noodles ko para hindi siya makahalata.

"Dahil nga?" Muli niyang tanong.

"Basta noong nagkagusto kayo sa akin ay madalas na akong may pinagkakaabalahan maliban sa pag-aaral ko, nagkaroon ako ng oras para makapagsaya at dahil iyon sa inyo," sabi ko at ngumiti nang matamis. Ngumiti rin siya nang matamis at tinitigan ako sa mga mata.

Pakiramdam ko ay sobrang tagal na niya akong tinititigan kaya nakaramdam ako ng hiya at naiyuko ang ulo. Tumikhim ako na para bang iyon ang magiging solusyon para maalis ang pagkailang ko sa klase ng tingin niya sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa iyo at para akong nababaliw sa tuwing nakikita kita," mabagal ang pagkakabigkas niya sa mga salitang pinakawalan niya habang hindi pa rin inaalis ang mga titig sa akin.

Mapait akong ngumiti. Hindi naman kasi talaga totoo ang nararamdam niya, nila para sa akin. Nagayuma ko lang sila. Bumalik na siya sa pagkain at sa pagkakataong ito ay ako naman ang tumitig sa kaniya.

Nagtagal ang titig ko sa kaniya at napansin ko na lamang na nakangiti na pala ako. Agad kong isinimangot ang nguso ko at yumuko na lang para tinitigan ang pagkain ko.

"Hi, Sapp---oh. . .kasama mo pala si Spade?" Nagtaas ako ng tingin sa lalakeng nakatayo sa tabi ng table namin. Nang magtaas ng tingin ay nakita ko si Wax na nakangiti ng nakakaloko habang ang mga mata ay nakatingin ng masama kay Spade.

Nagulat ako nang biglang tumabi ng upo sa akin si Wax at inilapag ang mga pagkain niya sa mesa namin. Napatingin ako sa gawi ni Spade na ngayon ay masama na rin ang tingin kay Wax. Sana naman ay huwag silang mag-away.

"Puwede ba?" rinig kong sabi ni Spade gamit ang galit na tono habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Wax.

Parang awa niʼyo naman, oh.

//

143: I Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon