PROLOGUE

74 2 0
                                    

Arkhign's POV

_________

"Shot! Shot! Shot!!"

"Shot!"

"Shoooooot!"

"Wuhoooooo!"

"Yeahhhhh! Hahahahah."

" Woooooooohhhh!! "

________

Napakaingay!

Ganto ba talaga kapag nasa isang clubhouse ka? Magulo tapos mabaho?

Yung amoy ng alak at sigarilyo ay nagkanda halo na sa ere. Para sakin ay hindi kaaya ayang amoy iyon kaya napapatakip ako ng ilong. Pero parang di alintana yun ng mga tao dito. Sanay na ata.

Nakakabinging mga sigawan, dagdag pa ang malakas na tugtog ng DJ sa estante. Daig pang may concert sa dami ng laser lights. Nakakahilo sa totoo lang.

Ito ang unang beses na nakatuntong ako sa isang sikat na club. Walang wala kung ikukumpara yung bar na napuntahan ko dati. Sa mga alak palang na binbenta dito halatang mayaman lang ang makaka afford na bumili. Ang garbo naman kase, may chandeliers at pa second floor pa.

At syempre, hindi ito matatawag na club kung walang nagmomomol.

Sa bawat sulok ay may naghahalikan na kulang nalang ay maghubad at maglabas ng kung ano mang dapat na ilabas. Bat kase di nalang sila umuwi at gawin yun sa kwarto kesa dito sila magkalat. Jusko naman!

Kung wala lang dito yung amo ko malamang sa malamang kanina pa ako umuwi.

And speaking of amo, asan na ba yun?

Nilibot ko ang tingin sa bawat sulok ng club pero ni anino ng aking amo ay di ko mahagilap.

"Patay na! Asan na yun?"

'Ang engot mo talaga Ark! Mayayari ka nanaman dun sa amo mong demonya este dyosa.' kaltok ko sa sarili.

Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko talaga siya makita. Nasa unahan ko lang yun kanina eh.

"Excuse po--aray ko! Padaan lang-- ahh--sorry!"

Nagawa ko nang makipagsiksikan sa mga tao na nagsasayawan mahanap lang siya. Yung iba nasisiko at naaapakan na ako pero yaan nalang.

Nasa kalagitnaan nako ng dancefloor nang may humila sa manggas ng damit ko. Medyo malakas yung pagkakahila kaya muntik na akong madapa.

Inis kong binalingan yung nanghila pero agad ding nawala at napalitan ng kaba dahil sa sama ng tingin na binibigay sakin ng babaeng kanina ko pa hinahanap.

"H-Hi maam. Ehehe--"

"Wag mokong ma Hi maam Hi maam diyan! You idiot!" at hinila na ako nito ng tuluyan.

Ayan na nga bang sinasabi ko Ark! Muntanga ka kase eh!

"Diba sinabi ko sayong wag kang aalis sa tabi ko? Bobo ka ba at di mo maintindihan yun? Ha?!"

Andito na kami ngayon sa parking lot, tinatahak kung san naka pwesto ang sasakyan niya. At habang nasa daan ay puro dakdak ang ginawa niya sakin.

Di na ako kumibo at yumuko nalang habang nakasunod at nakikinig sa panenermon niya. Kasalanan ko din naman. Kung di lang sana ako muntanga kanina ay di sana na beast mode tong amo ko.

"You know what? I regret na sinama pa kita dito. Kung hindi dahil sayo nageenjoy pa sana ako kasama ang mga kaibigan ko."

"Sorry po maam, eh kase--"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pure PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon