Deans:
its been a month mula nung maging successfull yung operation ni jessica at ngayon araw yung balik niya dito sa ospital para sa check up niya, hindi naman ito yung unang beses na bumalik siya dito pero yung kabang nararamdaman ko ganun at ganun parin sa twing nakikita ko siya, i think pang apat na balik niya na dito mula nung ma discharge siya pagkatapos ng operation, wala naman siyang ibang ginagawa kundi maghatid ng pagkain na niluto daw ng mama niya bilang pasasalamat sa naging maayos na operasyon niya.
napatingin naman ako sa pinto ng office ko ng biglang may kumatok, siya na siguro ito, ang hirap magpangggap na kalmado pag siya ang kaharap, hindi mawala sa isip ko yung nangyari nung araw na yun..
come in..seryosong sabi ko, napahinga nalang ako nang malalim nung makita kung sino yung pumasok, napaka amo ng mukha niya, her smile nakakadala, damn paano ko ba nagawa yun sayo..
goodmorning doc..nakangiting bati niya kaya napabalik ako sa wisyo.
goodmorning! maupo ka..tipid na sagot ko saka tumayo para simulan na yung pag check sa mata niya..
hindi ba sumasakit?seryosong tanong ko mabilis naman siyang ngumiti sabay iling..
that's good..wala naman akong nakikitang problema, congrats jessica masasabi ko nang successfull ang naging operasyon mo..paliwanag ko sakanay saka tipid na ngumiti, gusto ko mang kausapin siya ng matagal pero hindi ko magawa, hindi ko siya kayang tingnan sa mata, sa twing gagawin gagawin ko yung iba yung nakikita ko, yung mata na puno ng takot at sakit.
doc..tawag niya sa akin sabay hawak sa kamay ko kaya bigla akong napatayo.
ok ka lang?pag aalalang tanong niya kaya napahilamos ako sa mukha ko, damn kalma wong..
ahh yeahh iiimm ok,, sorry sobrang pagod lang siguro..nauutal na paliwanag ko kaya nagbago yung expression ng mukha niya, hindi man niya sabihin alam kong nagtataka siya.
aahhh sabagay doc, sa dami siguro ng ginagawa niyo noh, pinapainvite kapa naman ni mama for dinner doc, ok lang ba? makakapunta kaba? nag aalangang tanong niya, anong sasabihin ko? pupunta ba ako? kaya ko bang humarap sakanila ng matagal?
ok lang doc kung hindi, baka kailangan mo din magpahinga ng maaga. malungkot na sabi niya kaya huminga ako ng malalim..
nah its ok, sige pupunta ako..sagot ko, ngumiti naman siya agad, nag usap lang kami ng ilang bagay about sa mata niya at nagpaalam na din siyang umalis, paglabas niya ng pinto napasandal nalang ako sa swivel chair ko at napapikit,
pag nalaman mo kaya ang totoo ganito mo parin ako kausapin? kaya mo pa kaya akong harapin pagdumating yung araw na yun?
ano bang dapat kung gawin.?
YOU ARE READING
MY DIRTY LITTLE SECRET
FanfictionYOU CAN'T CHANGE WHAT HAS ALREADY HAPPENED , SO DON'T WASTE YOUR TIME THINKING ABOUT IT . MOVE ON , LET GO , AND GET OVER IT .