BLINK 00

286 22 1
                                    

"Hoy! Ang ingay niyo! Kaaga aga 'yang videoke niyo na naman ang nambubulabog sa amin!" sigaw ng isang ale sa kapitbahay niya.

Isang tipikal na pangyayari lang sa Barangay Hinagpis. Matao ang lugar dito, halos lahat maiingay at walang pakialam sa sasabihin ng iba.

May makikita ka sa kalyeng nag iinuman at nag susugal kahit umaga at tanghaling tapat pa 'yan, wala silang pinipiling oras at lugar sa kanilang mga bisyo.

"Shot!" sigaw ng isang tambay na nag iinuman.

"Oh Javier tagay mo na!"

"Akin na!" sagot naman ni Javier.

Si Javier Sandoval ay kilalang tambay at basagulero sa Brgy. Hinagpis. Halos lahat ng tao dito ay kilala siya dahil sa ugali nitong mainitin ang ulo. Pero kahit na ilang beses na siyang may nakaaway ay hindi siya dito mapaalis.

Sino ba naman kasi ang gustong paalisin ang isang tulad niya. Sobrang gwapo nito. Kapag una kayong nagkita ay aakalain mong isa siyang modelo. Ang kayumanggi niyang kutis at ang taas niyang nakaka intimida.

Ang manly niyang itsura ang nagpapahiyaw sa kababaihan at binabae dito sa barangay nila. Isama mo pa ang halatang umbok na kay laki kapag siya'y nakaupo o naglalakad.

"Pre siya nga pala, balita ko may medical mission daw diyan sa covered court sa makalawa. Pa check up mo kaya si Lucio." sabi ng isa.

"Pakialam ko sa putanginang 'yon! Walang kwenta. Ni hindi mapakinabangan, nagmana ba naman sa lahi ng nanay niya." galit niyang saad sabay tungga ng alak.

Si Javier pala ay may isang anak, si Lucio Sandoval. May kapansanan si Lucio sa kaniyang mga mata. Simula nang ito ay ipinanganak ay hindi na siya nakakakita.

Kasabay din ng pagkaanak sa kaniya ay iniwan sila ng nanay niya. Kaya ganon nalang ang galit ng tatay niyang si Javier.

Kaya lahat ng galit niya sa mundo ay ibinubuhos niya sa anak niyang si Lucio. Sagana ang bata sa bugbog ng tatay pero buti nalang ang lola niyang si Aling Mirasol ay sa kanila na tumutuloy. Siya ang nag aasikaso sa apo niyang may kapansanan.

"Grabe ka naman sa bata pre! Kita mong ang bait bait ng anak mo ni hindi lumalabas!" pang aasar ng isa at tumawa naman ang iba.

Tila hindi hindi naman nagustuhan ni Javier ang narinig niya. Hindi kasi lumalabas ang anak niyang si Lucio dahil sa kapansanan nito. Nagkukulong lang ito sa loob ng bahay nila.

"Aba tangina mo pala eh!" sabi ni Javier at akmang susugurin ang nagsabi. Mabuti na lamang ay nahawakan siya ng iba niyang kainuman.

"P-Pre naman... Nagbibiro lang ako." takot na sabi ng lalaki. Alam niya kasing wala siyang laban kay Javier.

"Ayos ayusin mo tabas ng dila mo! Kahit ganon ang anak ko, mas maayos pa siya sa anak mong nangangamoy na!" ganti ni Javier. Hindi naman na umimik ang lalaki at umalis nalang ito.

"Anak ko pa tinalo ng gagong 'yon... Eh alam naman nating lahat yung anak niya ay ang asim ng amoy." natawa naman ang ibang kainuman ni Javier.

....

Naglalakad na pauwi si Javier. Kahit nakainom na siya ay nakakapaglakad pa rin ito ng maayos. Grabe ang angas nito habang naglalakad, umaapaw ang charisma nito.

"Javier~" narinig ni Javier na may tumawag sa kaniya kaya napalingon siya.

"Oh Linda anong kailangan mo?" maangas niyang tanong.

"Bakit naman ang init ng ulo mo papa Javier... May alam ako kung pano mawawala 'yang init ng ulo mo." malanding sabi ng babae.

"Tigil tigilan mo nga 'ko, Linda. Baka nakakalimutan mo nung nakaraan ganyan ka rin, pero nung andon na tayo mangiyak ngiyak ka tapos sasabihing hindi mo ako kaya." sagot ng lalaki.

Can't You See MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon