Akala ko, Hindi palaPa-isa..dalawa..akong lumalakad sa kuridor ng bahay namin at dahan dahang nilalapat ang sapatos sa sahig upang huwag itong makalikha ng tunog.
"Iiwan kona lang ito dito, bukas babalik uli ako, Dome" sa baritonong boses nito.
humahaba na ang leeg ko mula sa itaas ng hagdan at natatakpan lang ako ng mesa at may porselana doon habang tanaw ang ibaba ng salas.
"Siga ba, balik ka uli bukas dito" nag high five silang dalawa bago umalis ang kausap ni kuya Dome sa paningin ko.
Mas lalo lang akong tumingkayad pababa ang tingin upang sundan ng tingin ang papalabas na bulto sa pintuan namin hanggan sa lumabas din ang anino nito sa pinto kasabay ng lalaking umalis na sa bahay.
napasimangot ako habang nakasandal sa pader dahil hindi ko man lang nakausap siya kahit sandali ayan tuloy nakaalis na ng bahay hindi man lang kami nagkatinginan ng mata sa isa't-isa.
natatakot kasi ako kapag tinititigan niya ako at hindi ko kayang ibuka ang bibig ko para lang kausapin siya at magsimula ng usapan.
"Teka lang? Bakit ko naman iyon gagawin e, kahit titigan niya ako para na akong matutunaw sa titig niya palang." umiling iling ako at sinapak ko na ang pisnge ko dahil nababaliw na naman ako kakaisip sa kanya.
"Hayyy... sayang talaga" napapadyak ako sa sahig.
"Anong ginagawa mo dyan?Ano na naman yang ginagawa mo nagiingay kana naman ba?" sabay batok sa akin ni kuya Dome.
"Aray, bakit ba ang hilig mong mangbatok" napasimangot ako ng pinikot niya ang tainga ko.
"Bumalik kana sa loob ng kuwarto mo at magaral doon, ta-tamad tamad ka na naman" kinurot niya ako sa tagiliran kaya napatakbo na ako sa loob ng kuwarto ko.
kinabukasan ganoon parin ang ginawa ko sinusondan ko na naman siya sa eskuelahan.
patungo sila sa gymnasium para sa tryouts ng mga basketball players.
Nakapasok sila doon pero may guard sa labas ng gym dahil bawal ang ibang estudyante na hindi kasali sa sports fest.
lumiko ako at nagtago sa trashcan at nagiisip kung ano ang pwedeng gawin doon hanggan sa hindi ko namalayan kinain na ang oras ko hindi na ako nakapasok sa last subject ko sa hapon.
"Saan ka galing?" napatalon ako ng may nagsalita sa likod ko.
Dali-dali akong tumayo doon at kunot noo niya akong tinitingnan.
"What are you doing here?" he asked again.
tulala akong tinitingnan siya dahil kinakausap niya ako? Totoo ba ito?hindi ba ako nananaginip?.
"Kung totoo nga ito? At kinakausap mo ako-" sinapak ko na ang pisnge ko.
"Aray" napapikit ako dahil "totoo nga? Kinakausap mo ako?" Umiling siya at may tiningnan sa labas ng bakuna ng gym.
"Tsk..go outside your brother is looking at you..uuwi na kayo" he said sabay ayus ng duffel bag sa kanyang balikat.
tinalikuran niya ako agad bago pa ako makapagsalita.
Umuga ako roon dahil kahit nakatalikod siyang naglalakad nakakaagaw pansin parin siya sa mga estudyante.
"Palamore".
I read his surname on his varsity shirt it's coloured black and red.
"Kanina pa kita hinahanap" umangat ako doon dahil pinikot nanaman ako ni kuya.
"Kuya..aray ang sakit" sumigaw ako sa sakit at hawak hawak ang tainga kong pinikot niya.
tiningnan niya ako ng masama bago ako tinalikuran palabas ng eskuelahan, pumasok ako sa sasakyan naming nakanguso ang mga labi dahil si kuya nasaktan ang tainga ko doon.
BINABASA MO ANG
Akala ko, Hindi Pala (One Shot Story)
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person's, living or dead, or actual events is purely...