Blue Weirdness

5 0 0
                                    

Habang masaya at makulit na nagkukwentuhan ang isang grupo ng mga kababaihan, makikitang ang babaeng may mahabang buhok ay nakatitig sa isa sa mga kasamahan nya.

"Krissa, bumili ka na pala ng contact lenses" puna ng kaibigan niyang si Daezen.

"Yup, sissy! Nasira kasi glasses ko nung naglilinis ako ng bahay." tugon nito sa kausap.

"Ha? Paano nangyari yun, eh naglilinis ka lang naman?" nagtatakang tanong ng isa pa nilang kasama na si Junhie.

"Syempre kapag naglilinis madaming ginagawa. Pupwedeng yumuko sya at nalalag yung salamin nya. Iisip-isip din minsan Junhie." pambabarang sagot ni Yuchan.

"Hmp. . Nagtatanong lang naman. Malay mo mali ka din."  nakahalukipkip na sagot nito.

"Uy, uy, uy. Tama na 'yan, mamaya magsabunutan na naman kayo!" panunuway ni Daezen sa dalawa.

Napatawa naman si Krissa, dahil kung titignan ang dalawa, hindi mo maiisip na magbestfriend sila.

"K! Bakit pala blue pa yang contacts mo?" tanong na naman ni Junhie.

"Ayan ka na naman!!" saway sa kanya ng bestfriend nya.

"Bakit ba?!! Gusto kong malaman eh!" singhal nya sa katabi

"Maganda ba? Matagal ko na kasi gustong itry to eh!" pabeautiful nyang ibinaling ang mata nya isa-isa sa kanyang mga kaibigan. Hanggang mapansin nya ang nakatitig sa kanya ang nanahimik na kaibigan.

"Oh, Qri bakit? maganda ba?" pagtatanong nya dito habang patuloy pa din sa ginagawang pagpapacute.

Napatingin ang tatlo pa niyang kaibigan sa kanila pero mas natutok ang tingin nila sa kausap nang mapahilig ang ulo nito na wari bang nag-iisip.

"K?" usal nito.

"Hmm..?"

"If you are wearing blue contacts, do you see everything in blue?" tanong

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Idiot or Genius?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon