Prolouge

4 1 0
                                    

Isang payapang hapon ang natunghayan ko sa aking pagdating dito sa probinsya. Dito ako nagbabakasyon kapag summer at madalas din kami rito tuwing Christmas break. Nakasanayan ko nang maglakad mag-isa at mag muni-muni dito sa dalampasigan. Dito ako palagi kapag napaparito kami at wala nang ginawa buong maghapon kundi ang pagmasdan ang papalubog na araw. Ang paborito kong tanawin.

Nakaupo ako ngayon sa isang kubo kung saan madalas kong tambayan. At hanggang ngayon, nandito pa rin itong kubo. Matibay pa rin na kahit ilang bagyo na ang nagdaan ay hindi pa rin nasisira. Ang mga pasilyo ay gaya ng dati pa rin. Matitibay na puno ng kawayan ang gamit. Ang mga upuan at lamesa ay gawa rin sa kawayan.

A life with a sun setting and rising is giving me so much peace. A peace that conquers everything.  When I am down on my knees and have nothing to carry on, there's the sun. It reminds me of more opportunities. Now that I finally realize that I am getting old, I think of old  opportunities before that I ignored just because I do not have the confident and urge to do so.

I still remember when I was in elementary, I supposed to be in a Science competition but I declined because my classmate belittled me for having a 7 out of 10 score in a Science quiz. I am known to be a Science buff. Palaging sumasali sa mga Science competitions and always bagging home the champion awards. Best in Science nga ako palagi sa klase, e. But because of a sudden kiddie argument, biglang naglaho ang lahat.

"Rajiah Coleen Villareal...7...out of 10." My teacher annouced na agad naman pinagtawanan ng classmate kong si Ellie. Nilingon ako ng mga classmates ko at gulat sa aking score. Ngayon lang 'to. I got embarassed so I remained quiet.

"Akala ko ba magaling ka sa Science? Eh ano ka ngayon,  may mababa kang score? Nye nye!" si Ellie, ang maldita kong kaklase.

Matalino si Ellie pero ayaw ko sa ugali niya, bully kasi siya. Ilang classmates na namin ang napaiyak niya. Hindi ko lang pinapansin dahil ayaw ko ng gulo. Kilala ako sa klase bilang tahimik at mabait because that's how it should be. Being polite and good student.

Ayokong mapunta sa guidance office at mapatawag ang parents. Pero sa ngayon, punong puno na ako. Hindi ako nakapagtimpi kaya tumayo ako at hinarap siya. Gulat ang mga kaklase dahil sa biglaang pagtayo ko.

"Anong pake mo, Ellie, e ngayon lang naman ako nakakuha ng ganiyang score, ah? Bakit ikaw, noong naka kuha ka ng score na mas mababa pa sa 7, ginanyan ba kita? Hindi naman, diba?" Panunumbat ko agad. Busangot ang mukha niyang nakatingin sa'kin at ang mga classmates naman ay naghihiyawan at nagtatawanan na. Tiningnan ko ang teacher at.... nakahalukipkip sa harap.

"Booooo..."

"Huwag kasing pabida minsan. Halatang ayaw mo malamangan, e..."

"Wala ka na, Ellie!"

Ang mga maririnig na salitang binabato kay Ellie. Naaawa na ako sa kaniya pero... ginalit niya ako kaya tama lang 'yan! Sumosobra na siya, nakakarindi rin ang boses. Ngayon naiiyak na siya habang nakatingin sa sahig at hindi pa rin natatapos ang tawanan ng mga kaklase.

"At least, mas mataas ang nakuha ko sa'yo...Bleeeh!" Biglaang sabi niya sa'kin. What's new? Ganiyan naman siya palagi. Dapat siya ang nangunguna sa lahat. Well, me? I don't care, though. Wala akong time makipag compete sa mga taong makikitid ang utak. Lalo na sa isang ito...

"Ang score ko na 'yan, pinaghirapan ko. Unlike you, I saw you cheating...with...Lawrence," hindi ko na napigilan, which is actually true. Nagulat ang buong klase, pati si teacher sa harap. Agad kong narinig ang mga bulungan.

"Buti nga sa kaniya!"

"Why don't you just admit it, Ellie maldita?" at marami pa.

"Everyone, silence!" ang boses na umalingawngaw sa buong classroom. Natahimik ang lahat at bumalik ang lahat sa dati na kanina ay nagkanda letse letse. Umupo na rin ako at hindi na nagsalita. Nilingon ko si Ellie at galit ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Glimpse of the Sun Where stories live. Discover now