ENTRY #37 - [Jealous Part 1]

6.8K 202 7
                                    

ENTRY #37 - [Jealous Part 1]

"Mia, okay lang ba talaga 'tong damit ko? Hindi ba parang masyadong maiksi?" Nag-aalangan kong tanong kay Mia habang paulit-ulit kong sinisipat ang itsura ko dito sa salamin sa kwarto ko.

Sumulyap niya sakin sandali. "Oo naman 'no! Wala kabang tiwala sa taste ko?" Aniya bago bumalik ulit sa paglalagay ng make-up sa sarili niya.

Napangiwi ako. "Err.. Hindi naman sa ganon.. kaso parang sobrang iksi naman yata 'nitong skirt ko." Sabay hila ko dito ng bahagya pababa.

"Ano kaba girl! Ang ganda kaya. Bagay na bagay sayo. Besides, you don't have to worry kasi hindi lang naman ikaw ang nagsusuot ng ganyang damit doon. Baka nga mas maiksi pa yung iba sayo eh." Komento naman ni Scarlet pagkalabas niya palang ng banyo ko pagkatapos niya maligo.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa salamin. Siguro naman dapat akong maniwala sa mga taste nila diba? Sila kaya yung mga fashionistas sa school namin. Nakasuot kasi ako ng red tank top at superrr mini skirt. Pinahiram 'to sakin ni Scarlet dahil ganito daw talaga kalimitan ang sinusuot sa mga bar. Si Mia na mismo ang pumili nito mula sa mga damit na dala ni Scarlet dahil yung mga damit ko daw ay medyo luma na at hindi na bagay sa occasion. Dapat daw kasi mag-stand out ako. Huwag daw akong magpapalamang doon kay Andrea dahil di hamak na mas maganda naman daw ako sa kanya.

Napa-iling nalang ako. Paano naman kaya mangyayari 'yon? Eh umpisa palang lamang na talaga siya sakin eh, kasi nasa kanya na si Xander.

I sighed at the sight of my reflection on the mirror. You can't have him now, Xhyril. Kahit anong gawin mo, hindi na siya mapapasayo kasi may iba na siyang gusto. And that is all your fault. You pushed him away kaya magdusa ka ngayon!

Umiling-iling ako. No.. no.. hindi pwede. Hindi pwedeng basta basta nalang siyang mawala sakin. Hindi ako makakapayag na mapunta na naman siya sa iba ng wala akong ginagawa. Ilang beses na akong nagparaya, kaya ngayon hindi na pwede. I need to fight for him. I need to make him love me again. Selfish na kung selfish pero kailangan niya ulit akong mahalin kahit na anong mangyari. Kahit na tanggapin ko pa yung offer ni Nate para pagselosin siya! I promised myself, pero naputol ang pag-iisip ko ng bigla nalang akong hilahin ni Mia paupo sa kama ko.

"Hindi ka matatapos diyan kung buong magdamag mo lang tititigan ang sarili mo sa salamin, Isay. Come on, I'll put you some make-up."

I just bit my lower lip at hinayaan ko nalang siya sa kung anong gagawin niya sa mukha ko. Si Scarlet naman ang nag-ayos ng buhok ko. Ganito ba talaga kapag pupunta sa bar? Kailangan talaga ayos na ayos? Grabe naman!

Tinawagan ulit kasi ako ni Andrea kanina. Sinabi niya na imbis na pool party, napagkasunduan nila na sa bar nalang ganapin yung welcome niya para wala na masyadong hassle at boring. Gusto ko nga sanang mag-back out pero pinigilan ako nila Mia. Wag daw akong bitter. Haaaaaay!

Hindi ko alam kung gaano katagal nila akong inayusan dahil hindi ko na namalayan nandiyan na pala si Nate. Siya kasi ang susundo samin papunta sa Highlights (bar) kasi invited rin naman siya.

Napangiti ako ng makita ko ang paghanga sa mga mata niya habang sinisipat ang kabuuan ko.

"Ang ganda niya 'no?" Proud na tanong ni Scarlet kay Nate.

"Sobra. Sobrang ganda." Halos wala sa sariling saad niya.  Mia and Scarlet giggled. Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Totoo ba?

Pabiro ko nalang siyang hinampas. "Bolero! 'Lika  na nga!" Yaya ko sa kanila para pagtakpan ang hiyang nararamdaman ko.

Halos puno na ang parking lot ng Highlights ng makarating na kami. Past 8 na kasi kaya parami na ng parami ang tao sa resto-bar. Sinabi sakin ni Andrea na magdi-dinner daw muna kami bago umakyat sa mismong bar nitong Highlights.

Ugly Princess turns to be a Pretty DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon