9. Never get Away

160K 4.7K 324
                                    

9. Never Get Away


3rd Person's POV


"Ano?! Pinakilala mo siya agad-agad?" Arthur ignored what Toffer has told him. Hindi niya alam kung anong irereact niya sa mga nangyayari ngayon. He wanted to laugh because he actually did what his other friend suggested him to do. Ganun din daw kasi ang ginawa ng babaeng nabuntis nito sa kaibigan niya at naging successful naman ito dahil siya nakaatras. That happened to his friend named Derrick. And yes, he filed a case against Scarlett. Hindi nga niya lang iyon binanggit kay Toffer dahil gusto niya itong sarilinin.

"Sira ulo ka. Hindi ba pwedeng ipaliwanag muna sa kanya bago mo isinabak sa gyera?" tanong ni Toffer nung hindi niya pinansin ang sinabi nito.

He placed his pen over the desk and eyed him emotionlessly. "You can't understand the situation, dude. Umayaw siya sa agreement namin at pumirma siya kahit na hindi niya naman pala binasa ng buo yung kontrata."

"Kahit na. Mali pa rin e. Dapat nilinaw mo pa rin sa kanya ang lahat."

Nailing nalang si Arthur. May ugali kasi siyang 'know it all'. Siya yung tipo ng taong perfectionist pero hindi naman niya kayang tumanggap ng pagkakamali. He can be an egocentral person sometimes. That's what makes him.

"Ngingisi-ngisi ka dyan, Arturo. Sa ginawa mo--" tumayo sa pagkakaupo sa seat si Toffer saka ito dumukwang sa desk para tapunan ng nakakaasar na tingin ang kaibigan. "-- hindi mo na mapapapayag si Scarlett na maging mommy ni Venice. Loko ka. Idadaan mo pa sa sindak."

He closed his laptop and threw his friend a stern look. Kung asaran lang naman ang pag-uusapan, magaling dyan si Arthur. Mabilis kasing mag-process ang utak niya sa mga logical situation. Yun na nga ang hobby niya simula pagkabata niya. Poor him who did not enjoy his childhood.

"Chicks na, naging bato pa. Oh, saan ka makakahanap ng papantay sa itsura nun ni Scarlett? Malamang 'di na yun magpapakita sa'yo."

He pasted a devilish smirk across his face before he shrugged his shoulders in a cool way.

"She can run but she can never hide from me. There's no other way to get away because she's stuck with me."



SCARLETT


Nanginginig ako sa takot nang marinig kong bumukas ang pinto. Rinig na rinig ko yung pagpasok ng kung sinumang taong iyon sa kwarto ko. Sh1t talagang buhay 'to! Napapa-sign of the cross tuloy ako ng paulit-ulit sa ilalim ng kumot ko.

"Alison!" bulyaw nung boses at kasabay nun ay naramdaman ko nalang na naalis ang kumot mula sa pagkakabalot sa katawan ko. Pagmulat ko ng mga mata, nakita kong hawak-hawak ni Emma ang kumot.

Nagngitngit tuloy ako. "Pakyu ka! Tinakot mo ako! Ano, wala na ba ang mga pulis?"

Napakamot siya sa ulo, parang stressed na stressed na sa buhay niya. "Ang OA pala natin, Alison. Iisang pulis lang pala ang naghahanap sayo-"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pagkatapos mo akong panerbyosin-"

"-- at isang abogado." Napanganga ako sa sinabi niya. Abogado?

Natigilan tuloy ako saglit sabay kagat sa ibabang labi ko. Hindi kaya abogado nila Papa? Si Attorney Castillo? Fvck. Mapapauwi na yata agad ako sa Astrid nito!

"Anong itsura ng abogado? Mataba ba na gray na ang buhok? medyo matangkad na may nunal sa pisngi??"

Umiling siya ng mabilis at sumimangot. "Hindi eh. At saka, hindi naman tungkol sa pamilya mo 'to. Ewan ko ba. Sabi nila tungkol daw sa kaso mo."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon