Chapter 2-Danger

29.6K 785 27
                                    

Akari

"Dé javù."

Sunud-sunod na pagsabog ang naririnig namin na ikinataranta ng lahat.

"Anong nangyari?!",ang tanong ni Aichi habang pinagmamasdan ang labas ng eskwelahan na patuloy nasusunog dulot ng mga pagsabog.

"May narinig akong mga pagsabog!",ang sigaw ko.

Nakita kong nagsitakbuhan ang mga classmate ko sa sobrang takot at inirapan naman ako ni Kira.

"You're so stupid! Tinakot mo ang mga hamstrung!",ang sabi ni Kira sabay irap. 

"Pagalitan mo man o hindi magsisitakbuhan talaga ang mga hamstrung! Tumingin ka nga sa labas,Kira!", ang sigaw ni Seiji.

At makikita ang mga halimaw sa labas.

Pero nagulat ako nang makita kong binuksan ni Sakura ang bintana. Don't tell me pupuntahan pa nila yung pinangyarihan ng pagsabog?! 

"Akari tumakas na kayo!",ang sabi ni Sakura.

" Anong bang sinasabi mo jan?! Tatakas tayo! At hindi lang ako ang tatakas!",ang sermon ko kay Sakura.

"Akari! Wag matigas ang ulo mo! Tumakas ka na! Sundin mo na lang kami!", ang sigaw ni Aichi.

"Hindi ko kayo iiwan! Mapanganib sa labas! Kailangan niyong magtago!",ang sigaw ko sa kanila.

"Kung gusto mong magtago, ikaw na lang! Hindi kami isang duwag katulad mo!",ang sigaw ni Kira at naunang tumalon sa bintana.

"Kira!",ang sigaw ko dahil tumalon siya sa mula bintana eh kaso nasa third floor kami.

"Ayos lang siya! Akari! Tumakas ka na!", ang sigaw ni Aichi at tumalon rin ito sa bintana .

"O paano susunod na ako sa kanila?",ang sabi ni Sakura at tumalon rin ito sa bintana.

Susunod na sana si Seiji ng hawakan ko ang kanyang kamay.

"Seiji mapanganib sa labas! Baka mapahamak ka!",ang sabi ko rito at nagsimula ng tumulo ang luha ko.

"Kaya na namin 'to. Wag kang mag-alala di kami ordinaryo.", ang sabi ni Seiji at kumalas siya sa pagkakahawak ko at tumalon rin ito sa bintana..

"Seiji mapanganib sa labas!",ang sigaw ko at medyo nakahinga nang maglanding ng matiwasay si Seiji mula sa third floor.

Wala na akong nakikitang mga estudyante at school personnel sa paligid dahil malamang nauna na silang tumakbo. 

Napabalik ang atensyon ko sa bintana  at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nakita kong haharapin nila ang higanteng alakdan na parang sa isang tingin ay kaya kang pisain sa hampasan lang.

"Seiji bumalik kayo rito!",ang sigaw ko.

Magkahalong kaba at takot ang aking nararamdaman. Masyado atang malakas ang loob nila. 

Kahit gaano pa kalakas ang aking pagsigaw ay hindi sila nakikinig nilabanan nila ang higanteng alakdan.

Nabasag ang mga salamin ng bintana kaya naman napatakbo ako palabas ng classroom. Napasigaw ako sa sobrang takot dahil sa mga nagtatalsikang bubog. 

Napatingin ulit ako sa labas at nakitang tatama sa pwesto ko ang buntot ng alakdan. 

"Tulong!", ang sigaw ko at nagulat ako ng may isang liwanag na pumigil sa pagtama ng buntot ng alakdan sa akin. Agad nawala ang buntot nung alakdan sa harap ko at agad akong tumakbo pababa ng  classroom. Habang tumatakbo ako sa hallway ay nakikita ko ang patuloy na pagsabog.

Nakakasalubong ko rin ang mga nakahandusay na katawan ng mga estudyante. Kaya naman tinulungan ko yung mga estudyante na may malay pa at buhay pa. 

Chikara Academy [COMPLETED AT DREAME]Where stories live. Discover now