(Ito ay para kay Vanessa Jale Cruz)
-Ako nga pala si Vanessa Jale, 13 years old nandito kami ngayon sa Hospital may sakit kasi si mama. Habang nanunuod kami ng tv. Ndi ko na namalayan na nakatulog na sya, ganon narin ang ginawa ko natulog na lang ako sa sobrang puyat sa pagbabantay kay mama.
-
Maya-maya ay na alimpungatan ako nakita kong bukas pa ang tv. Parang yung pag madaling araw wala ng palabas ganon. Pinatay ko na ang tv.
Habang naglalakad ako ay nagtanong ako sa isang nurse kung saan yung CR at itinuro naman nya iyon sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng may parang nakaputing damit at mahabang buhok akong nakita ngunit hindi ko lang iyon pinansin, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Papunta ako ngayon sa CR dahil naiihi na ako, binuksan ko ang ilaw at pumunta sa isang cubicle, pagtapos ay naghugas ako ng kamay, pagbukas ko ng gripo ay may kulay pulang likido na dumapo sa aking mga kamay, hindi ko na napigilang sumigaw at tumakbo.
Habang tumatakbo ako ay may humahabol sa akin na babae, mas lalo ko lang binilisan yung takbo ko wala na akong pakialam kung madapa pa ako, nagkikislapan na yung mga ilaw, nakita ko yung nurse kanina at bigla ko nalang niyakap sa sobrang takot ko, akala ko ay tapos na pero pagtingin ko sa mukha ng nurse nayun.........
"Whaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!" Napasigaw nanaman ako sa takot ng makita ko ang nakakasulasok na amoy at nakakadiring muka ng nurse na iyon.
Tumakbo na ako papunta sa kwarto ng hospital na hinihigaan ni mama at napayakap na lang ako at nakikita ko ang nurse na palapit na sa akin at biglang bumukas ang tv at may lumabas na isang nakakatakot at gumagapang nababae, umiiyak na ako sa takot dahil napakalapin na nila at......
-
"Vanessa!!! Vanessa!! Gumising ka!!" ng marinig ko ang boses ni ate Yumi ay iminulat ko na ang aking mata at niyakap sya.....
_________________________________________________________________________________________________________________
Hello mga wattpader... Sana ay nagustuhan nyo ang istoryang ito. Ito ang una kong ginawang storya na Horror. Maraming salamat sa mga nagbasa ng storya ko.
Please Vote and Comment.
Thank You!!