Chapter 2

31 2 0
                                    

FLASHBACK----

"Happy New Year Bryan" text ko kay Bryan na Ultimate Crush ko simula 2nd Year High School ako. Oh diba 2 years na.

Lagi akong kinikilig pag nagrereply siya sakin. Kasi madalang siya magreply e.

"Happy New Year din" reply niya. Tuwang tuwa ako at nagreply na siya.

"Kumusta kana? Kumusta Lovelife?" ang bilis ko ano? Well ganyan ako e. Pasensya kayo.

"Ok naman ako. Ah. Lovelife? Wala pa ko nun! Ikaw kumusta?" reply niya.

"Ah ito ok naman ako. Pero may nililigawan kana ba?" agad kong reply sa kanya.

"Ah. Meron" reply niya.

"Ah. Ok" yan lang ang reply ko sa kanya.

Grabe sobrang sakit. Kung kailan pa naman New Year saka ko pa malalaman na may nililigawan siya. Grabe ang sakit. Ang sakit sakit.

Then after that sh*t conversation, nagstatus ako sa Facebook.

"Ouch! Grabe. Sobrang sakit"

Then nagsunos sunod na ang likes. At may mga nagcomment.

"Oh bakit?"

"Ano nangyari?"

"Sino may gawa?"

Yan yung mga comments nila. Pero di ko na muna nireplyan. Wala ako sa mood.

----END OF FLASHBACK----

Si Bryan yung laman ng GM ko. Si Bryan na Ultimate Crush ko. 2 Years na. Ang galing galing kasi niya. Lalo na pag naggigitara. Matalino pa. Gwapo pa. Mabait. Oh diba wala ng hahanapin pa sa kanya.

-
-
-
Maya maya may nagreply.

"Hello" unknown number. Siya yung nagtext sa akin ng Happy New Year. Tapos nireplyan ko. Tapos nung nireplyan ko, hindi na siya nagreply. Siya pa nga yung sinabihan ko ng weird diba? Hahaha

"Hi" reply ko.

"Ano pangalan mo? At ilang taon ka na?" reply niya.

"I am Kath Grande. 16 years old. Ikaw ano name and age mo?" reply ko sa kanya.

"Ako nga pala si Deejay Gray. 17 years old." reply niya.

"Ah. Ok!" reply ko. Hahaha maiksi ba? Well medyo tinatamad e. Tsaka ngayon ko lang ito nakatext. Tsaka di rin naman kami close and di ko pa rin siya nakakatext before.

"Saan ka nakatira?" tanong niya.

"Lucena City. Ikaw?" sagot ko.

"Quezon City ako" reply niya.

"Ha? Quezon City. Ang layo mo naman. Paano mo nakuha number ko? Paano napadpad dyan sa Quezon City ang number ko?" tanong ko.

"Easy ka lang. Calm down. Nakita ko kasi sa dati kong sim yung number mo. Tapos yung number mo walang name tapos kinuha ko then tinext kita" reply niya.

"Ha? E wala naman akong katext na Deejay Gray dati." sagot ko.

"Ewan ko. Basta nakita ko lang number mo sa dati kong sim tapos tinext kita. Yun lang. Promise. Nagsasabi ako ng totoo." reply niya.

"Ok. Ok." reply ko.

Ugh. 12pm na pala. Lumabas na ako ng kwarto at biglang....

"Oh Nak andyan kana pala. Tatawagin palang sana kita e." wika ni Mama na sobrang bait.

"Thanks Ma. Love You" nakangiting sabi ko kay Mama.

"Your Always Welcome Nak." sagot ni Mama.

"Sige na po. Tara na kain na po tayo ng Lunch." wika ko.

At kumain na kami ng aming Lunch. Sarap talaga magluto ni Mama. Dabest.

DEEJAY POV

Nakatext ko na si Ms. Unknown Number. Ngayon kilala ko na siya. Kath Grande name niya at taga Lucena. Medyo malayo. Haha. Pero parang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing magrereply siya sa akin. Parang sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Napapangiti pa niya ako. Hindi ko alam kung bakit. Ang bilis naman nitong pusong ito. Oy ngayon lang kayo nagkatext. Wag kang OA Deejay. Kakatext niyo palang ngayon.

"Ok. Ok." reply niya.

Parang biglang kumirot yung puso ko sa last text niya. Parang tamad na tamad siya sa akin.

12pm na pala. At wala akong gana kumain. Gusto ko katext si Kath. Kaya tinext ko siya. .

"Kumain ka na ba ng Lunch" text ko sa kanya.

Makalipas ang ilang oras. Wala pa ring reply sa kanya. Ayoko pa rin kumain. Gusto ko magreply muna siya bago ako kumain. And exactly 3pm na. Wala pa rin siyang reply. Bat ganun?

"Maghihintay ako Kath" wika ko sa sarili ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Long Distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon