It was already afternoon when Kaloy bought me to a plaza near Sto. Tomas' City Hall. Matapos naming mag-museum at kumain, dumiretso kami sa isang maliit na zoo sa lugar. The animals are so cute and friendly. Nakakatuwang lapitan at amuhin dahil nagpapaamo sila.
Kaloy even laugh at me when a sea lion splashed waters and it went to me. Kung hindi ko pa sasamaan ng tingin, hindi pa ako tutulungan.
I was panicking earlier. Wala kasi akong pamalit ng damit pero, nagpapaka-alpha kid si Kaloy.
"Madam, ever-ready ako d'yan," sabi niya at binuksan ang dala niyang backpack. I watch him look for something until he glanced at me and smiled. Hinawakan niya ang kamay ko at namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng banyo na nasa zoo.
"Mukhang basang sisiw na ang madam ko kaya, tada!" aniya bago inilabas ang isang shirt mula sa backpack niya.
"Bakit ka may ganiyan?" takang tanong ko at inabot ang shirt na binibigay niya. Ngumisi sa akin si Kaloy.
"Siyempre, madam ko ang kasama ko kaya dapat, lagi akong handa. May mga dala nga rin ako ditong napkin, shorts, underwe—"
"Kaloy!" saway ko at lumingon sa paligid. "Ang lakas ng bunganga mo," sabi ko pero, hindi maipagkaila ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Bakit? Totoo naman ah, tingnan mo," sabi niya at ipinakita sa akin ang laman ng backpack niya.
May bimpo, nakatuping shirts and shorts, bottled water, payong, maliit na bag na parang first aid, at... oo nga, may mga necessities siyang dala.
Hanggang nasa plaza na kami, hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa ni Kaloy. Hindi ko naman alam na gano'n pala ang laman ng backpack niya. Akala ko, pagkain at tubig ang laman pero, hindi ko naman in-expect na maglalagay siya do'n ng gano'n. It was so thoughtful of him.
"Madame, gusto mo no'n?" Naputol ang pag-iisip ko nang marahang hawakan ni Kaloy ang braso ko at nakita kong may tinuturo siyang isang stall na nagbebenta ng kalamares, proben, at chicken skin. My mouth instantly salivated.
"Tara na, madam. 'Wag mo na palang sagutin 'yong tanong ko," sabi niya at hinawakan ang kamay ko bago ako nilingon. "Ako na lang sagutin mo," aniya at kumindat pa.
What the hell, Karion Lorenz?
"Manong, magkano po?" tanong ni Kaloy habang inabala ko ang sarili ko sa paglibot ng paningin sa lugar.
Malawak ang plaza, may statwa ng isang bayani sa gitna at may mga upuan na nakalagay kahit saan. May malaki at mataas na stage katapat ng statwa at sa kabilang dako ay may fountain.
It was so beautiful. The place is also clean. Gaya ng karamihan sa lugar dito sa probinsya, marami ring puno dito kaya naman malakas ang hangin at sariwa.
"Madam, ito oh." Lumingon ako kay Kaloy na hawak na ang biniling chicken skin, at proben na parehong nasa isang plastic cup habang ang kalamares ay nasa stick pa. May hawak din siyang plastic cup na may lamang suka at dahil natatakam ako, agad na akong tumulong.
"Salamat po, manong!" sabi ni Kaloy bago kami umalis para maghanap ng mauupuan. Sakto namang nakahanap kami ng bakante sa ilalim ng isang puno.
Inilapag ni Kaloy sa gilid ang dalang backpack bago siya naupo. Kinuha niya sa akin ang hawak ko at inilapag sa gitna namin. I sat on the other side, watching him pout before looking at me.
"Bibili pala muna ako ng inumin, madame. Anong gusto mo? Tubig o juice?"
"Juice, okay lang?"
Kaloy nodded and stood up. "Bili lang ako, d'yan ka lang," bilin niya. Tumango ako at pinanood siyang maglakad palayo.
Nang maiwang mag-isa, maraming bagay ang pumasok sa isip ko. As I roam my eyes around the place, I realized how long it has been since I felt the peacefulness. Whenever I'm with my family, I always feel at peace but, my field of work aren't allowing me to be with them all the time. I also find peace on people who supports me but I know, I shouldn't rely on them.
Ngayon, malaya akong magpahinga. Malaya akong gawin ang mga gusto ko. Malayo ako sa mapanghusgang mata ng mga tao. Malaya ako.
Also, the fact that there's someone who brings peacefulness to me. There's Kaloy who's taking care of me right now. I'm more than contented.
"Madam ko!" His cheeful voice filled my ear. Inangat ko ang tingin ko at natuon 'yon sa kaniya na palapit sa akin. He has that charming smile on his face while waving at me.
It sounds cliché but, everything slowed down. Siya lang ang nakikita ko, walang iba. Blurred ang nasa paligid niya, tanging sa kaniya lang nakatuon ang mata ko.
Kaloy managed to bring happiness to me. He managed to enter my life and be part of it. He managed to become important to me.
Karion Lorenz is important to me.
"Ito na 'yong juice ng madam ko!" masayang sabi niya at inilapag ang hawak na bote ng juice sa gitna namin. Inilapag niya sa tabi ng juice ang bote ng softdrinks na para sa kaniya.
"Pasensya na't natagalan. Ang dami kasing nabili do'n sa may tindahan sa malapi—"
He stopped talking and just stared at me, wide-eyed. His cheeks has a visible blush. He looks so freaking adorable and I suddenly had the courage to go and pinch his cheeks.
"So cute," I softly said and smiled at him.
Sumubo siya ng isang chicken skin habang nakatingin sa akin, tulala pa rin. Namumula pa rin ang pisngi. Nanlaki na lang ang mata ko nang sunod-sunod siyang sumubo ng chicken skin. Kinuha niya ang isang plastic cup na may lamang suka at ininom.
"What the hell, Kaloy?" gulat na tanong ko. He continued to gulp on the plastic cup containing vinegar. I can't help but feel the flow of it in my throat even though he's the one drinking it.
Naubos na ang suka sa plastic na baso at tinapon niya 'yon sa basurahan malapit sa amin. Nagmadali naman akong buksan ang softdrinks niya at inabot sa kaniya.
"Uminom ka nito," sabi ko at tumayo para lapitan siya at painumin. "Bakit mo ba ininom 'yong suka? Sawsawan natin 'yon sa pagkain eh tapos iinumin mo!" pananaway ko.
Kaloy sighed and stared at me. "Bakit naman kasi nanghahalik ng pisngi, madam? Ano namang laban ko do'n?" tanong niya.
I stared back at him and chuckled. Kaloy's reactions amuse me very much. I don't know if I'll consider myself lucky right now that I could get to see his adorable side.
"Kain na tayo, ikalma mo 'yang puso mo," I winked at him but, my smile faded when he suddenly fainted.
BINABASA MO ANG
Alluring Glances (Soaring Courage #1)
RomanceSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...
