"THE CAMPUS BULLY FELL INLOVE IN A TRANSFEREE"
PART THREE
KAIRO POV.
Inis kong iniwan sila Ethan sa canteen, Nag lalakad ako ngayun sa hallway papuntang room, Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa nangyari nakaka badtrip!.
Nakaka bwisit Ang babaeng iyon, Hindi ako papayag na hindi makaganti sa kaniya, bwisit!, Ano kayang magandang iganti sa ka-
Napatigil ako sa pag iisip. Kunot nuo Kong tinignan ang babaeng nasa harap ko ngayun.
"Hala! Patay!"
"Yari kana"
"'Di ka kasi nag iingat eh"
"Pakineng shet may iiyak nanaman" kanya kanyang hiyawan Dito sa hallway Ng matapunan ng Isang babae Ang polo ko ng water.
"I-I'm sorry k-kairo" Halata na sa boses nito Ang Kaba, Ang mukha niya ay 'di mapinta.
Bwisit! Bwisit! Bwisit! Ang sama talaga Ng Araw ko badtrip!.
"Hindi Kaba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Inis kong tanong, napayuko Siya.
"I-I'm sorry, I-I'm sorry" Napapikit ako sa inis, naalala ko si Avyanna.
Mas Lalo akong Naiinis dahil nakikita ko Ang mukha niya sa isip ko, ng gigigil ako sa twing maiisip ko Ang mukha niya.
Bakit Hindi ka natatakot sakin? Antapang tapang mo Akala mo naman malakas ka! Eh ang- muling Naputol Ang iniisip ko, naisip ko Ang pag suntok niya, napahawak ako sa labi ko, Bwisit! Bwisit!, Paano niya nagawang sumuntok Ng ganun? Babae ba talaga Siya!
"Bwisit!" Sigaw ko, tinignan ko ng masama Ang babaeng nasa harap ko. "Umalis kana habang nag titimpi Pako baka Anong magawa ko sayo!" Sigaw ko dali dali Naman siyang tumakbo.
"Oh my ghod, Galit na talaga siya"
"Buti nalang talaga umalis na Yung babae, nakakaawa"
"Hinaan niyo yung boses niyo baka marinig tayo" Bulong Ng mga estudyante na kuyom ko Ang kamao ko, sinamaan ko sila Ng tingin Dali dali Naman silang umalis. Bwisit! Pabulong bulong pa rinig ko Naman.
Dali dali akong nag lakad at nag tungo sa locker para kumuha ng extra polo, napahinto ako sa aking ginagawa Ng biglang may marinig akong Isang pamilyar na boses.
"Kaloka teh, Galit na Galit daw Ang Kairo kanina Ng iwan mo sa canteen" bulong Ng Isa, bading! Nag tago ako sa likod Ng locker ko para di nila ako Makita.
"Tch!"
"Ang tapang mo yanna, alam mo bang ikaw lang Ang nakagawa Kay Kairo nun"
"Talaga? Ang angas ko pala" sagot Naman ni Avyanna, angas pala huh, Humanda ka sakin.
"Hindi ka manlang ba natatakot sa kaniya?" tanong ulit Ng boses bading.
"Tch! Bat Naman ako matatakot?" kumunot Ang nuo ko. "Sa payat niyang Yun matatakot ako sa kaniya?, Psh! Hindi pa pinapanganak ang taong dapat Kong katakutan" tang*Ina Ang yabang Ng babaeng toh ah.. bwisit!
"HAHAHA" sabay sabay silang nag tawanan.
"Nakuha niyo na ba Yung libro niyo?" Maya Maya ay tanong ni avyanna.
"Oo, Tara na" rinig kong sagot Naman nila
"Teka..bakit mo inilalagay Yan? Iiwanan mo lang diyan?"
"Wala namang kukuha niyan, Baka mawala eh, Ang liit liit pa naman Ng bag nayan"
"Ang cute nga eh"
"Psh!, Tara na baka malate na tayo" Narinig ko Ang pag sara Ng locker, ilang minuto Muna akong nag stay ruon saka lumabas sa pag kakatago...