What?!

4 0 0
                                    

Pagkauwi namin sa bahay nagtanong tanong na ang aking mahal na kambal kung ano daw name ni crush syempre alangan namang itago ko pa eh alam na niya kaya ayun sinagot ko na ang mga tanong niyang walang sense.


"Austin Jake? Hindi mo alam ang last name niya ? pano ka ba magka-crush?!! pangalan lang ?!"

"Grabe ka naman !! Siyempre hindi pa naman ultimate crush, saka di naman ako obsessed. Nagwapuhan lang. At isa pa Kath, para namang magkakagusto sakin yun kapag nalaman ko yung buong pangalan niya."

"Malay mo naman ! wala ka talagang bilib sa sarili mo no baliw ka talaga !! Mag diet ka na kase !!"

"Pag sexy ba magugustuhan na ko nun ?! Hindi lahat ng lalake nagmamahal ng sexy !"

"Edi humanap ka ng magmamahal ng Chubby !"

"Hoy Kath sobra ka na ah !!"

"Joke lang eto naman ! Pinapagaan ko lang loob mo"

"Sa ginawa mo nakatulong ba ?!"

"Sorry na .."


Ni-hug niya ko, syempre niyakap ko rin siya, alangan namang pakipot pa ako nag sorry na nga eh diba .


"Anyway, Cute sana siya kaso sinayang niya yung Ice Cream mo."

"Hayaan mo na, gwapo naman. Worth it ang pagsubsob ng ice cream sa ilong ko kung ganun kagwapo lagi ang makakabunggo ko"

"So willing ka pa sa part 2 ?"

"Anong part two pinagsasabi mo ?"

"Duh ! Part two nga 'subsob ice cream sa mukha' moment"

"Baliw ka talaga ewan ko sayo"

"Sus ikaw kambal ah ! pumapag-ibig ka na !! Basta kapag na inlove ka na sabihin mo lang sa akin okay ?"

"Oo na ! Korni mo ah"


After ilang minutes, pumasok siya sa banyo baka naiihi.


Umupo ako sa harap ng Computer desk, pero syempre saktuhan lang yung size nung desk pang laptop lang ganun tapos may isang maliit na drawer at cabinet. Gawa sa kahoy, tugma rin naman sa design ng room namin so ayun nga. Kay kambal kase vanity table ang meron siya, meron din naman desk para sa laptop niya pero maliit lang since yun lang naman ilalagay niya.


So ayun nga, umupo ako at inopen ko yung laptop ko. Nag online ako sa FB at Twitter.


Pag open ko ng twitter, nagcheck lang ako ng trends tapos himala may bagong followers ako, tatlo lang naman.

Tapos sa FB nag check ako ng notifs, marami-rami na rin, pero puro updates lang naman ng status saka post ng photos ng mga di ko ka-close. Nagpunta ako sa news feeds tapos nag scroll . May nabasa akong post:


"Sometimes love is so unfair, the more you sacrifice the more you hurt, and when you've given your best to someone you LOVE it seems not enough."


Mejo ma-drama pero ni-like ko pa rn, baka may pinagdadaanan. Scroll lang ako ng scroll tapos tumitingin ng mga post, tinitignan ko rin kung sinong online at as usual online si Jade. Di ko pinapansin, kunwari nagtatampo ako binuking yung sikreto namin -_-

WoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon