AOP 2.

132 8 1
                                    

"Saan mo ba ako dadalhin?"

Hindi niya ako sinagot at sinakay niya lang ako sa sasakyan niya. May ginawa siya sa seatbelt konkaya medyo nagtagal kami roon. Umikot siya para sumakay 'din. Nag-uusap kami ni Ameera nang bigla niya akong tawagin at hinila. Wala namang nagawa si Ameera kaya hinayaan niya kami. Hindi 'rin ako makawala sa kanya dahil sa higpit ng hawak niya.

"We'll eat." Walang ganang sabi niya.

Umirap ako mula sa kawalan. "Hindi ka man lang nagpaalam sa akin tapos bigla ka na lang manghihila? Pambihira! Bakit ba ako nagpapabaya na sumama sayo?"

Sinubukan kong buksan ang pinto pero may pinindot siya para hindi ko iyon mabuksan. Sinubukan kong kumalas sa seatbelt pero hindi ko magawa dahil maynginawa siya roon para hindi ako makatakas. Napatili ako sa inis.

"Sasama ako sayo pero last na lang ito! Hinding-hindi mo na ako malalapitan!" Tinuro-turo ko pa siya at binantaan.

Tumawa lang siya at kinuha ang kamay kong nakaduro sa kanya para hawakan ito. "As if you can escape from me. I will always find you. Nagawa nga kitang sundan noon, ngayon pa kaya na malapit ka na sa akin?"

Umirap lang ako sa kanya pero sa kaloob-looban ko ay namumula na ako. Hindi ko alam pero merong something sa kanya na natutunaw ako. Alam kong mali dahil unang-una, hindi ko naman siya ganoong kakilala. Pangalawa, para namang sobrang gwapo niya para magkagusto sa akin. Baka naman bored lang siya.

"Where do you want to eat?" Tanong niya. Napansin kong nasa Northwalk kami. Bigla kong naalala na kailangan ko pa lang magtipid ngayon dahil sa malayo ang inuuwian ko at baka maubos ang allowance ko dahil sa pamasahe ko. Bago kasi makarating sa terminal ng school, kailangan ko munang magtricycle para marating iyon.

Sinabihan naman ako nina Papa na kung kulang ang allowance ko ay maari ko namang ipadagdag iyon. Kaya lang nakakahiya kasi. Gusto kong maging isang responsible na anak. Kailangan kong makunteto kung ano ang ibinibigay nila sa akin. Kung kailan kong magtrabaho, gagawin ko iyon!

Pinisil niya ang kamay kong hawak niya kaya napalingon ako sa kanya. "Busog pa ako." Sinabi ko iyon sa kanya para lang hindi na kami kumain pero ang totoo ay first subject pa lang ay namimilipit na ako sa gutom dahil hindi ako nag-almusal.

Tinignan niya ako at nag-iwas naman ako ng tingin. Tinaasan niya ako ng kilay. "Not a good liar."

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Umiling lang ako. "Busog nga kasi ako--"

Napasigaw ako ng kalasin niya ang seatbelt ko at walang sabi-sabi ay pinasan niya ako ng parang sa sako ng bigas. Nagpupumiglas ako pero dahil sa malakas siya ay wala akong nagawa. Binaon ko lang ang mukha ko sa likod niya dahil nang pumasok kami sa napili niyang restaurant ay napalingon ang mga tao sa amin.

Atsaka niya lang ako binaba nang makarating na kami sa uupuan namin. Pinaupo niya ako. Tinignan niya ako atsaka siya umiling. "I thought I'll be suffering from an injury. Ang bigat mo."

Kinuha ko ang nakita kong knife sa may table at tinurok ito sa kanya. Gulat na napatingin siya sa akin. "Leche ka! Sinabi ko bang buhatin mo ako? Ikaw kaya nagdala sa akin dito! Kapal mo ha---hmmp!"

Tinakpan niya ang bibig ko at awkward na tumingin sa waitress. "Sorry about my girlfriend. Uhh, give us the best seller food here. That's all."

Tumatawang umalis ang waitress. Binitawan niya ang pagkakatakip niya sa akin.

"So noisy." Iling niya.

Umirap na naman ako sa kanya. Hindi na ata mabilang kung ilang irap ang nagawa ko ngayong araw na ito dahil sa kanya. At sa tuwing iisipin ko na ilang buwan ko pa siyang makakasama sa school, parang hihimatayin ata ako. Pumangalumbaba ako sa table at luminga sa paligid. Infairness, ang ganda ng restaurant na ito. Pero mukhang mamahalin. Patay na naman ako sa bill ng pagkain.

Nabigla ako nang may narinig akong click. Hinarap ko siya at nakita kong nakatitig siya sa phone niya habang nakangiti.

"Kinuhanan mo ba ako ng picture?! Burahin mo nga!" Inis na sabi ko sa kanya.

"This is not the first time that I took a picture of you. What's the big deal?" Tawa niya. "The feeling when I can take pictures of your beautiful face nearer? Sht." Tawa na naman niya.

Dumating na ang order namin. Takam na takam ako sa pagkain kaya walang sabi sabi ay sinunggaban ko ang mga ito. May mga times na nag-uusap kami ni Cade. Pero mas madalas ay nakikita ko siyang nakangiti at nakatingin sa akin. Napapailing na lang ako at kumakain na lang ulit. Napasigaw ako sa bayaran ng bill dahil umabot ito ng eight thousand pesos. Para gusto kong isuka lahat ng kinain ko para makatakas. Nanghihinayang na kinuha ko ang pera ko sa wallet pero inunahan ako ni Cade at sinabing siya na lang. Hindi na ako pumalaga dahil sabi niya ay dodoblehin niya ang ipapabayad niya sa akin kapag nagpumilit ako.

Bago pa kami umalis sa restaurant ay nakiusap siya sa waitress na kuhanan kami ng picture.

Sa pag-uwi ay sinabi ko na magco-commute na lang ako pero binuhan na naman niya ako at sinakay sa sasakyan niya. Napilitan tuloy akong ituro kung saan ang apartment ko. Mabilis lang ang biyahe kaya agad kaming nakarating.

"Salamat." Nakangiting sabi ko at akmang bubuksan ang pinto nang bigla niya akong pigilan.

"I'll court you." Seryosong sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi pwede. Kakakilala ko pa lang sa akin. Hindi mo man ako kilala ng lubusan at ako 'din. Paano kung nagbebenta pala ako ng kidney, anong gagawin mo?"

Tumawa siya at sumandal sa upuan niya. "Still, I will court you. Well, I'm not asking for your permission. I'm just informing you."

"Basta! Hindi kita ie-entertain. Masyado ka lang nabibigla. Magco-collect muna ako ng manliligaw ko sa campus bago mag-select."

Umiling siya at natawa. "Subukan lang nila. The moment I posted your pictures in the university site. All of the students there knew that you're already mine. Mine alone."

Hinampas ko siya sa braso. "Walang hiya! Possessive! Hindi pa nga tayo eh."

"I'm not yet possessive. Because if I am? I'll marry you NOW. This is my art of possession. Deal with it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Art of PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon