"This is the final boarding call for passenger Mina Bautista booked on flight 5J127 to Puerto Princessa City. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Mina Bautista. Thank you."
"OMG! Bad trip talaga tong traffic sa Metro Manila. Six hours before my scheduled flight nakaalis na ako ng bahay pero malalate ka parin sa flight mo.", bulong ni Mina.
"Hi! I'm Mina Bautista. Here's my plane ticket and boarding pass."paghangos ni Mina habang papunta sa gate 3. May 10 minutes pa siya bago magsara ng tuluyan ang pinto ng aircraft.
"Thanks God! Umabot din!"
Napaisip si Mina sa mga bagay na kanyang iniwan ngunit kailangan nyang umalis upang takasan ang realidad ng buhay at once and for all makapag unwind mag de-stress at hanapin ang kanyang sarili.
"Ladies and Gentlemen we have just landed at Puerto Princessa International Airport, SB Air welcomes you to Puerto Princessa. On behalf of your flight crew headed by Captain Santos with First officer De Dios and the rest of the team, we thank you for choosing SB Air your airline of choice.'', announcement ng cabin crew.
"Puerto Princess here I come!", sambit ni Mina sa kanyang isip ng may pananabik.
Bago umalis ng Manila si Mina ay naka off na ang kanyang mobile phone at deactivated na lahat ng kanyang social media accounts. MAKAPAG-ISIP. Yan ang goal ni Mina ng walang anumang distractions. No incoming calls and text. Walang toxic na social media. TAHIMIK. PAYAPA.
Sa sobrang pagod ni Mina ay dumeretso na siya sa kanyang hotel room. Nagbihis at nakaidlip.
"Uhhhhhhmmm. Anong oras na ba?sambit ni Mina habang kinakapa ang kanyang relos.
"11:45 pm na pala, Nagugutom na ako. Hindi pa ako kumakain simula kanina."sambit ni Mina habang papalabas ng kwarto.
Naisip ni Mina na lumabas na lang at maghanap ng restaurant. Habang naglalakad ay biglang napatingin si Mina sa kalangitan. Maliwanag ang paligid at tanaw niya ang buwan na nangaakit sa taglay nitong kagandahan.
"Woaaah! Ang ganda ng crescent moon!", sambit ni Mina habang naglalakad papunta sa dalampasigan.
Hindi namalayan ni Mina na napaluha siya habang namamangha at nakatingin sa view ng crescent moon. May fascinations si Mina about space,astronomy at favorite niya ang crescent moon dahil sa kamangha-mangha nitong kagandahan at misteryong taglay. Biglang napaisip si Mina sa kanyang mga pinagdadaanan. Nais niyang tumakas at magpakalayo layo ng tuluyan. Mawala na lang o pumunta sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya.
Bigla siyang napaluhod at napahagulhol ng iyak.
"Ama,hindi ko na po kaya. Sobrang sakit na po. Pagod na po akong masaktan. Pagod na po akong magpatawad ng paulit-ulit. Pagod na po akong maging malungkot at maging miserable. Baka hindi ko na po kayanin. Bigyan nyo po ako ng lakas ng loob upang malampasan ko pa ang lahat ng to. Ama, hindi naman po ako masamang tao para maranasan ko po ang ganito. Wala naman akong tinatapakang tao. Bakit ang hirap po maging masaya? Wala na po ba akong karapatang maging masaya? Hindi ko ba deserve ang mahalin? Durog na po ang puso ko. Hindi ko na kilala ang sarili ko.Ayaw ko pong kaawaan ang sarili ko. Masakit po. Gusto ko lang nman pong maramdaman na mahalin din po ako. Hindi na ba talaga ako magiging masaya? Sana Ama sa next life ko maging masaya naman ako.", panalangin ni Mina habang humahagulhol ng iyak.
Sa di kalayuan ay may isang binatang nakahiga sa ilalim ng palm tree. Nakatakip ang libro sa kanyang mukha. Siya si Kai. Single,tall, dark and handsome. Walang sinabi ang appeal at aura ni Ceasar Montano sa kanya.
Nagising si Kai sa hikbi ni Mina. Bumangon siya at sumandal sa palm tree. Narinig niya lahat ang sinabi ni Mina. May kurot sa puso ang naramdam ni Kai habang nakatingin kay Mina. Gusto niya itong lapitan ngunit nag aalangan siya sapagkat batid niya na nananalangin ito.
"Wow!, bulong ni KAI ng may lungkot at pagtataka. Ramdam ni Kai ang bigat ng pinagdadaanan ni Mina.
Nais niya itong makilala.
Tumayo si Mina at pinahid ang mga luha. Agad naman siyang umalis at bumalik sa kanyang hotel room. Napagpasyahan ni Mina na magpa room service na lang ng pagkain for late dinner. Ayaw na niyang maglakad lakad pa dahil namamaga at pulang pula ang kanyang mga mata.

BINABASA MO ANG
Miracle Lovers
FanficMaybe fate brought us together, but only the two of us can keep us together.