Sa pagbukas ng malaking pinto ng simbahan at pagtugtog ng isang malamyos na musika ay kasabay ang pagpasok at paglalakad ng bride papunta sa altar kung saan ang kaniyang groom ay naroon, kitang-kita sa kislap ng mga mata nito ang pagmamahal sa dalaga.
Hudyat naman ito para pumwesto na ako upang kuhanan ng litrato ang tagpong 'yon. Pagkatapos kumuha sa iba't-ibang anggulo ay bumalik na muna ako sa aking upuan. Magsisimula na ang seremonya ng kasal ng magkasintahan. Sandali kong chineck ang mga nakuhaan kong litrato bago tumuon muli sa nagaganap na pag-iisang dibdib ng dalawang taong punong-puno ng pagmamahal para sa isa't-isa.
Napangiti ako nang muli kong tingnan ang mga litrato sa hawak kong camera. Napaka-romantic talaga ng mga ganitong tagpo. Kaya kapag may mga inio-offer talaga sa akin na ganitong mga event ay hindi na ako nagdadalawang-isip na tanggapin.
Alam mo 'yon? Ibang klase ang kasiyahan na nararamdaman ko sa tuwing naka-capture ang mga ngiti sa labi ng mga tao pati na ang emosyon na ipinapakita ng kanilang mga mata.
Sa araw na ito, ang tagpo sa harapan ang nagbibigay ng galak sa akin.
Mahina akong napabuntong-hininga at napaisip. Maranasan ko rin kaya ang ganoong klase ng emosyon sa buhay ko? Kung isang araw ay mangyari nga ang bagay na 'yon, siguradong mag-uumapaw din sa saya ang puso ko.
Ang ideyang ako at ang lalaking mamahalin ko naman ang nasa tagpong 'yon. Pareho kaming mangangako sa sagradong silid na ito na aalagaan ang isa't-isa, mananatil, at sa habang panahon ay mamahalin ang kapareha. Naiiling akong tumawa sa aking mga naisip.
I've been there. We almost, almost had our happy ending.
Muntik ko na ring maranasan ang pangarap ng bawat babae noon. Muntik nga lang.
Minsan na rin akong umibig. Ang akala ko ay siya na ang para sa akin. Ang lalaking akala ko ay ang makakasama ko sa pagtupad ng mga pangarap namin no'n. Well, sabi nga nila maraming namamatay dahil sa maling akala. Noong mga panahon na 'yon, hindi man ako nadeds ng literal, namatay naman ang puso ko dahil sa sakit.
Tsk! Ang gagong 'yon, manloloko pala. Peste!
To think that I trusted him. I thought he's different from other guys and he wouldn't break my heart. My bad.
Ang walanghiya hindi nakatiis sa kakatihan. At sa lahat pa ba naman ng pwedeng kapitan, ang inakala ko din na best friend ko, higad pala sa kakatihan. Naabutan ko silang naglalampungan habang parehong walang saplot ang mga katawan. Ang mga balasubas, sa opisina pa talaga napiling gawin ang kababuyan nila. Ako pa daw ang may kasalanan kaya siya naghanap ng iba, hindi naging sapat.
Bwiset! Sinisi pa ako sa kahayupan niya?! Kapal ng mukha.
Pinagsasampal ko nga at tinadyakan sa ari, mabaog sana. Lalo pang kumulo ang dugo ko dahil sa haliparot kong kaibigan, ipagmalaki ba naman sa akin na pinatulan siya ng ex-fiancé ko. Ang babaeng 'yon, pa-advice advice pa sa tuwing nag-aaway kami ng ex ko tapos pinupuluputan pala ang ang ex ko mula sa likod ko. Kung hindi lang siguro ako pinigilan ng mga staff doon baka naibalibag ko na sa kanilang dalawa ang mga gamit sa opisina niya.
Ay ewan! Magsama silang makakati!
Mabuti na lang at hindi ko isinuko ang Bataan ko sa hudas na lalaking 'yon, walang kwentang tao. Kung tutuusin kulang pa ang mga sampal at tadyak na ibinigay ko sa kaniya kumpara sa sakit na ipinaramdam niya sa akin. Niyurakan niya ang pride ko bilang babae, dalawa sila. 'Yong bagay na 'yon lang pala ang habol niya sa akin, hayop talaga.
Mga walang puso! Mga may makakating ano lang, basta ano! Kainis!
Minahal ko naman siya ng buong puso ko pero hindi pa rin pala sapat 'yon. Napakadali lang sa kaniya na isawalang-bahala ang tatlong taon naming relasyon. Hindi man lang siya nakonsensiya at inisip ang mararamdaman ko.
YOU ARE READING
Happily Ever Aftter
Любовные романыRyan Kyle Colton's story Happily Ever After Kapag kumatok ang pag-ibig sa pintuan ng puso mo, papapasukin mo ba? Sa kaalamang minsan ka na nitong dinurog kahit pa ibinigay mo ang lahat para dito? Handa ka bang sumugal ulit? Dalawang pusong minsan n...