Keith's POV
Hi! Ako si Keith. Dati akong nag-aaral sa ICT last school year. Ngayon, transferred ako ngayon dito sa Holy Angel University. Grabe. Ang laki naman dito. Mahihilo ka sa taas ng building. Mapapagod ka sa layo ng room mo simula pagpasok sa gate. Pero. Salamat sa kanta. Para di nakakaboring maglakad. Haha.
Nang makarating na ako sa room ko. Nakita ko si Carl. Nagulat ako, kasi kaklasi ko siya last school year sa ICT.
"Uy Carl? Dito ka din pala no?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo e" sagot niya.
Akala ko, magiging close kami dahil sa magkakilala na kami. Pero hindi pala. Hindi man niya ako pinapansin. May mga kaibigan na pala siya sa Holy matagal na. Kaya. Hindi ko na rin siya kinausap. Pumwesto na ako sa loob at umupo na. Nang biglang pumasok na si Ma'am, ang adviser namin.
"Okay class! Fall in line outside, kasi magkakaroon na kayo ng proper place for 1st Grading" sigaw ni Ma'am pero hindi galit.
Pumila na kami lahat sa labas ng room at tinawag kami isa-isa. At nang nabanggit ang pangalan ko. Tinabi ako sa isang babae.
Nahihiya ako sa katabi ko. Kasi babae siya. So, gumawa ako ng paraan para lang makita siya. Ang ginawa ko. Tumingin muna ako sa windows. At nakita ko rin siya.
"Woooooow, ang cute naman niya. Gusto ko siyang ligawan. Pero pag-aaral muna ang unahin ko" pabulong kong sinabi sa sarili.
*ilang araw na ang makalipas pero di pa kami close*
"Class. We will have an activity today so get your own Activity Sheet" sabi ni Ma'am
Yung katabi kong babae, si Martha. Yung cute na maliit na chubby. Tumitingin sa paligid at bakas sa mukha na wala siyang Activity Sheet.
"Oh eto." Binigyan ko siya ng isang sheet dahil marami pa naman ako."Salamat ahh" sabi niya
"Wala yun. You're welcome :) ano pala pangalan mo? Sabi ko at sabay tanong sa kaniya.
"Ahh. Ako si Martha. Ikaw?" Sumagot siya. At sabay tanong sa akin.
"Ako si Keith" sagot ko.
Doon nagsimula ang pagiging close namin. Minsan pumapasok sa isip ko, "Bakit di ko siya liwagan" pero ang dahilan ko kaya nagpa transfer ay mag-aral. Kaya, ginawa ko nalang siyang inspirasyon.
Naging close friend na kami at dumagdag ang mga kaibigan namin. Lahat ng barkada ay alam na may gusto ako sa kaniya. Si Martha lang ang hindi.
Isang araw, maaga ang dismissal, half-day kasi nun.
"Tara guys? Sm tayo?" Sabi ng isa.
"Sige tara! :D" sabay sagot ng buong barkada.
Pumunta kami sa Quantum at naglaro. Habang naglalaro, naisipan ng isa na mag videoke. Meron kasing videoke dun na naka kwarto pa. Pumili na kami ng songs para makapag kanta sa loob. Medyo kinikilig ako dahil sa katabi ko si Martha. Haha. Parang langit talaga pag katabi mo ang inspirasyon mo no?
"Keith! Ikaw naman ang kumanta oh!" Sabay bigay ng microphone at pabulong na sinabi "Kantahan mo na si Martha"
Pumayag naman ako. Kumanta ako ng mga sweet na kanta. At sinabayan ko ng nakakalokong sayaw.
"Keith? Para kay Martha ba yan?" Sabi ng isa.
Namula yung mukha ko at napatigil sa pag ce-cellphone si Martha. Shocks!! Ang daldal naman nung lalaking maliit na yun! Malapit na ata akong mabuking. Hayyy.. sana naman hindi pumasok sa isip niya na tama ang sinabi ni Micheal. Sana nga.