Prologue

188 13 8
                                    

"You bore me."

Napanganga nalang ako nang sabihin yun ni Deston sakin. He didn't even flinch or blink. Deretsahan niyang sinabi yun kasabay ng pagtapon niya sa tatlong taon namin.

"H-how can I be boring to you? Sabi mo sakin noon, I am the only excitement you need," I said while trying to hold back my tears.

He smirked. "That was last year, Farah. Now, you just... you just simply bore me to death."

I bit my lower lip while tears ran down on my face. How could he? All this time, I tried to understand him being late on our dates, him not having time to text me, him being cold, him not telling me he loves me. Yun pala, hindi na. May iba na pala.

Kung hindi pa nahuli ng katrabaho ko na may ka-date sa mall, hindi ko pa malalaman. Sinasaksak na pala niya ako sa likod.

"Should I thank Desiree for texting you to go here para at least ngayon, hindi na ako magpapakahirap pang pakisamahan ka?"

Bakit ko ba minahal ang demonyong to?

"Ang kapal ng mukha mo," nanginginig ang mga labing sabi ko sa kanya. Tiningnan ko yung babaeng pinagpalit niya sakin. Ang ganda-ganda niya. Ang sexy pa. "Inintindi ko ang lahat ng pagkukulang mo. Minahal ko ang lahat sayo. Tinanggap kita nang buo tapos ganito ang gagawin mo? After three years-"

"I know. That's why I'm breaking up with you. Three years of mediocrity is enough. Hindi ko rin nga alam kung bakit kita niligawan noon eh. Look at yourself!" He gestured with his hands. "Mas mukha ka pang matanda sa nanay ko. At kung magsalita ka pa minsan, daig mo pa ang matagal nang nabuhay sa mundo. You are so fucking boring!"

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha na matagal ko nang kinikimkim. Ang sakit niyang magsalita! Alam ko. I'm not pretty outside. Hindi ako kasing-ayos sa sarili kagaya ng ibang babaeng kasing-edad ko pero hindi sapat yun para laitin niya ako at isampal sakin ang lahat ng iyon.

Lumagitik ang palad ko nang sampalin ko siya. Bumakat ang palad ko sa mukha niya. Kulang pa yan, Deston. Kulang na kulang pa.

Napasinghap lahat ng nakakita. Mabilis na hinawakan ng ka-date niya ang kamay ko.

"How dare you!" she screamed at me.

She was so shocked when I slapped her, too. "No. How dare you! Magsama kayong dalawa! Parehas kayong nararapat sa impyerno. Mga manloloko!"

Hahabulin pa sana ako nung babae pero pinigilan siya ni Deston. Aba dapat lang! Subukan lang niyang habulin ako at saktan, hindi ako magdadalawang-isip na ingudngod ang mukha niya sa sahig.

Kusang nahawi ang mga taong nanonood sa amin nang dumaan ako. Marahas na pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. I stomped my shoes on the floor so hard so they won't hear my heart shattering.

-

"O, anong problema?"

Natigilan ako nang bumungad sakin si Azrael. Ano na namang ginagawa nito sa bahay?

Hindi ko siya pinansin at nagdere-deretso. Kailangan kong makarating agad sa kwarto. Pakiramdam ko, mamamatay na ako.

"Farah!"

Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan nang tawagin ako ni Kuya. Pinunasan ko agad ang mukha ko. Ayokong makita niya akong ganito. Saka ko siya hinarap.

"Are you crying?"

Umiling lang ako.

"Bakit pugto ang mata mo? Saan ka ba galing? Bigla ka nalang nawala."

I pressed my lips against each other. Hindi ko kinaya. Napahagulgol nalang ako at napaupo sa hagdan habang nakataklob ang mga palad ko sa mukha ko.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon