1

95 12 4
                                    

I kept staring at my phone. Isang linggo na rin simula nung niloko ako ng hayop kong boyfriend. Isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Isang linggo na ring naliligo sa luha ang mga unan ko. Isang linggo na rin simula nung nagsimula akong itext ng Bad Blood Org ng tagline nila. Sabi ni Azrael, i-delete ko raw agad yung mga texts. I did but they kept on texting me the same messages everyday.

I tried to ignore it but it is so hard especially when it's the only text message I receive everyday. Hindi na ako tine-text ni Deston kaya ang text nalang na yun ng Bad Blood ang nakikita ko.

"Farah, labas tayo?"

Hindi ko pinansin si Azrael. Feeling talaga niya ata ay bahay niya ito. Si Kuya naman, laging pinapayagan.
At ang magaling, nagdodota pa sa PC. Hindi ko alam kung anong oras pa siya diyan pero kanina pa siya nagmumura.

"Suplada o," sabi niya habang natawa.

"Pwede ba," naiirita kong sabi.

He is not helping. Nakakabwisit lang siya lalo.

"Are you moving on?"

What kind of question is that? Isang linggo palang nung nagbreak kami ni Deston. Tingin ba niya ganon kadaling mag-move on?

Imbes na makipag-away na naman sa kanya, hindi nalang ako nagsalita.

"Tangina o! Bobo talaga," sabi niya habang naglalaro.

"Mura ka nang mura," sabi ko.

"Pero moving on ka na?"

"Bakit mo ba tinatanong?"

"Masama ba?"

I rolled my eyes heavenwards. "Chismoso ka lang naman kasi."

Tumawa siya. "Sana nga ganon nalang."

"Ano?" tanong ko. I wasn't able to hear him completely. He just muttered it in the air.

"Sabi ko, gutom na ako. Gusto mong kumain?"

I laughed a bit. "Ikaw ang gutom tapos ako ang tinatanong mo kung gusto kong kumain."

Hindi na siya sumagot kasi busy maglaro. Sa totoo lang, ayos lang naman kahit na nandito si Azrael. Bukod sa may tao sa bahay, napakamaligpitin din at masipag ng lokong yan.

Minsan kapag wala siyang trabaho, nandito lang siya. Kapag naiwan naming madumi minsan ang bahay sa kakamadali, pag-uwi namin, sobrang linis na. Minsan kapag sobrang sipag niya at nasa mood, pinagluluto pa niya kami ng pagkain.

In short, katulong.

It is kind of ironic of him being caring to us as if he is our parents to think that like us, he already has none.

At the age of 12, graduation nila ni Kuya ng elementary na kung saan Salutatorian si Kuya at Second Honorable Mention si Azrael, naaksidente ang parents niya papunta sa school.

Yes, it was devastating. Hindi nalaman ni Azrael ang tungkol dun hanggang sa matapos ang graduation. Sa kanya lang walang nagsabit na magulang. Naisip pa nga niya baka tinamad pumunta ang mga magulang niya.

It was the last time I saw Azrael cried. Halos himatayin siya sa ospital nang makita ang mga magulang niya. There is nothing else we can do but to comfort him.

Ginusto pa nga nila Mommy na ampunin o kupkupin siya pero ayaw niya. Napunta siya sa tita niya. For a while, we didn't see him. Akala pa nga namin ay mapapariwara siya gaya ng ibang kabataang naulila.

Iba nga pala si Azrael. He strived even more to get better and better. Hindi siya nag-girlfriend para lang makapag-focus sa pag-aaral. Sa sobrang focus, nawalan siya ng social life.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon