Cherry's POV
Titig na titig ako sa kisame namin habang lumilipad ang isip ko. Six days, six fvcking consecutive days wala pa rin akong narerecieve na text niya. Gusto ko'ng magalit pero hindi ko ginawa dahil mahal ko siya. Kailangan ko'ng habaan ang pasensya ko dahil mahal ko siya. Kaya imbes na tumunganga ako, idinaan ko nalang sa GM ang pag-iisip ko sa kanya. Finorward ko ang last text niya at yun ang nilagay ko sa message ko.
Ikaw lang naman kasi ang ONLY YOU with I LOVE YOU TOO pa. Oh, san ka maghahanap ng ganyan na lalaki? Ehdi sa akin lang. Ganyan kita kamahal. Ingat Ate ♥ Mahal kita ツ
Nakakamiss to'ng taong to. Pektosan niyo nga pag nagkita kayo ha? Hindi na kasi nagpaparamdam eh. Mahal kita Kuya ko ' kaya magparamdam ka na ha? Miss na kasi kita. Ingat lagi ツ
~ Good Morning
#GM #MahalKitaEljohnGuevarra
Pagkatapos ko'ng mag send ng GM ay naka recieve agad ako ng text.
From : Bakla_Ram
Ang hirap talagang magmahal, ng taong hindi ka naman mahal.
Eeeeeennnnnnkkkkk
Loading..............
Ano'ng ibig sabihin ni Ram? Di ko gets eh. Magrereply pa sana ako kaso biglang nag MESSAGE SENDING FAILED.
Ano ba yan! Expire na agad ang load ko.
Ito ang mahirap kapag long distance kayo ng ka relasyon mo, kahit miss na miss mo na siya at kahit na kating-kati ka ng makita siya pero hindi mo magawa kasi nga ang layo niyo sa isa't isa.
Kaya para mawala ang pagka-bore ko, kinuha ko ang guitara ko't nagstrum. Ano nga ba'ng kakantahin ko?
Ah. Alam ko na! Yung team song nalang namin ni Eljohn, Ikaw at Ako ni TJ Monterde. Huminga muna ako ng malalim, nagstrum at sinimulang magkanta.
Hawakan mo ang kamay ko, dama pakahigpit
Naalala ko ang unang pag-uusap naming dalawa. Nasa puno kami non at umakyat kami, tinawag namin yung "Puno na saksi ang lahat" kasi saksi niya ang lovestory naming dalawa. Doon din yung first holding hands namin, talon ng talon ang puso ko non at tila mahuhulog ang puso ko sa kilig.