Richard's POV
Hays! Asan na ba yung babaeng yon? Siya may pasimuno netong charity nato e. Tapos siya pa yung wala. Tss.
"Hi Miss, Asan na yung kaibigan niyo?" Tanong ko sa 2 kaibigan niya. Lagi niya yung kasama e.
"At bakit mo tinatanong? " sabi nung babaeng medyo chubby.
"Oo nga, at ano bang pake namin sayo?" Sabi naman nung may bangs.
Hays! Mga babae talaga. Ang susungit. Madala na nga tong books dun sa table.
"Eto na po yung isa pang box." Sabay abot dun sa hawak ko.
Ako nga pala si Richard Cortez. 18 yrs. Old. Nagtratrabaho ako sa isang bookstore. Tiga ayos or tiga assist dun sa store.
Yung Mama ko nagtra-trabaho siya sa Radio Station. Para naman makatulong ako sa pamilya ko, naghanap ako ng trabaho.
May Lola ako saka isang kapatid na bunsong babae.
"Wala pa ba si cheska?" Tanong ko sa isa kong kaibigan.
"Wala pa p--"
"E ano naman sayo kung wala pa ko?" Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung marinig ko yung boses niya.
Hindi ko nga alam kung bakit sa kanya ako nagkagusto e. E ang taray taray naman niyaa. Tsk. Tsk.
"Ah-Eh wala naman" sabay kamot sa batok
"Okay, weird come on girls"
Sabi niya sa mga kaibigan niya. Sabay alis.
Para kaya kaming aso't pusa niyan. Kaya di ko alam kung bakit sa kanya ako nainlove. -,-
FLASHBACK.
Nagbi-bike ako papunta sa trabaho ko ng may makita akong babae. Na hindi tumtingin sa dinadaanan niya. Kaya muntik ko na siya mabangga.
Kaya lang. Naout of balance ako. At napahiga sa sahig pati yung babae. Sakto pa naman na dumaan yung truck. Na hindi ata nakita yung bike ko. Ayun! Naipit! -,- Hays!
"Nakuuuu! Kuya! Sorry!" Sabi niya at mukhang sincere naman.
"Bakit may magagawa pa ba yang sorry mo?" Para naman kong babae neto kung magtaray. Ang Bading! Haha
"Kaya nga nagso-sorry diba?"
"Alam mo bang importante sakin yang bike na yan. Ayan! Yung binili ng nanay ko nung unang sahod. Kayaa Importante sakin yan. "
"Edi babayaran ko nalang"
Hindi ko na siya sinagot. At naglakad nalang papunta sa trabaho.
End Of Flashback..
Hays! Ang cute niya talaga pag nagagalit. Lalo na pag lumalaki na yung butas ng ilong niya. HAHAHAH!
mas lalo tuloy akong naiinlove. Daig ko pa ang babae e.
Simula nong mga pangyayaring yon. Diko na sya makalimutan. Hays!
Im richard cortez madly inlove with Cheska Faye Ramos
![](https://img.wattpad.com/cover/40203478-288-k490419.jpg)