Sa kadiliman kung saan ang kulog at kidlat ay nagngangalit,
Aking binasa ang iyong sulat na punit na punit,
Sa isang lamparang wari'y liwanag ay nagpupumilit,
Na huwag maglaho ang sindi ang siyang aking gamit-gamit.Sulat mong kay ikli, nilalama'y tung masakit,
Pakiwari ko'y pinagsakluban ako ng lupa at langit,
Pagngiti'y di ko magawa kahit na aking ipilit,
Pagkat sa puso ko'y matinding sakit ang gumuhit.Luha ko'y pumapatak sa bawat paghikbi,
Punasan man ng panyo'y, luha'y nananatili,
Sa pagdaloy nito sa aking mapupulang pisngi,
Hindi maikakaila ang dulot nitong pighati.Binuksan ko ang radyo upang ako'y makapakinig,
Nang mga tugmaan ng letra sa liriko ng awit,
Mensahe ng awiti'y sadyang tunay na kaysakit,
Na dumudurog unti-unti sa aking puso at isip.Bakit gay un? Ako naman ay mabuti't mabait!
Bakit pag-iwan mo sa akin ay bigla nalang sumapit?
Ang oras na ako dapat ang kasama'y sa kanya mo inilaan at sinulit,
Ang halaga ko ba'y hindi na sapat, kaya't kaydali mo akong ipinagpalit?Kung ang kasiyahan mo'y ang iwan ako, ito ay aking tatanggapin,
Napakasakit man nito sa aking puso't damdamin,
Ipaglaban ko man ang "TAYO", sa dulo'y ako'y tiyak na mapapagod rin,
Pagkat di pa din kita mapipilit na ako ang iyong piliin.Ang pagmamakaawa'y marahil di ko na kailangan pang gawin,
Pagkat kung mahal mo ako'y, sa iba'y di ka mahuhumaling,
Takpan man ang katotohanan, ito ay lilitaw pa rin,
Na hindi mo ako pipiliin pagkat masaya ka na sa kanyang piling.#friendship?
#lovelife?
#anythingyouthink!
#DaigKoPaNaHeartBrokenDito!
#CreatedLast06.12.21