BECKY POV:
Good morning Philippines nasambit ko habang pababa sa kama ko, kagigising ko lang at naaamoy ko na ang masarap na ulam na niluluto ni mama,sa amoy palang natatakam na ako, alam kona kasing sea food ito sa amoy palang Goodmorning ma agad kong nasambit pagkababa ko at siya naman ay nakatalikod habang naghahalo sa niluluto Nakatulog ka ba ng maayos? Ilang oras lang tulog mo mula dumating ka, naninibago kaba nak? Ani nito
Nagutom lang ma, na miss ko luto mo humarap ito saakin at lumapit sa kina uupuan ko habang naka ngiti ng pagka tamis tamis Alam ko, kaya heto maaga akong nagpabili kay Nop ng sea food anak ni manang Martha ang tinutukoy, napangiti naman ako at niyakap si mama Na miss kita ma sabi ko habang nakangiti na nakayakap sa bewang niya, nakatayo siya at nakaupo ako sa harap ng mesa kaya mas mababa ako sa kanya, hinaplos haplos niya ang buhok ko Isali niyo naman ako sa lambingan niyo, hindi lang kayo ang nakamiss sa isa't isa sabi ni papa mula sa hagdan na tatawa tawa, hindi namin agad napansin ni mama naka tingin ako sa kaliwa habang si mama naman ay nakayukoLumapit siya sa amin at mula sa kanan ko ay niyakap kami ni mama, na miss ko to sampong taon akong nahiwalay sa kanila dahil sa pag aaral ko pero every six months naman nila akong binibisita at hindi iyon pumalpak ni isa, naghiwalay lang kami noong tumunog ang tiyan ako gutom talaga ako Someone is really hungry Sabi ni papa na dahilan para matawa kami, eksakto naman ang pagpasok ni manang mula sa sala Ipaghahanda ko na kayo sabi niya habang nakangiti sakin
Ang ganda ganda mo talaga Rebecca huling kita ko sayo noong graduation mo hindi talaga ako makapaniwala na ikaw yung nene na hinuhugasan ko sa puwitan tuwing tatae aniya pa kaya natawa ako sa kanya kahit luhaan pa siya na parang inaalala ang pagka bata ko Na miss ko din po kayo manang sambit ko habang nakangiti tumayo ako at niyakap ko siya ngunit muling tumunog ang tiyan ko kaya natawa siyang humiwalay O siya kumain ka muna at pinag handaan ng iyong ina ang pagbabalik mo sa bansa kaya maagang nagising at pinagluto ka dagdag nito, napatingin ako kay mama Thanks ma sabi ko at ngumiti naman siya Anything for our beautiful daughter.
Masaya kaming nag agahan sabay ang kwentohan, kaya hindi ko naramdaman ang masakit kong likod, napansin ko lang ito pagpasok ko sa kwarto para mag shower at matulog ulit, mahaba haba din ang flight ko. Tinanong ko si manang martha kung nasaan si Nop pero sabi niya may last make up duty daw siya kaya nagdesisyon akong magpahinga muna, pumasok naman si papa sa trabaho niya may kaso daw siyang hawak ngayon na kailangan niyang ipanalo, si mama naman nasa office she's a writer pero online iniisip ko tuloy minsan na siya si BLACK pero noong tignan ko mga gawa niya puro pang teenager puro kilig at romansa magkaibang magkaiba sila ni BLACK binasa ko ang ilang pahina na gusto ko sa libro niya " Everyone deserve happiness but not everyone blessed to be happy " basa ko dito habang nakangiti that's deep nasabi ko nalang sa sarili ko, iniwan ko yung libro sa bookshelf ko na ngayon ko lang napansin na naayos na pala pati gamit ko, ito siguro ang pinagkaabalahan ni manang habang nasa bathtub ako halos dalawang oras din ako nagbabad dahil sa tubig na katamtaman ang temperatura, pagkatapos ko malagay ang libro ay diretso akong dumapa sa kama ko hanggang hinila na ako ni antok.
Napaungol ako nang may maramdaman akong nakatitig sakin sa kaisipang nasa apartment pa ako sa england napabalikwas ako ng bangon pero nangunot ang noo ko noong makita ko si Nop na nakangiti sa isang sofa na nasa kwarto na hindi nalalayo sa kama ko, napangiti din ako sa kanya at bumalik sa pagkakadapa habang nakatitig sa kanya Tulog mantika parin pero titig ko lang pala ang gigising saad nito kaya tinapunan ko siya ng unan at natawa naman siya What time is it? Tanong ko sa kanya tumingin naman ito sa pambisig niyang relo It's already time for dinner young lady, 7pm napangiti ako napangiti ako sa sagot nito Naks, pwede kana mangibang bansa pang aasar ko sa kanya, natawa naman kami Well Salamat sa mga libro na binibigay mo marami akong natututunan specially sa course ko sabi pa nito, ngumiti naman ako sa kanya at tumayo diretso yakap sa kanya I'm happy for you Nop, I know you can do it saad ko habang hinahaplos ang likod niya, habang naka kandong sa kanya I must do it para kay nanay at para saakin, gusting gusto ko ito noon pa kaya bakit ko pakakawalan ang pagkakaon naluha naman ako sa sinabi niya alam ko kung paano sila naghirap ni manang martha dahil sa tuition niya at pangangailangan niya sa pag aaral, ayaw naman ipagsabi ni manang noon dahil nahihiya daw siya kasi parang kinupkop na namin sila kaya noong nalaman ni papa na ganoon ang sitwasyon nila ay agad niyang pinasok sa scholarship si Nop dahil ayaw naman nilang gastusan ni papa ang pag aaral niya kasi hindi naman daw basta basta ang pag Dodoktor kaya iyon lang ang naisip na paraan ni papa para hindi na sila mahiya, matalino naman at mataas ang grado ni Nop kaya walang problema don, He's now in Third year, mas matanda siya sakin ng five years kaya I treat him like a brother, nasa ganoon kaming sitwasyon noong may narinig kaming katok mula sa bukas kong pintuan, pagtingin ko ay nakkita ko agad si mama na nakatingin samin, tiyak kong galing ito dahil sa suot niya Nawa'y hindi ako nakakaistorbo kasi kakain na sabi niya habang nakangiti, natutuwa. Hi tita sabi ni Nop Dito ka talaga dumiretso no? hindi mo pa tinatanggal yang coat mo Doc sabi naman ni mama para tignan ko ang suot mi Nop puti lahat ito sa ilalim nito ay Clinical uniform na napapatungan ng Lab gown na hanggang tuhod, tatawa tawa naman akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kandungan nito kaya inirapan ako at tumayo din para lumabas sa kwarto ko.
YOU ARE READING
Found her
RomanceHindi inaasahan ang pagdating ni Becky sa mundo ni Freen na siyang gugulo sa buhay niyang puro pera ang inaasikaso, sa una nilang pagkikita napagtanto na nitong may kakaiba possible kayang makapasok din siya sa buhay ng dalaga kung may nagugustohan...