BABALIK SA'YO (ONESHOT)

50 36 52
                                    

A/n: yung ibang grammar, sinadyang maliin (kasi hindi fluent ang isang character) yung iba hindi 😅

"Hello love, it's your 7th death anniversary already.. 7 years had past and all I think about is still you." Ibinaba ko ang flowers na hawak. "I brought you a different colored flower pala, it's white naman ngayon. I hope you are learning more Filipino words there kasi I'm starting to have a headache learning English na." Napatawa ako ng bahagya. "I'm just kidding love, I'm willing to be an Englishera until I die so that you can understand everything I say. I already forgive myself, just like you asked.. By the way, I cleaned your office awhile ago, your mom collected some papers you left and then we had a little chat. She said that she's sorry kasi she can't visit you today, she has a lot of work daw."

Binuksan ko ang basket at kumuha ng mga pagkain na iiwanan ko rito. "I know how to cook your favorite meal now, love. I brought it with me so that you can see, I just wish you can taste. Speaking of meals, I miss your cooking. I miss our clingy times when you're cooking me breakfast. I miss everything love. Why did you have to leave me early?" Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, unti-unting bumabalik ang mga alaala namin noon.

"Oh no.. I'm remembering your death again.. I don't want you to see me crying love. You only see me for a short amount of time and I'm crying.." Pinilit kong punasan ang patuloy na tumutulong luha ko.

"Cassie! Come here love, forget about my belongings, come with us!" Sigaw ni Terence saakin habang dinadampot ko ang mga nagkalat na gamit niya.

"No love, I'll save everything I can! You've worked hard saving for this! Just leave without me and I'll follow!"

"May iba pa bang tao riyan?!" Sigaw ng isang teacher namin. "Oh, hijo, sundan mo na ang mga kaklase niyo roon." Patuloy na umuga ang paligid, unti-unting nasisira ang mga gamit dito. Sa kabutihang palad ay nakalabas ako. Nandito na ako sa may harap ng school kasama ang mga kamag-aral, kumalma naman na kahit papano ang lindol.

Hinanap ko si Terence sa lupon ng mga tao rito pero hindi ko siya makita. Nang makarating sa isang public court ay tumayo ako at muli siyang hinanap. "Nakita niyo ba si Terence?" Tanong ko sa mga katabi.

"Huh? Hindi ba magkasama kayo kanina?"

"Hindi! Bumalik ba siya sa loob?"

"Sorry, hindi ko alam. Busy kasi kami sa pagtawag ng parents kung kamusta sila. Tapos nung nag-head count naman kulang ng isa sa section natin kaya bumalik ulit yung mga police sa loob."

"Parang may nakita kaming lalaki na tumayo at sumama sa nga pulis, hindi yata nahalata ng guard. Hindi kaya..." Nanlaki ang mga mata ko.

"Si Terence!" Malakas na sigaw ko kaya napunta ang atensyon ng lahat saakin. Nilapitan ako ng adviser namin. "Ma'am si Terence po wala rito, baka po nasa school pa siya! Please tulungan niyo po ako!"

"Ok, calm down. Siguraduhin muna nating wala talaga siya rito. Nag-head count kami kanina, kumpleto naman."

"Ma'am, baka nadoble lang po. Wala po talaga siya rito."

"Sige sige, papapuntahan ko siya sa isang guard, dito ka lang muna."

Agad akong tumutol, malamang ay ako ang dahilan kung bakit siya bumalik doon. "Ma'am, sasama po ako." Buong loob kong saad.

Wala nang nagawa pa si ma'am kun'di pumayag. Hinayaan nila akong sumama sa isang guard at bumalik kami ng school. Dumiretso ako kung saan kami huling nagkita, nang hindi siya nakita roon ay lumipat ako sa kabila.

"Terence? Where are you?" Pasigaw kong tanong. Patuloy ko iyong ginawa hanggang sa matumba ako bigla.

Aftershock.

Babalik Sa'yoWhere stories live. Discover now