Baby, I'd give up anything to travel inside your mind
Baby, I fall in love again come every summertime
My daddy taught me to choose 'em wisely, but you don't have to try
'Cause, baby, I fall in love every summertime
Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni North matapos marinig ang tugtugin sa aux ng kotse ng kanyang ama habang nakatanaw lamang sa malayo sa labas ng bintana ng kotse na sinasakyan niya ngayon. Ayaw niya sana sumama sa lakad ng kanyang ama ngayon pero wala siyang nagawa dahil alam iyang bubungangaan na naman siya ng kanyang ina. Nataon kasi na bakasyon ngayon and balak niya sana magstay lamang sa kanilang bahay upang maglaro ng kanyang computer games pero hindi siya hinayaan ng kanyang ina at talagang sinama siya papunta sa farm nila sa Bicol.
A 15 year old North, doesn't want to spend his whole summer in a farm where civilization is so far. Farmside means no technology, poor signal, and poor internet access. Hindi na mabilang ng ina ni North na nasa passenger seat kung ilang beses na niyang naririnig ang paghinga ng malalim ng kanyang anak at halata mong napilitan lamang talaga na sumama sa kanila ngayong araw.
"You know, you can travel without me naman, Mom," ungot ni North sa ina.
"No, hindi ka namin pwedeng iwan ng mag-isa sa bahay, North. Nana Lina want to see you nga, hindi ba, dad?" baling ng kanyang ina sa ama na nagdadrive.
"Tuwing summer ka lang naman gusto makasama ng Nana Lina mo, North and it is a good thing to breath a fresh air and matutunan mo rin ang buhay bukid," wika naman ng kanyang ama.
"But dad, Ocean and our other friends made a plan na sana to play basketball this summer," sabi naman ng binata.
"Sakto may mga pa-liga panigurado sa probinsya ngayon, doon ka na lamang maglaro," hindi malaman ni North if nagbibiro or sarcasm ba ang tono ng kanyang ama.
He groan on his father's response at saka sinalpak na lamang ang headphone na dala niya tsaka nakinig nalang ng music mula sa kanyang phone. Nagmukmok na lamang siya sa backseat dahil mukha talagang desidido na ang kanyang mga magulang na sa farm sila ng kanyang lola mamalagi ngayong bakasyon.
Ilang oras din ang tinagal ng byahe nila at nakatulog na nga si North sa kalagitnaan ng biyahe. It take 6 hours of travel bago sila makarating sa farm ng kanyang Nana Lina. Ginising na siya ng kanyang ina ng malapit na sila at agad naman niya natanaw mula sa labas kung gaano ka greeny ang scenery na nakikita niya mula sa labas ng kotse. Nakita naman niya ang hacienda ng kanyang Nana Lina na siyang tutuluyan nila.
Agad naman pinark ng kanyang ama ang kotse ng makarating at makalagpas sila sa gate ng hacienda. Pagkatigil ng sasakyan, ayaw pa sana lumabas ng sasakyan kung hindi lamang matalim ang tingin ng kanyang ina mula sa labas. Nakabusangot siyang bumaba ng kanilang sasakyan, sinalubong naman agad siya ng maaliwalas na simoy ng hangin.
"Nanay!" rinig niyang tawag ng kanyang ina sa ina nito at patakbong sinalubong ng yakap ang kanyang Nana Lina na nakatayo sa harap ng front door ng bahay.
Agad naman nagmano ang kanyang ama sa kanyang lola at nakangiti naman itong binati sila. Binaling naman ng kanyang magulang ang atensyon ng mga ito sa pwesto niya, pati na rin ang kanyang lola ay napatingin na sa kanya.
"Iyan na ba si North? Ang laki mo na, Apo. Ano pa ang tinatayo mo riyan, hindi mo ba bibigyan ng galang ang iyong lola?" wika ng matanda sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
"Magmano ka sa Nana Lina mo, North," utos sa kanya ng kanyang ina na agad naman niyang sinunod.
"Iba na talaga ang kabataan ngayon, wala ng pagkukusa," pagsusungit ng kanyang nana.
BINABASA MO ANG
Every Summertime
Short StoryThey say that 'Love is to the heart what the summer is to the farmer's year-it brings to harvest all the loveliest flowers of the soul.' Summer Love are not considered as true love, because for others, summer love is called summer fling, a part wher...