INAGAW ko ang isang piraso ng papel kay Faye. Nang tignan ko iyon ay kaagad bumungad sa akin ang pangalan ng taong halos limang taon ko nang gusto. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang mga nakasulat doon. It's a confession. From a girl."Grabi naman, magpasalamat ka muna sa akin! Makahablot ka, ha? Hindi mo ba itatanong kung paano ko iyan nakuha, Bien?" irap niya. "Dami talagang nagkakagusto sa kanya kahit pa sinasabi ng iba ng bakla siya, 'no?" she teased.
"He's not gay. I already told you," tanggol ko kay Rhys.
Rhys Salvador. Captain ball siya ng volleyball team sa campus namin. He's a great player, gwapo rin kaya naman marami talaga ang nagkakagusto sa kanya. Sikat si Rhys sa campus kaya naman maraming usap-usapan na bakla siya, hindi tunay na lalaki kaya naman palaging ligwak ang lahat ng mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya, mapa batch man namin sa Senior High o sa Junior ay wala siyang kahit sino mang binigyan ng pansin.
"Ikaw ba nagpadala ka ulit ng sulat sa kanya, Bien?"
Tumango ako.
"Nagpapdala pa rin kahit alam mo namang sa basurahan napupunta ang mga iyon." Umiling-iling si Faye.
"Okay lang naman iyon. May pangalan ko naman kaya kahit hindi niya basahin, at least nakikita nita palagi ang pangalan ko," ngisi ko."Pagsubok lang 'to sa buhay. Kpag grumaduate tayo ng senior at wala paring improvement, titigil din naman ako."
Sa limang taon na pagkakagusto ko kay Rhys, pakiramdam ko ay napakatibay at adventurous kong tao. Pinagpupuyatan ko ang mga letters na inihuhulog ko sa locker niya. Palihim akong nagpapatong ng banana milk sa lamesa niya kapag may PE sila, sa Oval iyon kaya hindi niya nalalaman. Pagkatapos ay iba't-ibang sticky note na may messages ang idinidikit ko kasama niyon.
Minsan ay kinukuhanan ko siya ng litrato gamit ang DSLR cam ko. Ang mga iyon ay isinisilid ko sa kahon bilang remembrance. Siya, ang dahilan kung bakit ako pumapasok ng maaga. Sapat na sa aking makasabay siya nang ilang minuto sa hallway bago kami maghiwalay papunta sa kanya-kanya naming classroom. I'm a HUMSS student, at GAS naman siya.
"WALA ka bang lakad ngayon, Bien?" Mom asked after entering my room. I was just lying in my bed comfortably when I heard her shut the door slowly.
"I have no plans of going out, Mom," I lied. Patuloy ako sa paglilipat-lipat ng mga litratong nakuhanan ko noong biyernes. I can't get over it, ang gwapo at perpekto ng mukha niya kahit saang anggolo.
"Faye called. Hindi ka raw sumama sa kanila? Kinukumusta ka kasi ang sabi may lagnat ka raw but you look okay naman. May picnic daw dapat kayo." Mom informed me. She sighed."Did you lied to your friend, Bien?"
Bumuntonghininga ako."I need rest, Mom. Kaya naman nila iyon at masaya pa rin sila kahit hindi ako pumunta." I told her honestly. I off the cam and placed it inside my drawer.
"And who's that guy?" Lumingun ako kay Mommy at nakitang nakatitig siyia ngayon sa isang poster ni Rhys.
It was five months ago pero kaka-print at display ko lang. Summer ang filter niyon, naka-unipormi siya, nakasukbit sa kanang balikat ang itim niyang bag habang naglalakad. Nka-blur angn lahat ng tao sa paligid at tanging sa kanya lang naka-pukos ang camera.
"Wait, is that you boyfriend?"
"No, mom." Sana nga po, e kaso hindi pa ako pinapansin. Update kita, mommy kapag napasukan na nng hangin ang utak niyan at magustohan ako.