Chapter 3

7 0 0
                                    

[Twitter]

Rylou🔒 @RylouvesU
Nakakahiya ka Ry.🙃
    Tweeted 8:00 PM 12/12/22

Rylou🔒@RylouvesU
Magcoconfess na nga sa part-timer pa nila Tita. 😭

    | Lady Jane @Ladyshutup replied:
   Agay. So kumusta ang confession Ry?
    |Chloe Claire @NoChloe replied:
   I bet, rejected to base sa emoji. 😅
    | Rylou @RylouvesU replied:
   Parang ganun na nga. Tinawanan  lang ako ehh. 🙂

[Group Chat]
   9:00 PM      
       Goal Diggers 💪🔥

Chloe Claire Plaza:
Girl @Mary Louisse Abellana u ok?

Ellen Jean Corpuz:
Why? what's with Rylou?

Lady Jane Flores:
I bet, di mo pa nakikita
tweets ni Ry. 🤣

Ellen Jean Corpuz:
Why? May tweet siya?
Okay basahin ko muna.

"You replied to Chloie Claire Plaza"

Mary Louisse Abellana:
I'm okay Chloe. I guess.💀
di na bago sa'kin to.😅

Ellen Jean Corpuz:
Ohh. Kakabasa ko lang.
Aguy rejected?
Ba't ka pa kasi nagconfess?

Chloie Claire Plaza:
Para makalimot.🤣
Inaasahan na niyang rejected siya at si Ry na mismo nagsabi na kapag pangit kinalabasan edi magmove - on.

Lady Jane Flores:
Believe talaga ako sa fighting spirit mo Ry. HAHAH ikaw na ang Patron Saint of Confidence. 🤣

Mary Louisse Abellana:
Gagi. HAHAHA baka Patron Saint ng mga hindi Crinushback ganun.🙁

Ellen Jean Corpuz:
Ay? Akala ko ba okay lang na mareject? Basta't nakapag confess?

Mary Louisse Abellana:
Okay nga lang pero mas bet naman kung macrush back diba?

Chloe Claire Plaza:
Aww. Kawawang Ry. Pinaasa lang.🙁

Ellen Jean Corpuz:
Ihiling mo nalang kay Lord this Christmas na makalimutan mo na siya.🙃

Chloe Claire Plaza:
Ahh so hindi niya yan makakalimutan. Ehh hindi naman makomple-kompleto ni Rylou ang simbang gabi. Tamad yan ehh😏

Mary Louisse Abellana:
Maginaw tapos maulan kaya hindi ko magawang kompletohin. HAHAHA sa 24 na ako magsisimba.

Lady Jane Flores:
Okay lang yan Ry. Nandito lang kami sumusuporta sa moving on journey mo at love ka namin.
Yieee. Love you.😘

Ellen Jean Corpuz:
Yieee kilig na yan. Wag kang mag-alala labs nandito naman kami. Kami nalang magkacrush-back sayo.🤣

Mary Louisse Abellana:
Yieeee. Thanks my Lady.🤣
Lakas mang-asar labs ha?
@Ellen Jean Corpuz porket nacrushback.😂

Ellen Jean Corpuz:
Ofcourse. Ako lang to.😏
Catch up naman guys.

Chloe Claire Plaza:
Wow! EJ sanaol 😂

Lady Jane Flores:
Edi ikaw na masaya EJ. HAHAHA
Basta ako masaya na maging single.🤣

Mary Louisse Abellana:
Ako naman, well magmomove-on muna. 🤣

Chloe Claire Plaza:
Duda ako sa pagmomove-on mo Ry. HAHAHA baka umabot na naman ng 5 years.

Ellen Jean Corpuz:
Oo nga matagal pa naman si Ry makamove-on . Diba yung sa ex-crush niya?

Mary Louisse Abellana:
Wag naman sana. Hehe. Awit kung ganun.🤦‍♀️

Lady Jane Flores:
Madali pa naman maattach si Rylou.Haha tapos matagal makamove-on.Hahah INFP things.🤣

Mary Louisse Abellana:
Hoi, pati rin ISFP Lady Jane madali ring ma-attach kaya beware. HAHAH

Lady Jane Flores:
Kaya nga ako nag-iingat ehh. HAHAH ikaw muna kunan namin ng aral sa aspeto ng lovelife.🤣

Ellen Jean Corpuz:
Pero Rylou walang "idaan natin sa maboteng usapan" ngayon?
Diba sa 18 pa uwi mo pa-Siargao?

Chloe Claire Plaza:
Ayy, uhaw na uhaw EJ?
HAHAH

Ellen Jean Corpuz:
HAHAHA nagbabakasali lang baka may libreng painom si Ry.🤣

Mary Louisse Abellana:
Wala, pass muna. Masakit sa tiyan ang smirnoff ehh. Tsaka bumili na ako ng icecream okay na siguro to pampalift ng mood.🤣

Lady Jane Flores:
Ay madaya ka Ry. Ang lapit lang ng BH natin sa isa't isa di mo man lang ako inaya.🙁

Chloe Claire Plaza:
Bakit? wala ka rin sa mood @Lady Jane Flores? Kaya need mo ng Ice cream?

Mary Louisse Abellana:
Sorry na, hindi na kita inaya Lady kasi hindi naman ako sa 7/11 kakain dito lang sa BH. Tapos, baka masaraduhan ka sa BH niyo diba 9:30 pm curfew niyo?

Lady Jane Flores:
Kahit na Ry2. Who says no to icecream? 😢

Ellen Jean Corpuz:
Ay wala na nagtatampo na si Lady Jane. Lagot ka Ry. FO na.🤣

Mary Louisse Abellana:
Sorry na LJ huhu. Promise, I'll tell you next time.

Lady Jane Flores:
Tsarss. Joke lang yun. Hehe it's okay Rylou. Sana malift ng Icecream ang mood mo ngayon. 😄

Ellen Jane Corpuz:
Ay hindi-hindi gusto ko FO agad. HAHAHA

Mary Louisse Abellana:
Gagi ka EJ. 🤣 pahirapan ka sana ng mga estudyante mo.

Chloe Claire Plaza:
Si EJ lang ata ang teacher na nakilala kung hindi pagod at ang kulit parin.

Ellen Jean Corpuz:
Ganyan talaga kapag baby face.😂

Chloe Claire Plaza:
Ang sabihin mo, ganyan kapag isip-bata.🤣 Bye na nga gagawa pa ako ng PPT for tom. Rooting for your moving-on journey Ry. Pagagawan kita nga tarpaulin kapag nakamove-on ka na.🤣

Mary Louisse Abellana:
Ehh kung ginaya niyo kami ni LJ na unemployed wala sana kayong PPT na gagawin ngayon.HAHA

Lady Jane Flores:
Hahaha. Gayahin niyo kami balik estudyante. Ayy Ry pasend nga ng file ng kailangan basahin sa Assessment of Learning subject natin.

Ellen Jean Corpuz:
Pakk! Sanaol nag-aaral ng CPRT.
Kayo muna mauna magLET ha?susunod kami ni Chloe.
Sige na babye tatapusin ko na PPT ko. Basta Ry kaya mo yan makakamove on ka rin. 🤣

Love always finds a WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon