PROLOGUE

3 1 0
                                    

Hinubad ko ang heels na suot at nakapaang nagpatuloy sa paglalakad sa daan pababa sa bundok,kung bat ba naman kasi sa taas pa ng  bundok nato napiling ganapin ang party.
Ni isang sasakyan wala man lang dumadaan dahil siguro tulog pa ang mga taong nakatira sa lugar na to.

Hindi ko pa naman tanda ang daang pabalik ng hotel na tinutuluyan namin sa baba ng bundok pero wala akong choice kundi umasa sa kutob ko na dito yung daan papunta dun.

Malapit lang naman,nakakapagod lang talagang maglakad.

Nang maramdaman kong parang namamanhid na ang mga paa ko kakalakad ay huminto muna ako at umupo sa bricks sa tabi ng daan.

Nang makaupo ay namamangha kong tinatanaw ang view sa aking harapan,ang city lights sa ibabang parte ng bundok at ang kalangitang madilim pero may hudyat ng liwanag ng araw.

Umaasa lang ako ng liwanag sa streetlights dahil malayo layo pa ang mga kabahayan pero di naman ako natatakot na baka may masamang mangyari sakin dito dahil wala pakong ibang sasakyan o taong nakikita at tanging malapit lamang na convenience store ang bukas.

Inabala ko muna ang sarili sa paghanga sa view bago muling maglakad maya maya.

Nakadress pa naman ako at nakaheels pero naisipan ko pang maglakad pauwi sa hotel,alangan naman kasing matapos kong magwalk out sa party ay magpapahatid pako sa mga tao dun,karamihan panaman sa naroon ay lasing na tulad ng magpipinsan na kanina pa hindi nagpapaawat uminom ng alak.

Naagaw ang pansin ko sa tunog ng sasakyang  pababa din ata ng bundok dahil tinatahak din nito ang dinaanan ko kanina, mukhang galing ito sa mga bisita sa party.

Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin nalang ulit sa city lights,bahala siyang isipin niyang may baliw na babaeng naisipang tumambay sa tabi ng daan sa gitna ng bundok.

Nabigla ako nang may biglang bumusina, pagtingin ko sa aking likod ay ang sasakyang pababa ay motor pala.

Pinagmamasdan ko lamang ito nang tumigil ang motor sa likod ko at dali dali nitong hininto ang makina,hinubad ang suot niyang helmet at lumapit sakin.Nagulat pako ng makilala ang taong ito.

"What the hell are you doing here in the middle of nowhere?"Inis niyang sabi.

"Naglalakad,napagod ako kaya tumigil muna ako dito."Pinakita ko sakaniya ang paa kong namumula dahil sa pagheels kanina.

"Ano bang naisipan mo,you just disappeared from the party,ni hindi ka man lang nagpapaalam na aalis ka even kina kuya jake."

"Lasing na silang lima kaya walang sense kung magpapaalam pa ako."Kahit yung gulo kanina ay di narin napansin ng magpipinsan dahil abala sila sa pagsasayaw sa party,mga pasaway.

"Eh kahit sakin,you should at least tell me kung saan ka pupunta hindi yung kung saan saan kita pinaghahanap sa party then pabalik ka na pala ng hotel."Bakas na bakas sa tono niya na parang dismayadong hindi ako nagpaalam sa kaniya.

"Hayaan mo na kasi,atleast nahanap moko ngayon diba."Napabuntong hininga siyang nakatayo sa harap ko na para bang nahirapan talaga siyang humanap sakin.

Napahawak siya sa noo niya at marahan itong minasahe,si oa.

"Whatever,bumalik na tayo ng hotel,hindi ka man lang natakot maglakad lakad dito magisa."

"Namamanhid pa ang paa ko nagpapahinga pa ngang saglit."

"Pwede naman sa hotel nalang mag pahinga."Angal niya.

"Eh sa ayoko pa nga,ano bang hindi mo maintindihan?kung gusto mo mauna kana."Inis kong sabi.

Frustrated niyang hinawi ang buhok bago maupo sa tabi ko.

Tahimik kong pinagmamasdan ang kaniyang mukha habang nakakunot ang kaniyang kilay na parang inis na inis.

"Ba't may gamit kang motor,kanino galing yan?"

"I just borrowed it from an old friend."Matamlay niyang sagot.

"Bakit ka pa humiram pwede kanaman magpahatid ng kotse."Sabi ko pero tinignan niya ako ng masama.

"You should be the one na dapat nagpahatid,nagawa mo pang maglakad hanggang hotel."Inirapan ko naman siya.

"Humiram pako ng motor so that i could freely find you."Dagdag niya pang sabi parang nabigla pa sa sarili,gulat ko siyang tinignan.

"Hinanap moko?"Tanong ko pero hindi siya sakin nakatingin,pinagmamasdan lang niya ang city lights.

"Obvious ba?!"Inis nanaman niya ani,napangiti naman ako.

"Tss,crazy,what are you smiling at?."Tanong niya pero hindi parin sakin nakatingin.

Nakangiti ko lang siyang pinakatitigan kahit wala parin siyang kibo at nakatanaw lang sa paligid.

"You shouldn't have bothered looking for me Ue,nanatili kana lang sana sa party.Baka hanapin ka dun,that party is for De Verjos after all."

"You know damn well that i'm not really a De Verjo."

"Pero yun ang last name mo diba,so you should atleast be a De Verjo for tito Ric."Nagkibit balikat lang siya.

Napabuntong hininga ako bago ulit magsalita.

"Alam mo,mabuti nalang talaga at hindi ko pinapalitan ang apelyido ko sa De Verjo noon,baka lalo lang maurat sakin ang pamilya mo."Sa sinabi ko ay napatingin siya sakin.

Ilang segundong nakatingin lang kami sa isa't isa hanggang sa magsalita siya.

"Yeah right,Mabuti nalang at hindi ka naging De Verjo."Umiwas ako sakaniya ng tingin.

"Bakit?kasi ayaw mo akong maging part ng pamilya mo?I'm already aware of that."

"No.....not because of that."Dun ako muling napasulyap sakaniya habang siya ay pinakatitigan ako

Parang tumigil ang paghinga ko sa sunod niyang sinabi,ang paraan niya ng pagtingin ay parang nakikipagusap ang mga mata niya sa kaluluwa ko,nakakalunod ng malalim.

"But because kung De Verjo kana....
ang pangit namang papakasalan kitang hawak mo na ang apelyidong ibibigay ko palang sayo,Aya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till Dawn (Sun's Series #1)Where stories live. Discover now