Gaano man kalaki at kabigat ang iyong pasan-pasan, makararating ka pa rin sa paroroonan. Sa bawat hakbang, may ginhawang nakaabang. Kilos lang! Laban lang! Hindi ka nag-iisa sa mundong puno ng pagdurusa. Hindi lang ikaw ang sinusubok. Ang iba nga riyan, doble o triple pa ang pinapasan. Hindi na nga halos makagulapay, pero nakatatanaw pa rin ng tagumpay. Kapit lang! Hakbang lang! Sa dulo ng daan ay magandang kinabukasan.
BINABASA MO ANG
MakataOng Quotes
PoetryIto ang Book 2 ng Makata O. Quotes. Pwedeng gamitin at i-share. Huwag lang i-plagiarize.